CHAPTER 9

95 1 0
                                    

   SINISIGURO ni Angelie na maayos niyang nailagay ang kumot kay Michael, ilang segundong tinitigan niya ang maamong mukha ng kanyang asawa, mahimbing na itong natutulog. Napakatiwasay  nitong tingnan na akala mo walang pinagdaanan.
   “I love you so much, Michael,” bulong niya sa punong tainga. Pinaglandas niya ang kanyang kamay sa malambot nitong kulay itim na buhok. Dahan-dahan niyang sinusuklay gamit ang kanyang mga daliri kagaya ng ginagawa niya noon.
   Natutukso siyang hagkan ang mapupula nitong mga labi. Dahan-dahang inilapat niya ang kanyang mga labi sa labi nito, a sweet smile painted on her face. Sa ganitong pagkakataon lang niya mananakawan ng halik si Michael dahil pagkatapos ng aksidenti wala na silang intimate moment ng kanyang asawa. Hindi na nga siya nito magawang yakapin na tila diring-diri ito sa kanya.
    Pagkatapos sa nangyaring pagwawala nakatulog na rin ito sa wakas. Mag-aalas singko na ng hapon nang sipatin niya ang malaking orasan sa dingding. Kailangan na niyang ipaghanda ng paboritong pagkain si Michael. Siya ang nag-aasikaso sa lahat na mga kakailangan nito kahit na sa pagkain ayaw nitong kumakain kung iba ang magluluto.  Matamis na ngiti ang napaskil sa mga labi ni  Angelie habang  inihanda niya ang mga ingriedients ng kanyang lulutuin.
   Nang nakahanda na ang lahat ng kanyang mga kakailanganin sa pagluto. Inilagay na niya ang kaserola sa kalan. Magluluto siya ngayon ng paborito nitong kalderetang kambing. Ito ang madalas na nire-request ni Michael na ipaluto sa kanya. Na alam niyang magugustugan ng kanyang asawa.
    Malapad siyang napapangiti nang malanghap niya napakasarap na amoy ng kanyang niluluto. Wala pa man ngunit nai-imagine na niya ang mga ngiti sa labi ni Michael. Ngunit hindi niya namalayan na umaagos na pala  ang kanyang mga luha nang maalala niya kung gaano sila kasayang mag-asawa noong hindi pa ito naaksidenti. Hanggang alaala na lamang siya sa kanilang masayang kahapon dahil pakiwari niya matagal pa bago maulit muli ang kanilang masayang pagsasama.
   “Tutulungan nakita, hija Angelie.”      
Nagmamadaling pinahid ni Angelie ang kanyang basang pisngi bago napabaling ang atensiyon niya sa nagsasalita. Nakita niya Manang  Lucille na papalapit sa kanya.
   “Huwag na po, kaya ko naman po, Manang. Malapit na naman din itong matapos kaya magpahinga na lamang po kayo. Alam kong pagod ka na rin po,” saad ni Angelie sabay ngiti sa matanda.
    “Napakabait mo talagang, hija  Sana makita iyan ni Donya Clemente. Napakaswerte nila sa’yo. Alam mo, hija. Naawa at  nasasaktan din ako kapag nakikita  kung paano ka nila tratuhin,” malungkot na saad ni Lucille.
    “Salamat po, Manang pero huwag po kayong mag-aalala. Ayos naman ako, naiintindihan ko naman si Donya Clemente kung bakit ayaw niya sa akin. Pero naniniwala pa rin ako na darating din ang panahaon na magkakasundo ko rin siya. At alam kong pakikinggan ni God ang aking panalangin,” paninigurado niya kay Manang Lucille.
   “Mahirap at matagal man pero hindi ko po sila susukuan. Lalo na ngayon na kailangan ako ni Michael.”  Mahigpit siyang niyakap ni Manang Lucille. Parang anak na siya  ito. Sobrang naaawa ito sa kanya ngunit hanggang awa na lamang ang kaya niyang gawin dahil hindi nito kayang kalabanin si Donya Clemente.
   “Alam mo ba na may bagong dumating?”
    “Ay, oo, nakita ko kanina. Private nurse daw iyon ni Senyorito Michael, pero anv usap-usapan ’di naman daw tinaggap ni senyorito.”
   “Narinig ko nga ’yan. Pero alam mo ba, ang sama ng ugali. Kanina  kung makaasta akala mo may-ari ng bahay,” narinig nilang bulong-bulungan sa ibang kasambahay na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nagkatinginan sila ni Manang Lucille. Akala ni Angelie, nakasalis na si Nurse Myrna.
   “Ay, sinabi mo pa. Naku, kung wala si Donya kanina, sinabunutan ko na ’yon!” sabat naman ng isa. 
   “Psst. . . hoy! Kayong dalawa tigil-tigilan na ninyo ’yan. Hindi na kayo nahiya sa harapan pa ni Ma’am Angelie kayo nagchi-chismisan,” sita ni Manang Lucille sa kanyang mga kasamahan.
