Chapter 11

109 1 0
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Angelie ang kanyang asawa. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki ngunit nakita niyang pasimple nito na pinahid ang mga luha umagos sa mga mata. Pagkatapos malalim na buntonghininga ang pinakawalan nito.
   Malumbay itong nakatingala sa kalangitan na tila ba nakikita nito ang bughaw na langit? Hindi man sinasabi ni Michael ang tunay na nadarama, ngunit ramdam ni Angelie ang kalungkutan, galit, pighati at paghihirap ng kalooban ng lalaki, dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng buntonghininga nito. Para pigilin ang mga luhang muli na namang nagbabadyang umaagos. Maging ang mahigpit na pagkuyom ng magkabila nitong kamao at mahinang pagsuntok nito sa mesa ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin.
   Nais niyang takbuhin ang pagitan nilang dalawa at yayakapin ng mahigpit para ipadama na hindi ito nag-iisa at karamay siya nito. Ngunit pinigilan lamang niya ang kanyang sarili dahil natatakot siya na baka magalit na naman ito sa kanya. Tila kinukurot ng pino ang kanyang puso sa nakikitang tagpo. Malayong-malayo na ito sa Michael na kanyang pinapakasalan. Kilala si Michael na matapang at walang inuurungan. Pero ngayon, tila sumusuko na dahil sa pagsubok na kanyang nararanasan ngayon. Kung dati hindi mo makikita ng kahinaan ang mga mata nito ngunit ngayon naging taliwas na ang lahat.
   Nawalan na ng kompyansa sa kanyang sarili si Michael. He even not went out to they’re room. Infact, maraming mga kaalyado nito sa politika at mga kaibigan itong bumibisita para kamustahin siya, ngunit isa sa mga ito ay hindi niya hinarap. Malaki na ang ipinagbago hindi lang ugali kundi pati na ang physical na anyo ng lalaki.
   Nagmistulang ermetanyo na ito dahil sa hanggang balikat nitong buhok. Ngunit ngayon kung hindi titigang maigi halos hindi mo na makikilala dahil pati ang malinis at makinis nitong mukha. Napapalibutan na ng mahabang bigote at balbas.
   Malaki rin ang ibinawas nitong timbang, dahil nais nito na mag-isang kumain ayaw nitong magpasubo kay Angelie kaya madalas hindi ito nakakain ng maayos dahil nahihirapan si Michael na pakainin ang kanyang sarili. He is a man of full of pride, ayaw nitong magpatulong at kaaawaan.
   Nasasaktan si Angelie sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang buhay mag-asawa. Ang daming pangarap noon ni Michael para sa kanilang dalawa at sa kanilang magiging anak, ngunit ang lahat ng iyon ay biglang naglaho na parang bula dahil sa aksidenti na naging bangungot sa buhay nilang mag-asawa. Hindi lubos maisip ni Angelie kung bakit humantong sila ganito? Ang dating matamis nilang pagmamahalan unti-unting tumatabang. At ang kanilang dating nag-aalab na mga gabi dahil sa init ng kanilang pagmamahalan, tila ngayon ay sinlamig na ng yelo.
   Hindi namalayan ni Angelie ang pag-agos ng kanyang masaganang luha habang ginugunita ang matamis nilang pagmamahalan noon ng kanyang asawa. Ang bawat salitang binigkas sa labi noon ni Michael ay puro pagmamahal at papuri sa kanya. Ngunit ngayon nawala na ang lahat, ang bawat salita nitong binibigkas ay nagpapahirap sa kanyang kalooban. Puro masasakit na lamang na salita ang binabato nito sa kanya.
   “MICHAEL, papasok na tayo sa loob. Baka bumuhos na ang ulan,” mahinang tawag niya sa kanyang asawa. Biglang kumikulimlim ang kalangitan na tila ba dinadamayan silang dalawa sa paghihirap ng kanilang kalooban.  Nandito sila ngayon sa balkonahe kanilang silid. Sa kada araw dito si Michael  magpapalipas ng kanyang oras.
   “Michael! Halika na!” kaagad niya itong nilapitan para alalayan dahil unti-unti ng bumagsak ang malakas na ulan ngunit, tila hindi man lang siya narinig ng kanyang asawa bagkus pumipikit ito na tila dinadama ang bawat patak ng ulan na tumama sa mukha nito.
   “Hon, baka magkakasakit ka nito sa ginagawa mo. Pasok na tayo sa loob,” labis na pag-aalalang muling saad ni Angelie dahil hindi man lang ito nagpatinag. Mas lalong lumalakas ang buhos ng ulan. Nakita niyang ngumisi si Michael sabay dipa ng magkabilang braso na tila wini-welcome ang ulan. At ilang sandali lamang nakita niyang yumuyugyog ang magkabilang balikat nito sensyales na umiiyak na naman ito.
   Hindi niya alam kung papaano pagagaanin ang mabigat na dinadala ng kanyang asawa. Paano tamang salita para man lamang maibsan ang pait na dinaranas nito dahil kahit siya sa kanyang sarili hindi niya alam paano mawala ang bigat sakit na kanyang nararamdaman.
    Maging si Angelie tuluyan na rin napapalahaw ng iyak. Hindi na niya napigilang sumabog ang matagal niyang kinikimkim na hinanakit. Kasabay nang malakas na buhos ng ulan ang kanyang masaganang luha na namimilisbis sa kanyang mga pisngi. Tila naging sumbungan nila ang ulan sa kanilang mga hinanakit.  Nais niya ubusin lahat ng kanyang mga luha ng sa gayon wala ng matitira pa.
   “Ahh…ahh…ahh!” buong lakas siyang sumisigaw. Inilabas niya ang mga nakaipon na hinanakit. Tao lang din siya, kahit ano’ng tapang niya naharapan ang lahat ng pasakit sa buhay. Dumating pa rin ang pagkakataon na manghihina, mapapagod at napupuno rin ang kanyang pasensiya.
   Dahan-dahang napapaslumpak siya sa sahig dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod at doon ibinuhos niya ang lahat ng kanyang mabigat ba nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung narining man ni Michael ang kanyang bawat pagsigaw at paghikbi ang nais lamang niya ngayon ay maibsan ang lahat ng kanyang nararamdamang sakit.
   Kasabay nang pagtila ng ulan ang kanyang kaninang masaganang luha. Kahit papaano medyo gumagaan ang kanyang pakiramdam. Nang lingunin niya si Michael tahimik pa rin ito hindi man lang nagalaw sa kinatatayuan. Nanatiling nakatingala at hinayaan lamang nitong umalpas ang mga luha. Dahan-dahang tumayo si Angelie, kaagad niyang nilapitan ang kabiyak, nais niya itong yakapin ng mahigpit at sabihin kung gaano na siya nangungulila rito. Ngunit alam niyang magagalit ito kapag gagawin niya ang kanyang nais kaya sa huli tanging kamay na lamang ng lalaki ang kanyang hinawakan para akayin papasok sa loob.
   “Michael, pasok na tayo sa loob. Basang-basa ka na, baka magkakasakit ka pa niyan,” medyo garalgal pa rin ang kanyang tinig. Lihim siyang nagpapasalamat dahil nagpatangay na ito nang akayin niya papasok sa kanilang silid at dumiritso na sila sa banyo para makapagbanlaw.
   Daig pa ang robot ng lalaki, nanatiling walang salita, hinayaan lamang siya sa kanyang ginagawa. Kahit na ng sinimulan niyang hubarin ang suot nitong kulay itim na fiited shirt. Hindi mapigilan ni Angelie ang hindi pakitititigan ang mukha ng kanyang asawa. Wala sa isip na hinaplos niya ang mukha ni Michael at marahan niyang hinaplos.
   Nakita niya ang pagpikit ng mga mata nito na tila dinadama ang kanyang mainit na palad na humahaplos. At ilang sandali lang natangpuan na niya ang kanyang sarili na mahigpit na nakayakap kay Michael. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili. She missed him badly.
   “I-I’m sorry, hindi ko sinasadya,” natatanta niyang saad. Akmang lalayo siya kay Michael. Ngunit, napapitlag siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Akala niya nagagalit na naman ito dahil sa kanyang kapangahasan. Pero hindi niya inaasahan ang susunod na tagpo. Itinaas ni Michael ang mga kamay at kinulong ang kanyang mukha sa malaki nitong mga palad. Napanganga siyang nakatitig sa mukha ng kanyang kaharap. Naipikit niya ang kanyang mga mata nang ipinaglandas nito ang mga daliri sa kanyang mukha na tila minimemorya ang bawat sulok.
   Hindi napigilan ni Angelie ang kanyang sarili, bigla niyang sinunggaban ng halik ang nakaawang labi ni Michael.
‘Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko? After all I am his wife.’
   Sobra siyang nagagalak ng tugunin ni Michael ang kanyang mga halik. Akala niya hindi na ito mangyayari pa dahil simula nang nakalabas na ito nang hospital hindi na ito nagpapalambing sa kanya. Tuluyan ng lumayo ang loob ni Michael sa kanya.
   Ang kaninang banayad na mga halik naging lumalim. Kusang bumuka ang mga labi ni Michael para tuluyang makapasok ang kanyang mapangahas na dila.
   “Ah,” narinig niyangmahinang ungol ni Michael. Kaya pinagbutihan niya ang kanyang ginagawa para mas lalong mapukaw ang pagnanasa ni Michael sa kanya katulad noong bago silang kasal. Aaminin man niya o hindi ngunit nasasabik siya sa mga bagay na dati nilang ginagawa bilang mag-asawa.
