Chapter ten

112 2 0
                                    

PILIT na iniwaglit sa isipan ni Angelie ang nangyari kanina sa kusina. Hindi na siya dapat magpapaapekto sa kung ano man ang sasabihin ng kanyang biyenan. Ang mahalaga magawa niya ng maayos ang pag-aalaga ni Michael. Kailangan na lamang niyang sanayin ang sarili at ipadaan na lamang sa kabilang niyang tainga ang bawat masasakit na salita na kanyang maririnig mula kay Donya Clemente. Kailangan niyang tanggapin na kaakibat na ang pagpapasakit ni Donya Clemente kanya, sa bawat araw na pagtira niya sa mansiyon ng mga Sandoval.
   Isang masakit na katotohanan sa mundong ating ginagawalan, walang halaga para sa iba kung gaano ka man ka mabuting tao, kapag wala kang pera ituturing kang basura. Ang mahirap ay para lamang sa mahirap at ang mayaman para lamang sa mayaman. At sa katulad ni Angelie na isang hamak na dukha, walang lugar para sa kanya ang tumira sa mansiyon ng mga Sandoval. Itinuturing siya ni Donya Clemente na isang bangaw na nakatuntong sa likod ng kalabaw. Walang silbi at walang halaga.
   Ngunit dahil sa tunay at wagas ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa kanyang asawa handa siyang magtiis, magbingi-bingihan at maghintay kung kailan darating ang panahon na matatanggap siya ng kanyang biyenan. Hindi siya papayag na malayo sa kanyang asawa lalo na ngayon. Masama ang kutob niya kay Myrna, kakaiba ito kung makatitig kay Michael. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Babae rin siya kaya alam niya na may pagnanasa si nurse Myrna sa kanyang asawa. Base sa malagkit nitong mga tingin.
   Buong ingat ang bawat paghakbang ni Angelie paakyat sa hagdanan habang tangan niya ang may kalakihang tray na may lamang mga pagkain ni Michael. Biglang kumalam ng malakas ang kanyang tiyan. Nagugutom na siya. Nakalimutan niyang hindi pala siya nakakain ng pananghalian dahil sa ginawang pagwawala ni Michael. Kaya dinamiham na rin niya ang kanin dahil sabayan na lamang niya sa pagkain ang kanyang asawa. Gusto kasi nito na magkasabay silang kumain. At para iwas na rin na magtagpo pa sila ni Donya Clemente at Myrna sa baba.
   Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ngunit laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang babae. Nasa loob ng kanilang silid si Myrna. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay sa maamong mukha ni Michael na hanggang ngayon mahimbing pa rin na natutulog. Matulin siyang naglalakad papalapit sa two seater table na nasa loob ng kanilang silid at inilapag ang tray bago hinarap ang babae.
   “Ano’ng ginawa mo rito? Hindi ka dapat pumapasok sa hindi mo silid,” mahina ngunit matigas ang tinig ni Angelie na nagtatanong kay Myrna. Ngunit malambing na ngumisi lamang ang babae habang nakatingin sa kanya. Ipinaglandas pa nito ang mga daliri sa naka-expose na balat ni Michael sa may bandang dibdib. Kumulo ang kanyang dugo sa nakikita, marahas niyang tinabig ang kamay ng nurse, walang sino man ang may karapatan na humaplos sa kanyang asawa kundi siya lamang.
   “Utang na loob lumabas ka na rito. Hindi mo ba nakikita nagpapahinga ang asawa ko? Hindi ako naghahanap ng away, kaya sana pakinggan mo ang aking pakiusap.”
   “Ano naman sa’yo? Hindi mo pag-aari ang mansiyon na ’to. Kaya gawin ko lahat ng gusto ko. Kung ako sa’yo makisama ka na lang sa akin malay mo. Hihilingin ko kay tita na huwag ka ng pahirapan pa,” kampanti nitong tugon sa kanya. Napataas ang kanyang kilay sa kanyang narinig. Habang nakipagsukatan siya ng tingin rito.
   ‘Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero may tinatawag tayong girls instinct. Nararamdaman kong may kakaiba itong kinikilos’
   “Bantayan mong mabuti si Michael, baka magising ka na lang na ako na ang nasa position mo.” Nakangising saad ni Myrna na tila mas iniinis siya.
   “Hanggang ilusyon ka na lang dahil kahit kailan hindi ’yan mangyayari. Mahal namin ang isa’t-isa.”
   Mas lalong lumapad ang pagkakangisi nito dahil sa kanyang sinabi.