“Pasensiya na po, Manang at Ma’am Angelie. Totoo naman kasi ang sinasabi namin. Nakapanggigil ang babaeng ’yon. Aba’y nagalit ba naman ito kanina na hindi ko nabigyan kaagad ng juice.  Ayon minumura ako akala mo kung sino ang umasta,”  tugon ni Gweneth, isa rin sa katulong sa mansiyon.
   “Akala mo naman, sino’ng kagandahan kung makaasta. Feeling senyorita,”  segunda naman ni Belen.
   “Kahit na, hayaan na ninyo. Dapat matuto kayong magpasensiya para wala ng gulo.”
   “Tama po si Manang Lucille. Habaan lang po ninyo ang inyong pasensiya,” sabat ni Angelie. Ayaw niyang masangkot sa gulo ang mga kasambahay dahil pihadong magagalit ang matandang Donya kapag nagkagulo.
   “Mabuti pa ’tong si Ma’am Angelie maganda na, mabait pa. Hindi katulad ng iba diyan,” hirit pa ni Gweneth.
   “Ako ba ang pinariringgan ninyo mga tanda?” galit na sita ni Myrna. Napaangat ng ulo si Angelie nang marinig niya ang tinig ng bababe.
   “Ay, naku hindi po, Ma’am. Iba po ang tinutukoy ng mga kasamahan ko.” Si Manang Lucille na ang sumagot dahil nagpipigil sina Belen at Gweneth sa kanilang galit.
   “Siguraduhin lang ninyo. Isusumbong ko kayo ni Tita!” pagbabanta ni Myrna sabay tingin sa kanya na tila ba may pinapahiwatig.
   “Ano? Magchi-chismisan lang ba kayo riyan? Kilos-kilos din, hindi kayo pinapasahod ni tita para tumunganga lang! Bilis!” muling saad ni Myrna. Matalim na tingnan siya ng mga katulong lalo na sina Gweneth at Belen.
   “Bakit ganyan ka makatingin, ha? Aangal ka ba?” Napailing-iling na lamang si Lucille at Angelie totoo naman pala na grabe ang ugali ng babae. Kabago-bago lang nito pero kung makaasta daig pa ang may-ari ng bahay.
   “Miss, baka naman po magdahan-dahan ka naman sa iyong pananalita. Nagtatrabaho naman po sila ng maayos,” sabat ni Angelie. Naawa kasi siya sa mga kasambahay. Nakataas ang kilay at nakapamaywang na bumaling si Myrna sa kanya. 
   “Hoy! Akala mo ba reyna ka sa pamamahay na ito? Sampid ka lang. Asawa ka lang ni Michael pero wala kang karapatan dito! Kaya manahimik ka!” Hindi nakatiis si Angelie sa babae. Pabalang na binitawan niya ang kutsilyo na kanyang hawak at diritsang tumingin sa babae. Nakitaan niya ito ng pagkatakot.
   “Paano mo nasasabing sampid ako? Legal ako na asawa. Hindi po ako umaastang reyna sa pamamahay na ito, pero sana naman matutohan mo rin na rumespeto sa iba. Matuto po sana tayong lumugar! At bakit nandito ka pa? Narinig mo naman siguro ang sinabi ng asawa ko na ayaw niya sa’yo!”
   Nakita niya ang pagsinghap ni Myrna dahil sa  kanyang sinabi. Kung si Donya Clemente hinahayaan niyang minamaliit siya. Biyenan na niya kaya hanggang sa abot ng kanyang makakaya rerespetuhin niya pero kapag iba ang umaapak sa karapatan niya bilang asawa ibang usapan na rin ’yan.
   “What is the happening here?”
    Biglang natahimik ang paligid nang dumating si Donya Clemente. Napatingin kay Angelie si Lucille dahil sa malamang papagalitan na naman  ng matanda ang kawawang si Angelie.
   “Tita, si Angelie po kasi, sinabihan ba naman ako na hindi daw ako dapat nandito. Sabi pa niya na siya lang ang may karapatan dito sa mansiyon . . .Pi-pinagtulungan pa nila ako ng kanyang mga alipores, tita.” Napatanga si Angelie dahil sa kasinungalingan ni Myrna. Maging ang mga kasambahay napasinghap dahil sa sinabi ng babae. Walang kasing sinungaling ito.  Grabe kung makagawa ng kwento. Umakto pa ito na umiiyak na akala mo na sobrang aping-api.
   “How dare you!” Napakadaling dumapo sa kanang pisngi ni Angelie ang palad ni Donya Clemente. Buong lakas siya nitong sinampal. Nanggagalaiti ito sa galit sa kanya. Maluha-luhang tumingin siya sa matanda habang hawak ang kanyang namumulang pisngi. Nakita niya ang pagngisi ni Myrna. Natila ba nanalo sa sugal.
   Tikom ang bibig at kuyom ang mga kamao ni Angelie, pinipilit niyang kinakalma ang sarili. Hindi niya nais makagawa bagay na pagsisihan niya sa huli. Alam niya na kahit ano’ng gawin niyang paliwanag hindi pa rin siya paniniwalaan ng matanda

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now