Kabanata 7

104 5 0
                                    

Smitten


~~~🌸~~~


I don't actually know what's with him. Pero sa bawat pagkakataon na nakikita ko siyang ganito, pakiramdam ko wala siyang tiwala sa akin. I mean I earned my spot here. Pinaghirapan ko ang lahat ng ito to gain a spot and position inside Underground. Walang impluwensya, walang kahit na ano. Kung ano ang meron ako ngayon, iyon ay dahil sa pinaghirapan ko ang lahat.


I undergo training at pinatunayan ko ang sarili ko sa kanilang lahat. Hindi ako nakapasok lang dito dahil kaibigan ko si Cassiopeia. I struggled for months to reach this. I had bruises, scars, and I even put my life in line for god knows how many times. This was literally me, giving everything I have just to be on where I am standing right now.


Kaya naman with him, telling me things that makes me question my ability ay parang hindi tama. I know what I did and what I am doing. I even counted every drop of sweat and blood from me. Lahat ng iyon ay kasama sa mga pinaghirapan ko. Kaya alam ko sa sarili ko na alam ko ang bawat galaw na ginagawa ko. I don't need someone to tell me the exact step I need to take or the next move I need to make. I do take the mission, but it doesn't mean that they have to remind or tell me everything, every single day.


"I am not here to do anything. I just want to remind you."


Nagulat ako ng muli kong marinig ang kaniyang boses kaya mabilis akong napalingon. Nagkatinginan kami kaya kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko.


"Akala ko ba umalis ka na? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Inirapan ko siya. Kahit kailan talaga hindi siya marunong umintindi. I already asked him to go pero narito pa rin siya.


"Sorry, Ms. Ortega but I don't take orders from a random Underground Reaper."


Mabilis na umangat ang isa sa mga kilay ko. Automatiko iyon lalo na ng marinig ko ang sinabi niya. Ngayon ay nakaharap na talaga ako sa kaniya at sinalubong ang kaniyang mga mata. Pinag-ekis ko  rin ang mga braso ko sa aking dibdib bago nakipagsukatan ng tingin.


"So pareho pala tayo? Just so you know, Aidan. I don't take orders from a random stranger. I report directly to Mr. Ivan Kim, not to anyone!"


"Random stranger? Am I a random stranger to you?" Tumawa pa siya habang tinuturo ang sarili na parang hindi makapaniwala.


Oo, random stranger. Iyon ang nakikita at turing ko sa kaniya. Hindi ibig sabihin na anak siya ni Mr. Kim at kapatid siya ni Cassiopeia ay makukuha na niya ang pagtrato na gusto niya mula sakin. No! That's not how it works.


At dahil nga nasa tabing dagat kami, hinipan ng hangin galing sa malawak na karagatan ang aking mahabang buhok. Halos sumabog ito kaya sinalikop ko ang mga ito at inilagay sa aking kaliwang braso bago muling sinalubong ang kaniyang mga tingin at saka ako tumango.


"Uhm-yeah? Bakit sino ka nga ba ulit?" I did the face like I don't know him but deep inside natatawa na ako lalo na at nakikita ko kung paano siya ma-offend sa sinabi ko.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon