Kabanata 17

155 4 0
                                    

Disturb


~~~🌸~~~


"B-babalik ka pa naman sa akin, hindi ba? Babalik ka sa akin, Eya?"


Muling dumaan sa utak ko ang mga tanong ni Kai kanina.


It was an easy question, yet so hard to answer. Noon, buo at malinaw sa akin ang dapat na sagot sa tanong na iyon pero ngayon, bakit parang lahat na naging malabo?


I know, I love Kai. There is no doubt about that pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko dahil alam ko na mahal ko nga si Kai, pero may nagbago na. May nagbago na sa akin. Mahal ko siya pero hindi ko na kayang sagutin ang tanong niyang iyon ng walang halong pag aalinlangan.


Kai was the reason I wanted to quit this. Kai was the reason why I decided to live like a normal person after this mission. I had even imagined what my life would be like after we settled down. Lahat ay planado na, lahat ay nakalatag na. Pero bakit ganito? Bakit ako naguguluhan? Bakit ako biglang nag aalinlangan sa mga bagay na noon naman ay malinaw sa akin?


Hindi ko nasagot ang tanong na iyon ni Kai, umalis ako ng hindi siya binibigyan ng malinaw na sagot. Umalis at tumalikod. I feel guilty. Nasasaktan din ako dahil alam ko na nasasaktan ko siya pero hindi ko kayang sumagot dahil sa mga panahong ito, hindi magkatugma ang gusto ng puso at ng isip ko. Kung magbibigay ako ng sagot sa kaniya ngayon na kahit ako ay naguguluhan pa rin, paano na lang? Paano na lang kung mas masasaktan ko siya ng husto?


But I still care about him, I love him kaya hinintay ko na dumating si Red at sunduin ang kaniyang kaibigan bago ako bumalik sa unit ko. I saw how miserable Kai looked when I left. Sobra akong nakokonsensya. Hindi ko alam kung may maniniwala ba sa akin pero sobra akong nasaktan ng makita ko ang reaksyon niya kagabi. Gusto kong pilitin ang sarili ko na sumagot ng. oo. God knows how much I want to say yes, pero hindi ko lang talaga kaya dahil alam ko na hindi iyon ang sagot na pilit na sinasabi ng puso ko.


Kaya natapos ang buong magdamag ng wala akong maayos na tulog. Nagising ako ng pasado alas-otso at sa tawag pa mula kay Trevor. Nakapikit pa ako ng kunin ko ang cellphone sa gilid ko para sagutin. Nakilala ko lang ito ng magsalita siya.


"Eya! Oh my gosh! Thank God you answered!" He was too loud at this hour. Damn! Samantalang ako ay parang kakapikit lang para matulog. Nanghihina pa ako at sobrang antok. Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos and I think this is not the right time to listen to Trevor's drama pero mukhang alam na alam na niya ang bawat galaw ko.


"Oh, please don't hang up the phone. I need your help, Eya!"


Hindi ako sumagot, or should I say hindi ako makasagot. Nakinig ako while half asleep. Hindi ko pa kayang bumangon sa mga oras na ito kaya kung anuman ang gusto niya, I can't help him at this state.


"I'll have my wisdom tooth extraction later, Eya. Please be my replacement for today." Halos marinig ko ang pagmamakaawa sa kaniyang boses pero hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi niya dahil sa sobrang antok.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now