    At hindi nga siya nabigo dahil naging mapaghanap ang mga kamay ni Michael, kusa itong dumapo sa kanyang tayong -tayo mga bundok. Nagsimula na rin siyang nadadarang sa bawat haplos nito sa kanyang katawan. Hindi pa rin naghiwalay ang kanilang mga labi, sabik na sabik sila bawat isa.
   “I miss you so much, hon,” sa isip-isip niya. Natatakot siyang sabihin ang mga katagang ’yon.
   Kusang ikinawit ni Angelie ang kanyang mga kamay sa leeg ni Michael nang tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Pero sa pagkakataon na ito, hindi sa kanyang pag-iyak kundi dahil sa kakaibang sarap na kanyang nararamdaman, dulot sa mainit na halik ng kanyang asawa. Punong-puno ng pananabik ang kanyang nararamdaman na tila may unti-unting nabubuhay sa kanyang kaibuturan.
Dumagdag sa kanyang pananabik at kiliti nang bumaba ang halik ni Michael sa kanyang leeg. Dinidilaan ng paulit-ulit at bahagyang sinisipsip ang kanyang balat.
   “Ah,” mahinang halinghing ni Angelie. Matagal na niyang hindi naramdaman ang ganitong pakiramdam. Bilang asawa at babae hinahanap din niya ito ngunit madalas na hindi na lamang niya ito binigyang pansin dahil ang mahalaga sa kanya ang maalagaan ng maayos ang kanyang kabiyak. Tinanggap na niya sa kanyang sarili na iba na ang sitwasyon nilang mag-asawa ngayon. Humihina na ang apoy ng kanilang papagsasam
   Pero hindi pa rin niya mapigilan ang makamundong nararamdaman lalo na at asawa naman niya ang kasama.
   “I miss you so much, hon,” wala sa sariling saad ni Angelie habang nalililo sa sarap na pinaramdam sa kanya ni Michael, nang sunggaban nito ang kanyang matayog na bundok. Medyo nasasaktan siya dahil hindi man lang ito tumutugon sa kanyang sinabi. Umaasa si Angelie na marinig din niya na mimiss din siya  nito. Pero kaagad din niyang ipinilig ang kanyang ulo. Ayaw niyang masira ang pagkakataon na ito na minsan lamang mangyari.
   Walang kahirap-hirap na isinandal siya ni Michael sa pader tila hindi ito bulag sa naging kilos nito. Mariing kinagat niya ang kanyang labi nang muling maglakbay pababa ang mga labi ng lalaki. Hindi niya alam kung saan kakapit.
  “Hmmp, ah. . .ah. . .” eskandalosang halinghing ni Angelie nang sumayad ang mainit nitong kamay sa kanyang hiyas. Sobrang tagal na nang muling maramdaman ang ganitong sarap. Hindi rin siya nagpapahuli dahil maging si Angelie naging malikot na rin ang kanyang kamay at nakarating sa alaga ni Michael ngunit medyo natigilan siya nang mapansin na hindi pa rin nabubuhay ang alaga nito gayong kanina pa nila pinagsaluhan ang maiinit nilang mga halik.
   Tumigil rin si Michael sa ginagawa at kaagad na lumayo sa kanya. Nagsimulang nagtaas baba ang dibdib nito at mariing naikuyom ang mga kamao. Wala na ang kaninang mainit nilang tagpo. Hindi niya alam kung ano ang nagawang mali? Bakit bigla na lamang itong nagbago ng mood?
   “A-ano’ng nangyari, hon?” medyo nahintatakotan niyang tanong.
   “Really? You asking me like that? Huwag ka ng magmaang-maangan pa Angelie! Maaring bulag ako pero hindi mo ako maloloko!” Napaigtad si Angelie dahil sa pagsigaw ni Michael kasabay nang pagsipa nito sa pader.
   “Hi-hindi kita maiintindihan. Wala naman akong ginawang mali. Honey, pwede naman natin ipagpatuloy ang nasimulan natin kanina ‘di ba?” nagsimula na namang uminit ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata.
   “Don’t act that you are damn innocent, because you’re not! Alam mo! Ramdam mo!” nanggagalaiting tugon ni Michael. Ngunit hindi pa rin niya nakuha ang nais na ipapaabot nito. Napapailing siyang tumingin sa mukha nang kanyang asawa.
