Kabanata 18

167 6 0
                                    

Falling in love


~~~🌸~~~


Nakarating kami sa parking lot kung saan malapit sa sasakyan ko ay naroon nakaparada ang kotse ni Aidan. On a designated parking space, naroon ang Aston Martin na kulay itim. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil sino ba naman dito ang afford ang ganung klase ng sasakyan?


Pasimple tuloy akong napatingin sa kotse ko na nakaparada sa hindi kalayuan. I have the BMW and for me it was expensive enough dahil hindi naman ako mayaman at isa pa, lahat ng meron ako ngayon ay galing na mismo sa sariling sikap at pera ko. Ibinalik ko na ang lahat ng ibinigay sa akin noon ng Duces. Pero ngayon na nasa harapan na kami ng sasakyan ni Aidan, parang nanlilit ang buo kong pagkatao. Alam ko na sa presyo pa lang ng sasakyan niya sa panaginip ko lang kayang bilhin.


Pero hindi pa rin sapat ang sasakyan niya para mabulag ako at hindi maalala ang mga sinabi niya kanina kaya bago pa kami makarating sa loob ng sasakyan ay binawi ko na ang kamay ko na hawak-hawak niya.


"I did not agree to this, Aidan." I protested halfheartedly.


I mean that it bullshit to say na hindi ako payag gayong isang parte sa akin ang natuwa kanina ng sabihin niya na ako na ang isasama niya sa halip na si Teijie but that is not enough. Baka bigyan pa niya ng matinding dahilan ang hindi ko pagprotestang ito. Ano na lang ang sasabihin niya? Baka isipin din niya that I am just playing hard-to-get, so no way!


"And?" Sagot niya na tila hindi na bago ang sinabi ko kaya naman mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko.


Anong sinasabi niya?


"I said, I did not agree to this. Hindi ako sasama sayo. Marami pa akong gagawin." Mabilis akong tumalikod but like what always happens, mas mabilis si Aidan sa akin.


Agad niyang nahawakan ang aking bewang at ipinirmi ako sa pwesto ko kanina sa kaniyang tabi.


"Like what?" Tanong niya muli.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nang-aasar na talaga siya. Sa mga sagutan niya sa akin mula pa kanina ng palabas kami ay hindi na ako tinigilan. At sa bawat salitang sasabihin niya, hindi rin mawala ang mga mapang-asar niyang ngiti.


"You know what, I am tired of your excuses. Tell me, iniiwasan mo ako?"


"Iniiwasan?" Mabilis ko siyang naitulak dahil sa gulat. I wasn't expecting that. "Bakit naman kita iiwasan?"


I know that this is still related to what happened before na ayaw ko na sana pag-usapan at kung pwede lang sana ay kalimutan na namin. Dahil kung muli lanng niyang ibabalik ay baka mahuli na talaga niya ako.


It was uncomfortable for me lalo na at hindi ko pa kayang aminin ng buo ang totoo kahit sa sarili ko na wala akong nararamdaman, dahil alam ko na meron. Alam ko na tanggap ko na ang ilang bahagi, even the fact that I cannot fulfill my promises to Kai anymore pero hindi pa ako handa na aminin ng buo sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman kay Aidan. Natatakot ako dahil para sa akin, kung anuman ang meron o nangyari sa aming dalawa ay hindi dapat. Mali iyon, maling-mali.

MISSION ACCOMPLISHED ( Underground Series ⅠⅠ )Where stories live. Discover now