CHAPTER 20

211 0 0
                                    

THE FINALE

THE long wait is over, araw ng kasal nina Michael at Angelie, pagkatapos niyang manganak, inaasikaso naman ng lalaki at Donya Clemente ang kanilang kaagarang kasal sa simbahan. Supresa ito ni Michael para sa kabiyak. Nais nitong ipangalandakan sa buong mundo na siya ang asawa nito. Isa sa mga high profile ng kanilang lugar ang mga Sandoval kaya hindi maipagtataka na maraming nag-aabang sa gaganapin kasal nilang dalawa.

Lalo na sa mga taong natutulungan ni Michael. Lahat ng mga kadugo, kapitbahay at ka-barangay nina Angelie invited lahat. Dumalo din si Aling Pacita at mga anak ang mga naiwang pamilya ni Mang Hener. Hindi sana ito pupunya dahil nahihiya ito ngunit hindi pumayag si Michael. Maliban din sa bayad nila kay Mang Hener pinalipat na rin nila ang pamilya nito sa lungsod at binigyan ng magarang bahay. Kung tutuusin sobra-sobra na ang ibinigay ni Michael ngunit para sa mag-asawa walang katumbas na halaga ang ibinigay na pagkakataon ng Panginoon na makakita siyang muli.

Napaluhang pinagmasdan ni Angelie ang kanyang susuoting wedding gown. Napakasaya niya at the same time excited na rin. Pinapatahi pa ito ni Donya Clemente sa pinakamahusay na mananahi sa kanilang lugar. Bagay na bagay sa kanya ang tube dress na bakat na bakat ang kurba ng kanyang katawan. Kahit na kapanganak pa lamang niya bumalik na dating hubog ng katawan. May mga diamonds na nakasabit sa bandang dibdib niya na nakadagdag sa ganda ng kanyang cleavage.

"Ma'am, napakaganda mo po. Kaya pala talaga patay na patay sa inyo si Gov." Nakangising saad ng kanyang make- up artist.

"Totoo po 'yon, Ma'am Angelie. Bagay po talaga kayo ni Governor," segunda naman ng kasamahan nito.
"Naku, nakakahiya naman po sa inyo. Magaganda rin naman kayo. Parehas tayong maganda." Nakangising tugong ni Angelie na ikinatawa naman ng dalawang nag-aasikaso sa kanya.

Isa sa mga engrandeng kasal ng kanilang lalawigan. Kapwa mga bigating tao ang kanilang mga bisita. Mga business partners at business associates mga dumalo sa sides ni Michael at mga dating kaalyado sa politika. Nakakalat ang mga videographer, camera man at mga reporters na nag-aabang sa kanilang muling pag-iisang dibdib.

Alas-diyes ng umaga sisimulan ang kanilang kasal. Hindi naman mapakali si Michael sa loob ng simbahan dahil magtatatlong minuto ng late sibAngelie. Paulit-ulit niyang tinawagan ang telepono ngunit hindi ito sumasagot. Hindi siya makapali sa kanyang kinaroroonan. Magkahalong pangamba at tako ang nararamdaman ni Michael.

"Mom, my wife is three minutes late. Ano kayang nangyari sa kanya?" nagsisimula na siyang nagpanic.

"Mom, what if Angelie has changed her mind. W-what if she don't want to marry me again," mangiyak-ngiyak na muling wika ni Michael. Hindi niya kayang tanggapin kung magkakatotoo ang kanyang sapantaha. He couldn't imagine her life without her. But he shook his head hindi niya gusto ang kanyang naiisip. Napahilot siya sa kanyang sentido kung ano ang maaring dahilan kung bakit hindi siya sisiputin ni Angelie.

"Michael, hijo. Relax ka lamang. That's not gonna happen, your too much exaggerated. And besides wala nama akong nakitang dahilan kung bakit hindi gugustuhin ni Angelie na muli kang pakasalan and we both know how much she loved you. Kung dati nga hindi ka niya sinukuan ngayon pa kaya?" Tanging tango lamang ang naging tugon ni Michael. Para patayin kung ano man kakaibang nararamdaman. Hindi niya dapat isipin ang nga bagay na ganito.

Sir, Michael, bumalik na po tayo sa puwesto. Dumating na po ang bride," tila nabunutan ng tinik si Michael. Nawala ang kanyang nararamdamang pangamba at takot kanina.

Pagkatapos lumakad lahat ng abay narinig ni Angelie ang pagtugtog ng kanilang wedding songs at sumenyas ang wedding coordinator na magsimula na siyang maglalakad. Halos mabuwal na si Angelie habang nakatayo sa nakasarang kahoy na pinto mg simbahan at pinagmasdan ang dahan-dahang pagbukas. Hindi niya mapigilan ang sarili na kabahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now