WAKAS

372 7 0
                                    

Eya Xena Ortega and Aidan Alexander Kim story ends here. Maraming salamat po sa mga nakaabot dito. I hope you enjoyed their love story. Sana makasama ko kayo muli hanggang sa mga susunod na kwento. Hanggang sa muli. ❣️


~~~🌸~~~


Until My Last Breath


~~~🌸~~~


"Even if you will or will not take this mission, once we prove that Kai is involved in his father's illegal business that caused chaos in the Underground, I will ask my most trained men to serve his head to me."


Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakita niya sa lalaking iyon eh hindi naman sila bagay. Isa pa, that guy will bring her no good. Dapat lang na iwan na niya iyon at maghanap na lang siya ng iba. Mas marami naman dyan na mas nararapat para sa kaniya. Someone who's worth it for her. Not some loser who will never be good for her.


"At kung sakaling nagkakamali ka sa mga paratang mo, ako mismo ang pupugot sa ulo mo, Uno. Tandaan mo 'yan!" Banta niya.


Matapang niyang itinutok sa aking leeg ang hawak na katana at hindi nagpadaig sa tatlong patalim na kaagad na itinutok sa kaniya pabalik ng mga tauhan ko.


Pinagmasdan ko si Eya. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, she's different. She was never afraid to hide her feelings. She doesn't care about the consequences. She's very vocal and never afraid to voice out what she's thinking. Hangga't may gustong sabihin ay hindi ito nagdadalawang isip na sabihin o gawin. And that's what caught my interest.


Hindi ko sinagot ang sinabi niya. Pero nanliit ang mga mata ko ng makita ang dugo sa dulo ng katana ng isa sa tatlong tauhan ko. Nakatutok iyon sa leeg ni Eya. Napatiim ang bagang ko.


"Tell me right now what kind of punishment will I get for declining this mission because I am not accepting it, Uno. I will also tell it directly to Mr. Kim."


Hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya. Sinulyapan ko ang isa sa may hawak ng katana at saka lalong nanliit ang mga mata.


"I'll kill you first, before you make me hurt Kai!"


Doon na napabaling sa kaniya ang atensyon ko. At ng banggitin niya muli ang pangalan ng lalaking iyon, lalong umigting ang panga ko sa galit.


Ano ba talaga ang meron sa Yamada na iyon at ganun na lang niya ito protektahan?


It's not worth it, Eya. It is not.


Kung ako lang siguro iyon, hindi ko hahayaan na protektahan mo ako dahil ako ang po-protekta sayo. I will never let your hands be tainted with blood because I will kill anyone who may come between us.


Fuck! Ano ba ang iniisip mo, Aidan! God damn it!


MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now