   “Really? Sa histura mong ’yan? Kampanti ka na niyan na hindi ka papalitan ni Michael? Look at yourself, hindi bagay sa’yo ang maging asawa ni Michael, mas nanarapat ka na tagakuskus sa kubeta dahil nagmumukha ka ng achay.” Hindi niya maiwasan na napasilip sa malaking salamin na nasa kanyang harapan. Pasimpleng inayos niya ang kanyang magulong buhok. Napahawak siya sa kanyang lumang suot na bestida na hanggang tuhod ang manggas. Kumpara ngayon sa kanyang kaharap na bagong rebond ang buhok, nakasuot ito ng uso ngayon na croptop at high waist denim jeans. Kung kaya kitang-kita ang kurba ng katawan nito. May kulay ang mahabang koko  at pulang-pulang ang medyo makapal na labi ng nurse. Kapansin-pansin din ang pinkish nitong pisngi dahil sa blush on na nilalagay.
   Ngunit hindi hamak na mas maganda si Angelie kaysa kay Myrna. Maaring simple lamang ang kanyang dating ngunit hindi naman mapapantayan ang kanyang angking ganda.
   “Umalis ka na lamang. Wala akong panahon na makipag-argumento sa’yo!” muling taboy niya sa babae ngunit sadyang matigas ang pagmumukha nito. Napakakapal ng mukha. Pero makaiwas sa gulo hindi na niya lamang niya pinansin ito dahil ayaw niyang makipagtalo. Hanggang sa naisipan din itong lumabas ng kanilang silid nang hindi pa nagigising si Michael.
   “Honey, mabuti naman ang nagising ka na . Nakahanda na ang iyong pagkain. Alam mo ba na nagluto ako ng iyong paboritong ulam.” Pilit na pinasigla ni Angelie ang kanyang tinig at kahit hindi siya nakikita ni Michael, matamis pa rin siya na ngumingiti. Kakagising lang nito kaya tinulungan niya itong makabangon. Kinuha niya ang tungkod at inabot kay Michael.
   “Kaya ko na. Hindi mo na ako kailangan pang-alalayan!” matigas na saad ni Michael. Ayaw na niyang bitawan ito ngunit sa bandang huli hinayaan na lamang niya dahil baka magagalit na naman ito sa kanya. Pinaghila niya ito ng upuan. Excited siyang nagsalin ng pagkain sa plato ng kanyang asawa. Ngayon lang niya ulit naaalala na kanina pa pala siya nagugutom. Nakalimutan na lamang niya ang nararamdaman nang makita si Myrna.
   Nais niyang subuan si Michael ngunit alam niyang magagalit ito sa kanya kapag gagawin niya ito. Tahimik na pinagmamasdan niya ang kanyang asawa na kumakain. Kita niya ang frustation sa mukha nito dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito sanay kumilos mag-isa. Ngunit sadyang ma-pride na tao ang kanyang kabiyak ayaw nito nakinakaaawaan.
   “F*ck!” malakas na mura ni Michael sabay bagsak sa ginagamit nitong mga kubyertos.
   “This is torture! I really hate this life!” Napaigtad siya nang itinumba ng kanyang asawa ang katabing upuan dahilan na lumikha ito ng malakas na ingay.
   Kaagad na kumilos si Angelie, kinuha niya ang kutsara at tinidor na ibinagsak ng kanyang asawa. May mga iilang butil ng mga kanin na nagkalat sa mesa. Nakita niya ang mariing pagkuyom sa kamao ng lalaki ang mga kamay.
   “Susubuan na kita, hon. Para makakain ka ng maayos.” Itinaas niya ang kutsara na may lamang pagkain sa tapat ng bibig ni Michael.
    Ngunit embes na ibuka ng lalaki ang kanyang tinabing nito ang kanyang at kasunod nitong tinabing ang mga pagkain na nakahain kasama ang mainit na gatas na kanyang tinitimpla.
   “Ah!” malakas na napahiyaw si Angelie dahil sa kanyang kamay tumilapon ang mainit na gatas. Halos mangiyak-ngiyak siyang pinagmasdan ang namumulang kamay.
    “That’s what you get when you are hard headed! It’s all your fault kung bakit ka nasasaktan!” siya pa ang sinisisi ni Michael kung bakit siya napaso. Ang nais lamang niya na makakain ito ng maayos.
    “Kaya ko ang aking sarili, kaya hindi mo na ako kailangan pang-alagaan. Alam kong magsasawa ka rin sa akin, kaya mabuti na ngayon pa lang umalis ka na! Get out of my life! I don’t need you!” Halos lumabas na ang litid sa leeg ng lalaki dahil sa malakas nitong pagsigaw.
   Hindi iniinda ni Angelie ang sakit sa kanyang napasong kamay, mas ramdam niya ang sakit at hapdi sa kanyang puso dahil tila isang matalim na kutsilyo ang bumaon sa puso ni Angelie dahil sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon ni Michael.
   “Ma-Michael!” tanging sambit niya sa pangalan ng kanyang kabiyak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang itutugon. Nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na huwag umiyak. Mariin niyang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang magkabilang kamay para hindi marinig ni Michael ang kanyang paghikbi.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now