CHAPTER 8

89 1 0
                                    


    SA nangyaring aksidenti, akala ni Angelie walang magbabago sa kanilang relasyon. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil sa masalimoot na pangyayari nagsimulang nagbago ang lahat sa kanila ni Michael.
    Magmula nang lumabas  sila ng hospital, naging tahimik at mainitin na ang ulo ni Michael. Nagkaroon ng matinding depression ang kanyang asawa, bagay na ikinabahala ng kanyang ina lalong-lalo na si Angelie. Malaki na rin ang ipinagbago ng ugali, nawalan ng gana itong makipagsalamuha ng mga tao maging sa kanya at Donya Clemente. Kung kakausapin man, palaging pabalang.
   From being hyper to timid. Nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya, ang dating makulit, clingy at mapagbirong asawa naging kasalungat na ang lahat ng ipinakitang ugali ng lalaki, bagay na ikinakalungkot ni Angelie. Ayaw rin nitong makipag-cooperate sa therapist, para tuluyan na itong makatayo at makalakad. Dahil maliban sa pagkabulag, may bali rin ang isang binti nito. Ngunit, sabi ng doktor makakalakad din naman ito ulit sa tulong ng therapy.
   Tila hindi na niya ito kilala ang kabiyak, pakiramdam niya ibang tao na ang kanyang kasama dahil sa napakalaking ipinagbago nito. Ang dating malambing at mapagmahal na mister naging distance na ito sa kanya. Maging sa pagtulog ayaw nitong katabi siya. Kaya sa couch na lamang siya natutulog habang sa kanilang malaking kama si Michael. She miss him so much,  she felt that she was losing her husband, ang dating Michael na minahal niya.
Kasama man  niya ito physically pero tila hindi niya ramdam ang presensiya nito.
   Pero sa kabila ng lahat, nag-iba man ang pakikitungo nito sa kanya, pinipilit niyang pinapaintindi sa kanyang sarili, nagkagayon lamang si Michael dahil sa mabigat na pinagdaanan. Alam niyang nahihirapan ito sa sitwasyon at hindi madaling tanggapin ang nangyari. Lalo pa at kilalang independente na tao si Michael. Isa sa naging mitya bakit mainitin lagi ang ulo ng kanyang asawa.  Kahit sa maliit na bagay madali itong magagalit. Unlike before that he can do everything at ngayon biglang limitado na lamang ang galaw ng lalaki. But despite of what Michael treat her, sinisigurado niyang naaalagaan niya ng maayos ito. Maibigay ang mga pangangailangan para hindi mararamdaman ng lalaki na may kulang sa kanya. Siya ang nagsisilbing mata sa madilim nitong mundo.
   Angelie has a big hope na makahanap kaagad sila ng eye donor. At umaasa rin siya na kapag maibalik na ang paningin ng lalaki, babalik na rin ito sa kanyang dating pag-uugali. Dahil ang totoo kahit ayaw niyang ipakita o magsalita sa kanyang kalooban durog na durog na si Angelie. Napapagod at nanghihina. Pero dahil kailangan niyang magpakatatag lalo na at kailangan ng kanyang asawa ng emotional support. 
Hinayaan lamang ni Angelie na sumabay ang kanyang masaganang luha sa daloy ng tubig mula sa shower na tumama sa kanyang mukha. Ang bawat sulok ng banyo ang naging saksi kung gaano siya nasasaktan. Ayaw niyang marinig kay Michael ang kanyang bawat hikbi.
   Kahit na pakiramdam ni  Angelie pahirap nang pahirap ang bawat araw niya sa mansyon, habang  nakakasama nito ang kanyang malditang biyenan. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang tutungo  na lamang ang kanyang ulo at tanggapin sa kalooban na kahit ano’ng pang-aalipusta nito sa kanya. Basta ang mahalaga makakasama niya ang kanyang kabiyak. Handa siyang magsakripisyo alang-alang kay Michael.
   Nagmamadaling lumabas ng banyo si Angelie. Kahit hindi pa tapos ang kanyang paglig, mabilis niyang hinablot ang tuwalya nang muling namang malakas na kalabog sa kanilang silid. Nakatapis lamang siya ng tuwalya sa kanyang buong katawan habang tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang ulo nang lumabas siya ng banyo.
   “No! They can’t do that! Ako ang binoto ng mga tao at hindi siya! Kaya ko pa naman magtrabaho!”
   “Gov. utos po ng nakakataas na suspended kayo for Governor because of your health conditon. And after three months kung hindi mo pa kayang magtrabaho tuluyan ka ng sisibakin sa pwesto,”  narining niyang tugon sa kabila. Naka-loud speak ang cellphone kaya malayang nakarating sa kanya ang sinasabi ng kausap ni Michael.
“F*ck! Bullsh*t!” walang pag-alinlangang binato nito ang hawak na cellphone at tumilapon sa kanyang kaharapan. Maging ang lampshade na nasa bedside table pinagdiskitahan ni Michael dahil sa sobrang galit. Walang awang itinapon ito sa pader ng kanilang silid.
   “Mi-Michael, tama na!” kaagad niya itong nilapitan nang akmang ipukpok ang ulo nito sa pader.
   Nakita niyang  yumuyugyog ang magkabilang balikat nito senyales na tahimik itong umiiyak  habang nakatungo ang ulo sa sahig. Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Michael. Nasasaktan rin siya kapag nakikitang nahihirapan ang kanyang asawa.