   “Hindi ko nga alam kung ano ang pinagsasabi mo? Bakit hindi mo na lamang ako diritsahin? Bakit hindi mo sa akin ipaiintindi? Hindi ’yong manghuhula ako kung ano’ng aking nagawa pagkakamali? Tapos bigla ka na lang magagalit. Okay naman tayo kanina, ah! Bakit ngayon galit ka na naman?” basag ang tinig ni Angelie. Tumaas na rin ang kanyang tinig dahil hindi niya maiintindihan si Michael. Ngunit kaagad din siyang nagsisisi dahil sa kanyang ginawa. Ito ang unang pagkakataon na napagtaasan niya ito ng boses. Kinuha niya ang mga kamay ni Michael at mahigpit na hinahawakan. Ngunit malakas siyang tinabing nito dahilan na napasubsob ang mukha niya sa sahig.
   “Don’t fool me! Alam kong matagal ka ng gustong makalaya sa akin! But you can’t leavae me, why? Dahil ba sa kayamanan ko? Kaya ka nag-stay sa kagaya kong walang silbi! I can’t even pleasure you, Angelie. Hindi na kita kaya pangpaligayahin, hindi ko na maibibigay sa’yo ang init na hinahanap mo. Kaya umalis ka na! Huwag mo ng sayangin ang iyong buhay sa kagaya ko.”
   Napapailing na lamang si Angelie dahil sa narinig. Muling napaigtad si Angelie dahil malakas na sinuntok ni Michael. Natataranta siya nang makita ang dugo sa kamao ng kanyang asawa na natili pa rin na nakakuyom. Nanginginig man ang buong katawan, pinipilit niyang makalapit.
   “Michael, honey, please tama na. Huwag mo ng saktan ang iyong sarili. Kung gusto mo, ako na lang, sa akin mo ibuhos ang iyong galit,” buong pagsusumamo ni Angelie. Ayaw niyang nakitang sinasaktan ni Michael ang kanyang sarili, ngunit  tila bingi lamang ito, hindi narinig ang kanyang pagsusumamo dahil hindi pa rin ito nakuntento, muli na naman sanang suntukin ang pader ng banyo mabuti na lamang at maagap si Angelie kaagad niya itong napigilan.
   “Pa-patawarin mo ako, kung hindi ko maibigay ang kaligayahan mo. I’m sorry if I couldn’t give you the life that you wanted. Hindi ko na maibigay ang pangarap natin na mga anak. Iwan mo na ako, just leave! Kung ang inaalala mo ang kayamanan na makukuha mo sa akin, don’t worry bibigyan pa rin kita kahit na maghiwalay na tayo.” Durog na durog ang puso ni Angelie sa mga narinig.
   “A-ayaw ko, Michael, no! Hindi ako aalis. Ayaw ko, hindi ko kayang mawalay sa’yo!” Niyakap niya ng mahigpit ang lalaki habang patuloy sa pag-iyak. Ngunit pilit siyang Itinutulak ni Michael papalayo.
  “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin, ha, Michael? Sa tingin mo ba ganyan lang kababaw ang pagmamahal ko sa’yo? Nang minahal kita at pinakasalan, hindi ako naghahangad sa kayamanan mo. Minahal kita, mahal kita kaya hindi ko magawang talikuran ka. Sana naisip mo ’yan bago mo ako pagbintangan. Masakit para sa akin, na ganyan pala kasama ang iniisip mo laban sa akin!” Umiiyak na saad ni Angelie. Hindi na niya kaya pa ang magkimkim kaya kailangan niyang ilabas ang lahat ng kanyang hinanakit. Nakita niyang natigilan saglit si Michael.
   “Tama ka, may pagkakataon na hinahanap ko ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan natin, kasi tao lang naman ako. Pero alam mo naman na naiintindihan kita, iniintindi kita,” tumigil muna saglit si Angelie dahil sa paninikip ng kanyang dibdib dahil sa labis na pag-iyak bago muling nagsasalita.
   “Simula nang lumabas ka sa hospital, hindi na kita kilala. Malayong-malayo ka na sa Michael na minahal ko.Pero hindi mo narinig na nagrereklamo ako, tiniis ko ang lahat. Kahit ang pang-iinsulto at pamamaliit ng ina mo sa akin tinanggap ko. Pero tao rin ako, napapagod. Akala ko mahal mo ako, ngunit bakit napakadali mong bumitaw,” dugtong pa ni Angelie. Ngunit tila hindi man lang apektado si Michael sa kanyang mga sinasabi dahil nakuha pa nitong ngumisi.
   “Nagsisisi ka na ngayon? Sinabihan na kita na lumayo ka na sa akin. Leave me alone! Get out of my life, but you choose to stay. At ngayon isusumbat mo sa akin ang ginawa mong pag-aalaga sa akin! That’s bullshit!”
   “Hi-hi-hindi na-naman sa sinusumbatan kita, Michael. Ang akin lang naman sana, ma-appreciate mo rin lahat ng aking mga paghihirap,” nauutal na tugon ni Angelie dahil sa kanyang labis na pag-iyak.  Ngunit nagbingi-bingihan lamang si Michael at iniwan na siya nito.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now