CHAPTER 7

93 2 0
                                    

   TAHIMIK na lumuluha si Angelie, hindi niya alam kung paano sasabihin kay Michael ang mga posibilidad na mangyari. Natatakot siya sa maaring epekto sa buhay nilang mag-asawa pagkatapos ng aksidenti. 
   “Honey, ikaw ba ’to? Please, answer me.”
   Marahang napatango na lamang siya kahit alam niyang hindi siya nito nakikita. Tumikhim muna siya para tanggalan ang bikig sa kanyang lalamunan.
   “Y-yes, honey. Ako ito ang asawa mo. Salamat sa Dios at nagigising ka na.” pilit na pinasigla ang kanyang boses nang sagutin niya ang kanyang asawa. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito ng mahigpit. Sobrang miss na miss na niya ito. Maging sa boses ng kabiyak nangungulila rin siya. Hindi niya maipapaliwanag ang kanyang nararamdaman. Natutuwa siya dahil nagising na ang kanyang asawa ngunit nakakahabag naman ang kalagayan ni Michael.
   “Jetro! Call the Doctor! Gising na ang anak ko!” mariing utos ni Donya Clemente sa isa sa kanyang mga body guards. Nagkukumahog naman itong lumabas ng silid at makalipas ang ilang sandali nakabalik na ito kasama ang doktor.
   Kahit ayaw sanang bumitaw ni Michael sa kanya,ngunit kailangan niyang lumayo rito para bigyang daan ang doktor para suriin ito.
   “Honey, please stay,” pakiusap nito sa kanya sabay mariing nakahawak sa kanyang kamay dahilan na hindi siya nakalayo.
   “Doctor, what happen to my eyes? Bakit nakabendahe ang mga mata ko?” kaagad na tanong ni Michael nang tuluyang nakalapit ang doktor sa kanila.
   “Governor Sandoval, your under eye operation, dahil sa iyong pagkaka aksidenti. May mga bubog na nakatusok sa iyong mga mata and were hoping na hindi ito nakakaapekto sa iyong paningin,” palinawag ng doktor kay Michael.  Mahigpit niyang hinawakan at marahang pinisil ang kamay ng lalaki. Nais niyang iparating na kahit ano man ang mangyari nandito lamang siya palagi sa tabi ni Michael. Hindi niya ito pababayaan.
   Lahat ng mga tao sa silid ni Michael, tahimik na nag-aabang.   Napuno ng kaba ang puso ni Angelie, halos hindi siya humihinga. Binibantayan ang bawat kilos ng doktor.
   “Open your eyes, Governor Sandoval,” utos ng doktor nang matapos na nito tanggalin ang bendahe sa mga mata ni Michael.
   Pinagsalikop ni Angelie ang kanilang kamay mag-asawa, at mas lalong hinigpitang ang pagkakahawak niya sa kamay ng kabiyak.Tahimik siyang nagdadasal habang pinapanood ang dahan-dahang pagbuka sa mga ng kanyang asawa. Umaasa siya na sana hindi naapektuhan ang paningin nito. Maging si Donya Clemente ang kaninang tila tigre nitong anyo napalitan ng pangamba ang nakapinta sa mukha. Lahat sila nag-aabang.
   “Did you see us?” muling tanong ng doktor kay Michael. Ngunit tahimik lamang ito, walang nakuhang sagot. Makalipas ang ilang segundo saka pa lamang ito umiiling-iling.
   “Oh, God! Michael anak ko.” Napayakap ng mahigpit ito sa kanyang anak. Habang si Angelie tahimik na lumuluha sa gilid ni Michael hawak pinapatahan ito dahil sa tahimik itong umiiyak. Alam niya kahit hindi man nito sinabi hindi madali para sa kanyang asawa na tanggapin ang mapait na sinapit nito. Binawian ito ng kakayahang makakita.
   “Wala ba kayong magagawa para mabalik ang paningin ng anak ko? I will pay you double. Just do everything para makakita siyang muli!” singhal ni Donya Clemente sa doktor. Hindi niya matatanggap ang sinapit ng kanyang anak.
    “I’m sorry to say this, Donya Clemente, but theres nothing we can do right now para ibalik ang kanyang paningin. Napuruhan ang cornea, retina at iris ng kanyang mga mata dahil sa malalaki at maraming bubog na tumusok doon,” paliwanag ng doktor. Napailing-iling ang matanda habang napapalahaw ng iyak. Bilang isang ina masakit para sa kanya ang nangyari sa kanyang anak.
   “But don’t worry, may paraan pa—” hindi natapos ang sasabihin ng doktor dahil pinutol na kaagad ito ni Donya Clemente.
   “What is that? Tell me? Handa akong gumastos ng malaking halaga gumaling lamang ang anak ko. Tell me!”
    “He need to under eye  transplant, that is the only way para makakitang muli ang anak mo, Donya Clemente. Kailangan  po ninyong maghanap  ng eye donor.”
   “Maghahanap ako Doctor ng eye donor as soon as possible. Hindi ko kayang tingnan ang anak ko nanahihirapan.”
   Nanlulumo si Angelie sa narinig. Saan sila kukuha ng eye donor? Kung pwede lamang na ibibigay niya ang sarili niyang mga mata kay Michael gagawin niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng asawa para ipadama kay Michael, hindi ito nag-iisa. Handa niyang tuparin ang pangako nila sa harap ng altar. Hindi makakabawas ng kanyang pagmamahal kay Michael ang kakulangan nito ng paningin.
   “Isa na akong bulag! Ano pa ang silbi na mabuhay pa ako sa  mundong ito kung wala man lang akong kakahayan na makakita? Sana hindi na lamang ako nabuhay mula sa pagkakaaksidenti kung ganito rin lang ang nangyari. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit tila ako pinaparusahan ng ganito?” Nagulat ang lahat sa ginawang pagwawala ni Michael.
    “T–this? I don’t need this dextrose!” Walang pag-alinlangan pinaghahablot nito ang oxygen at dextrose na nakalagay sa kamay ni Michael. Hindi nito matanggap ang nangyari sa kanya.
   “Ta-tama na, hon, please. Nandito ako hindi kita iiwan. Aalagaan kita.” Natatarantang pinigilan ni Angelie sa ginagawa ni Michael natatakot siya, kakagising lamang nito baka ano pa ang mangyari. Mas lalo siyang nahintatakotan nang makitang dumudugo ang kamay nito.
   “Michael, son. Stop hurting  yourself. Narinig mo naman ang sabi ng doktor. May paraan pa para makakita kang muli. Kung kinakailangan halughugin natin ang buong mundo para makahanap lang tayo ng eye donor gagawin ko. Just trust me son.” Sa pagkakataon ito makikitaan mo ng kahinaan ang mukha ni Donya Clemente. Napapaiyak ito habang nakayakap ng mahigpit kay Michael.
   “Kailan pa, Mom? Kapag sanay na akong mabuhay sa dilim?”
   “Don’t say that. Sandali lang ’yan. I know makakita tayo kaagad ng eye donor. We have money hindi mahirap sa atin ang maghanap.” Pagbibigay assurance ni Donya Clemente kay Michael.
  