    “My secretary called me. Pinalitan na nila ako  sa aking pwesto.” tila batang sumbong  nito sa kanya. Nagpapasalamat siya dahil atleast nagsabi itp sa kanya. Niyakap niya itong ng mahigpit para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ng kanyang asawa. Ito lamang ang tanging paraan para pagaanin ang mabigat na nararamdaman ni Michael.
     Alam niyang masakit para kay Michael ang mawala bilang Governor.  Mahal na mahal nito ang maglingkod sa kanilang bayan. He was been dedicated to his work. He will make sure na maayos ang lahat ng kanyang nasasakupan. He was a good public servant, sa katunayan marami na itong nakukuhang mga parangal bilang mabuting Governor.
   “Kilala ko ang Soriano na ’yon. Paniniguradong gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan para sa kanyang sariling kapakanan. Ang magaganda kong plano para sa lalawigan natin lahat ng iyon sisirain ng walanghiyang Soriano!”
   Paniguradong panandalian lamang iyon at ibabalik ka rin nila kapag nakakakita ka na ulit, hon. Kaya huwag ka ng malungkot. May awa ang Diyos. Makakahanap din tayo kaagad ng eye donor,” pampalakas niya ng loob ngunit imbes na matuwa sa kanyang sinabi bigla na lamang siyang Itinulak papalayo. At marahas na pinahid ang masaganang luha nito.
   “Don’t pity on me! Ayaw kong kinakaawaan! At Diyos? Walang Diyos dahil kung may awa siya sana hindi na ito nangyari sa akin ngayon! Naging mabait naman ako. I helped people, but look! This is what I’ve got?! Wala na akong silbi. Isa na akong inutil! Hindi ko deserve na parusahan ako ng ganito!” singhal ni Michael sabay  talikod sa kanya gamit ang tungkod. Lihim na napaluha si Angelie habang pinagmamasdan ang asawa.  Mas doble ang kanyang nararamdaman na sakit at bigat sa kanyang dibdib. Naiintindihan niyang nasasaktan si Michael ngunit hindi tama na sisishin niya ang Panginoon sa nangyari.
   “Huwag kang magsalita ng ganyan, Michael. May Diyos tayo at siguradong may rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa bagkus patatagin mo pa ang pananampalataya sa kanya.”
   “F*ck that reason! Sabihin mo kung ano ang rason ng Diyos mo. Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Deserve ko ba ang ganito? No, it’s not! Sa dinami-daming tao bakit ako pa? May mga masasamang tao naman, bakit sa akin pa nangyari ’to?” Nagkulay pula na ang mestisong mukha ni Michael dahil sa galit. Hindi niya alam kung paano ipapaintindi sa kanyang asawa na hindi dapat nito sisihin ang Diyos sa nangyari.
   “Michael, hijo! What happen? Why are you shouting?”  biglang bumukas ang pintuan sa silid ng mag-asawa at iniluwa si Donya Clemente. Nakapamaywang at nakataas ang kilay na tumingin ito kay Angelie na tila ba may malaking kasalanan ang babae.  Napansin niyang may kasama itong babaeng kung hindi siya nagkakamali isa itong nurse base sa suot nitong uniform. Napataas ang kilay ng babae nang makita  ang kanyang ayos kaya napatungo siya sa kanyang ulo sa sahig.
  “Ikaw ano’ng ginawa mo sa anak ko, ha?”  baling nito sa kanya.
  “Wa-wala po akong ginawa,” tanggi ni Angelie.
   “Sisiguraduhin mo lang dahil hindi ako mangingiming palayasin kita rito!”
   “By the way, this is Myrna, your new personal nurse.” Napaangat siya ng kanyang ulo dahil sa narinig. Nanlalaki ang mata ni Angelie sa narinig. Nakita  niya ang malapad at matamis na ngiti ng nurse habang nakatitig sa gwapong mukha ni Michael.
    “Hello, Sir Michael. Your so handsome pala talaga in per—” hindi na pinatapos ni Angelie ang nais sabihin ng nurse.
   “Ma-mawalang galang na po. Hindi sa pinangungunahan ko po kayo  pero kaya ko naman alagaan ang asawa ko. Hindi na  kailangan na kumuha kayo ng ibang mag-aalaga sa kanya,” lakas loob  niyang tugon sa matanda. Alam niyang magagalit na naman ito sa kanya pero ang mahalaga na sabi na niya ang kanyang saloobin.
   “And what do you think you are doing? Hindi ba pinangungunahan mo pa rin ang desisyon ko? Stupida! My house, my rules! As what I’ve said si Myrna na ang mag-aalaga sa anak ko simula bukas!” galit na tugon ni Donya Clemente sa kanya.
   “Pe-pero napag-usapan na po natin ito, Mommy.”
   “At sa tingin mo ba ipapaubaya ko sa’yo sinMichael?  Ano ba ang alam mo? Wala kang alam, mangmang at tatanga-tanga!” Maluha-luhang tumingin si Angelie sa kanyang biyenan. Kahit alam niyang hindi na niya mababali ang desisyon nito ngunit nagbabakasali siya na  pagkakataon  ito mapagbibigyan siya ng Donya.
   “Tama na! Stop that nonsense  argument! Ayaw ko na may ibang mag-aalaga sa akin maliban sa asawa ko. And that's my final decision!”  Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ni Michael.  Napahinga ng maluwag si Angelie dahil sa narinig. Napanguso naman ang babae. Excited pa naman itong makakasama si Michael.
Walang nagawa si Donya Clemente kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang anak. Padabog itong lumabas ng silid kasunod si Myrna.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now