Chapter eighteen

112 1 0
                                    

     DE JAVU feels, ganyan ang nararamdaman ni  Angelie habang naghihintay na tuluyang matanggal ang bandage na nakatabon sa mata nang mga doktor. Ganitong-ganito ang pakiramdam niya rati nang tanggalin ang bendahe sa mata ni Michael. Naiiyak na rin si Donya Clemente habang magkayakap silang dalawa ni Angelie.

   “Open your eyes, Mr. Sandoval," utos ng doktor.

   Dahan-dahang iminulat ni Michael ang kanyang  mata. Ngunit muli siyang napapikit dahil na silaw siya na nagmumula sa liwanag mula sa ilaw.

   “Tell me, did you see us, Mr. Sandoval?”
   
    Ilang minuto rin ang nakalipas walang nakuha silang kasagutan. Tahimik itong lumuluha dahil sa labis na galak. Lagpas isang taon din nang kinuha sa kanya ang paningin.  Pero heto,  sa pangalawang pagkakataon nakakita na siyang muli.

   “Honey, nakikita mo ba kami?” malumanay na tanong ni Angelie. Lumapit siya rito at pilit na pinapakalma ang kabiyak. Nakita kasi niya ang pagyugyog ng balikat ni Michael, alam ni Angelie na umiiyak ito. Nag-angat ng ulo si Michael. Niyakap niya ng mahigpit si Angelie at pagkatapos ikinulong sa kanyang mga palad ang magandang mukha ng kabiyak at walang pag-alinlangang sinunggaban siya ng halik. Wala itong pakialam kung may mga tao man ito sa harapan  nila.

    “Yes, honey, Mom, Mama. Nakikita ko na kayong lahat,” masayang saad ni Michael pagkatapos ng kanilang maiinit na halikan.

    “Oh, My God, son. Thank you, Lord,” wika ni Donya Clemente dahil sa labis na tuwa.

    “Thank you, doktor.”

   “No worrries, Donya Clemente. Will anyway, I have to go. Mr. Sandoval, congratulations.” Nakipagkamay ito kay Michael na malugod naman tinatanggap ng lalaki.

   “Mom, gusto ko pagkalabas ko ng hospital pupuntahan natin si Mang Hener. Para personal akong magpapasalamat sa kanya.”

    “Yes, hijo if that's what you want.”

   Katulad nang nais ni Michael pinuntahan nila ang address sa bahay ni Mang Hener. Dalawang oras din ang itinakbo ng kanilang sasakyan bago narating ang lugar. Medyo malayo ito sa kabihasnan. Iilan lamang ang mga bahay sa lugar.

  Ngunit nalungkot sila na nabalitaan tuluyan na pala itong namaalam sa pamilya. Namatay na pala  ito dalawang araw pagkatapos ng operayon. Labis-labis naman ang pagpapasalamat nila sa pamilya ni Mang Hener. At nangangako si Michael na tutulong siya kapag may kailangan ang pamilya.

   “Salamat sir Michael sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa amin. Alam kong masaya rin si Hener kung saan man siya naroroon dahil natutupad ang pangarap niya na makapag-aral ng kolehiyo ang mga anak namin.”

   “Don’t worry, Aling Pacita. Katulad ng ipinangako sa inyo hindi natatapos ang pagbibigay tulong namin sa inyo. Malaking utang na loob namin ng iyong asawa. Utang ko sa kanya ang  aking pangalawang pagkakataon na muling makakita."

   “Aalis na po kami, Aling Pacita,” masayang paalam ni Angelie sa Ale.

   “Mag-iingat po kayo, Ma’am Angelie at Sir Michael.”

   Masayang nagpaalam din sina Angelie at Michael. Ikinalulugod ng dalawa na matulungan sa abot ng kanilang makakaya ang mga nauulila ni Mang Hener.

  
    
NAGISING si Angelie dahil tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Mapait ang kanyang lalamunan. Kaya patakbo siyang pumasok sa banyo. Napapasulampak na siya sa sahig dahil sa labis na panghihina. Halos naubos na lahat ng kanyang laway sa kakaduwal. Ilang araw na siyang nakaramdam ng ganito ngunit pinipilit niyang balewalain baka mawala rin lang.

   Pagbalik niya sa kama t’saka pa lamang niya napansin wala na si Michael. Nagmamadali siyang  naligo pagkatapos lumabas na ng silid.  Malayo pa lamang siya sa kusina amoy na amoy na niya ang niluluto ng lalaki.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now