KINABUKASAN dahil sa pagpupumilit ni Michael na nais na nitong umuwi ng bahay. Napilitang magpa-discharge sila hospital. Pumirma na lamang sila ng waver at sa bahay na lamang ito magpapagaling. Pero kung si Angelie, lamang ang masusunod ayaw niya sanang ilabas ng hospital ang kanyang asawa dahil hindi pa gaanong naghihilom ang sugat at mga pasa sa buong katawan nito but Michael insist. Ayaw din nilang magagalit si Michael dahil hindi ito titigil sa pagwawala.
   “Gregor, dumiritso tayo ng mansiyon,” utos ni Donya Clemente sa kanilang driver. Nalabis na ipinagtataka ni Angelie.
   “Pe-pero, Ma–Dony Clemente. Ba-baka po pwedeng dumiritso na lamang kami sa bahay namin,” nag-aalangang saad ni Angelie. Baka kasi mapagod na ng husto ang kanyang asawa kapag dumaan pa sila sa mansiyon ng kanyang biyenan.
  “At sino ka para pakialaman ang desisyon ko? Baka nakalimutan mo na ikaw ang dahilan sa kamalasan na nangyari sa buhay ng anak ko!”
   Napatungo ng ulo si Angelie. Mahigpit siyang napahawak sa wheelchair ng kanyang asawa dahil sa pamumuo ng kanyang luha. Sobra siyang nasasaktan sa mga ipinaparatang sa kanya ng matanda. Hindi naman niya ginusto ang nangyari kay Michael. Walang asawa na maghahangad ng mga bagay na ikapapahamak ng lalaking kanilang minamahal. Kaya hindi niya lubos maisip kung bakit siya ang sinisisi nito sa nangyari?
   “So-sorry po, pero asawa po ako ng anak ninyo. May karapatan po akong magdesisyon kung saan ko siya iuuwi,” diritsahang tugon niya kay Donya Clemente. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob para sagutin ang matanda. Hindi siya papayag na balewalain ang kanuang karapatan bilang asawa.
   Nagpang-abot ang mga kilay ni Donya Clemente dahil sa kanyang sinabi. Walang pagpipigil na sinampal siya nito ng malakas.
   “Yes, you’re the wife but I’m the mother. Ako ang mas may higit na nakarapatan kay Michael. Kahit sa ayaw at sa gusto mo ang desisyon ko ang masusunod. At huwag mong subukang kontrahin ako ulit dahil baka hindi mo na makikita ang anak ko!”
  Napasinghap siya sa kanyang narinig. Napatikom na lamang ng bibig si Angelie dahil ayaw niyang malayo sa piling ng kanyang asawa. Natatakot siya na totohanin ng kanyang biyenan ang banta nito.
   “Will you stop two of you?” malakas na sita ni Michael.
   “Hijo, starting today sa masyon ka na titira. Gusto kong doon ka muna habang nagpapagaling ka pa at hindi pa tayo nakahanap ng eye donor. Maawa ka naman kkay Mommy. Alam mo naman na hindi ako makatulog dahil sa labis na pag-aalala sa’yo.”
   Walang nagawa si Angelie, kundi ang sumunod na lamang. Hinihintay rin niya ang desisyon ni Michael ngunit tila sumusunod din ito sa nais ng ina. Siguro ayaw lamang nitong makipagtalo dahil hindi pa nakabawi ang katawan nito. Kahit sabihing gising na siya, sariwa pa rin ang mga sugat at hindi pa masyadong nakakabawi ng lakas dahil sa ilang buwan na pagka-comatose.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEМесто, где живут истории. Откройте их для себя