Chapter one

467 9 0
                                    

TAGAKTAK ang pawis sa noo ni Angelie dala-dala ang malaki at mabibigat na paso na pagtatamnan ng mga halaman.  Masakit na rin ang sikat ng araw na tumama sa balat. Maging ang kanyang sikmura ay nagsimula na ring kumakalam dahil hindi pa ito nagkaroon ng laman, kahit na isang pirasong pandesal.

   Alas-singko pa lamang ng umaga nang gisingin siya sa reyna ng malaking bahay na kanyang pinagsisilbihan.  Kailangan niyang magtrabaho sa malawak ng hardin ng mga Sandoval. Napapagod na ang man ang katawang lupa niya pero wala siyang magawa kundi ipagpatuloy ang trabahong kanyang nasimulan.  Gustuhin man niyang magpahinga ngunit hindi niya magawa dahil nakaanyabay sa kanya  ang mala-asong pag-ugali ng kanyang biyenan. Hindi niya gugustuhin kapag magagalit naman ito sa kanya.

   Tama kayo sa inyong naririnig, asawa siya sa nag-iisang anak ng mga Sandoval. Ang isa sa pinakamayamang pamilya ng kanilang lugar. At Gobernador ng kanilang lalawigan ang kanyang asawa na si Michael Sandoval. Pero ’di ba dapat hindi na niya kailangan pa ang kumilos sa mga gawain bahay lalo pa’t marami namang katulong ang mansiyon na kanyang kasalukuyang tinitirhan?

   Ngunit kabaliktaran ang mga nangyari. Hindi parte ng Pamilya Salvador ang turing ni Donya Clemente. Bagkus mas tinuturing siya nito na isang hamak na taga-silbi dahil sa mababang uri na pinanggalingan ni Angelie. Datapwat, hindi man maganda ang pakikitungo ng pamilya ni Michael sa kanya, hindi niya magawang magreklamo. Ayaw niyang magsimulang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan nilang mag-asawa.

    Hindi rin naman niya alintana ang kanyang mga gawain dahil sana’y rin naman siya sa mga mabibigat na gawain dahil nagtatrabaho naman siya sa kanilang bukid noong hindi pa sila mag-asawa ni Michael.

   Una pa lamang, nagpahayag na ng matinding pagkadis-gusto ang matanda kay Angelie, sa kadahilanang isa lamang siyang hamak na anak ng magsasaka sa  kanilang lugar. Hindi man lamang siya nakapagtapos ng kolehiyo, dahil hindi nakayanan ng kanyang mga magulang ang malaking pera na  sa kanyang pag-aaral. Kaya sa edad na labing walo, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Pumasok bilang tindera ng Bakery sa kanilang lungsod.

   At doon na rin niya nakilala si Michael, nang minsan na padaan ito sa kanyang pinagtatrabahuhan. Una, pa lamang nabighani na si Michael sa kanya. Kaya araw- araw itong bumibili ng tinapay para lamang makita siya. Hanggang sa ’di naglaon naging malapit sila sa isa’t-isa. Nanauwi naman sa panliligaw ang lahat.

    Nang niligawan pa lamang siya hindi alam ni Angelie na  mayaman at Gobernador pala si Michael. Wala rin naman siyang pakialam sa politika. Kaya kahit nasa mataas ito na posisyon hindi pa rin niya ito nakikilala. Huli na nang nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Michael. Masyado na niya itong mahal para iwasan niya.

   At dahil nasa mababang uri lamang ng lipunan napapabilang ang kanyang pamilya, kaya  ganoon na lamang ang pagtutol ng Donya  kanilang relasyon. Hindi matanggap ng  matanda na ang kagaya niya ang pinakasalan ng anak nito. Ikinakahiya siya bilang membro ng pamilya Salvador. Kaya sa bawat oras at araw na wala ang kanyang asawa nakahanap ng pagkakataon ang  demonyong biyenan na pahirapan siya.

   Tatlong buwan na ang nakalipas nang ikinasal sina Michael at Angelie.  Labag sa kalooban ni Donya Clemente, ang ginawang pagpapakasal nilang dalawa. Ngunit, wala na itong nagagawa pa nang iuwi siya nito sa mansiyon dala ang kanilang marriage contract.  Sa judge muna sila nagpapakasal at ang mga magulang ni Angelie, kasama ang ninong ni Michael na tumatayong witness sa kanilang kasal.

   “Ma’am Anglie, ako na ang tatapos dito. Pumasok na po kayo sa loob. Mainit na ang araw at baka nagugutom ka na rin,” puno ng pag-aalang saad ni Manang Lucille, ito ang mayordoma ng mansyon dahil sa tagal na  nitong naninilbihan sa mga Salvador.  Mabini niya itong nginigitian. Mabait ito sa kanya simula noong unang dating niya sa tahanan ng kanyang biyenan.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now