CHAPTER 12

112 1 0
                                    

MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Angelie. Mahinang pinupukpok ng kanyang kamao ang kaliwang niyang dibdib dahil sa paninikip nito. Hindi na niya alam kung ano pa nga ba siya sa buhay ni Michael. Kung asawa pa ba ang turing nito sa kanya? Lahat na lamang na kanyang gagawin ay mali kay Michael.
   Paulit-ulit niyang ipinikit ang kanyang mga mata para pigilin ang nagbabadyang mga luha. Ngunit traydor ang kanyang mga mata dahil kahit ano’ng pigil niya, kusa pa rin itong nagsilaglagan. Ngunit kaagad din niyang tinuyo ang kanyang luha.
    “Tama na, Angelie. Tumigil ka na! Ginusto mo ’to! Kaya dapat na magpakatatag ka. Huwag mong sukuan ang  pangaral niya sa kanyang sarili.
   Napapagod na siyang umiyak araw-araw, hindi na niya nais na lumuha pa. Gusto niyang turuan na maging bato ang kanyang puso nang sa gayo’y hindi na siya nasasaktan.
   Minsan napaisip na lamang siya kung tama pa ba ang kanyang ipinaglalaban? Kung tama pa ba na ipinagsiksikan niya ang kanyang sarili, kahit ayaw naman ng kanyang biyenan sa kanya. Maging ang tao na dahilan kung bakit siya lumalaban, pilit siyang inilayo. Ipinagtabuyan.
   Pero kahit ganoon pa man, pilit niyang nagpakatatag, kahit sobra na ang kanyang sakripisyo at paghihirap. Sa pag-ibig kailangan mong sumugal, lalo na sa kanilang sitwasyon ngayon. Nanlalamig si Michael sa kanya. Pero sa ngalan ng kanyang pag-ibig para sa kanyang asawa, handa siyang magtiis.

BATA pa ang gabi kaya heto siya sa may bench, sa gitna ng malawak na hardin ng mansyon. Natutulog naman na si Michael kaya napagdesisyonan niyang lumabas muna sa kanilang silid, gusto ni Angelie na lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya, nasasakal na siya, halos hindi na siya makahinga sa loob. Na tila nakakulong na lamang ang kanyang buhay sa loob ng mansiyon, sa pag-aalaga ni Michael at halos makuba na rin siya sa kanyang mga gawain. Dahil kahit maraming mga kasambahay tila natutuwa ang kanyang biyenan na nakikita siyang nahihirapan.
   Mapait siyang napapangiti, napatingala sa kalawakan. Pinagnamamasdan ang iba’t-ibang bituin na nagnining-ning sa kalangitan. Maaliwalas ang langit kaya malaya niyang natatanaw ang mga tala, maging ang malaking bilog na buwan na nakadagdag liwanag sa kanyang kinaroroonan. Itinaas niya ang kanang kamay, pilit na inaabot ang buwan. Ngunit tila hibang, siyang mahinang tumawa. Katulad ng bilog na buwan at mga tala sa kalangitan ang mga Sandoval. Napakahirap abutin ngunit sa kanyang kaso maaring naabot na nga niya ito ngunit nahihirapan pa rin siyang angkinin.
  “Ma’am Angelie, kayo po pala. Akala ko kung sino.” Napalingon siya sa kinaroroonan ng tinig. Nakita niya ang driver na papalapit sa kanyang kinaroroonan.
   “Magandang gabi po, Kuya Elmer. Nagpapahangin lang po ako rito,” tugon niya sa kausap.
   “Ah, magpapahangin din sana ako. Pero ayos lamang po. Babalik na lang ako sa aking silid.” Alanganing napangiti ito sa kanya sabay kamot sa ulo.
   Mostly kapag driver ang pinag-uusapan may mga edad na ito ngunit maiba naman si Elmer dahil magkasing edad lang sila ni Michael. May porma at hitsura rin ito.
   “Ayos lang, po Kuya. Puwede naman na ako na lamang ang aalis.” Akmang tatayo siya ngunit pinigilan siya ni Elmer.
   “Naku, nakakahiya naman po, Ma’am. Naabala tuloy kita. Ako na lang talaga ang aalis.” Muling napakamot sa kanyang batok si Elmer.
   “Sige puwede naman, na sa isa kang bench uupo. Para makapagpahangin ka rin, Kuya.”
   Nahihiyang naupo si Elmer sa kabilang bench. Hinayaan na lamang niya iyon at muling itinuon ang paningin niya sa kalawakan dahil kahit papaano natutuwa at gumaan ang kanyang mabigat na pakiramdam nang napagmasdan niya ang mga tala.
   “Ma’am Angelie, may problema po ba?” biglang tanong sa kanya ni Elmer. Muling napapalingon siya sa lalaki at puno ng pagtatakang tumingin.
   “Bakit mo po naitanong?”
   “Pasensiya na po, Ma’am Angelie sa pakikialam ko. Hindi sa nanghihimasok po ako sa buhay ninyo. Pero talagang naawa kami sa iyo,” puno ng sensiridad ang tinig ni Elmer.
   Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao sa mansiyon kung paano siya tratuhin ni Donya Clemente. Marahas na buntonhininga ang kanyang pinakawalan sabay yuko ng kanyang ulo.
   “Salamat po sa inyo. Alam kong hindi madali para sa akin ang pagtira rito pero nandiyan kayo para sa akin, Kuya.” Maluha-luhang tugon niya. Totoo naman, wala siyang ibang karamay kundi ang mga katulong ng mansiyon. Nakahanap siya ng pamilya sa mga ito. Kahit asawa siya ni Michael ngunit daig pa ang alipin kung tratuhin siya ng ina nito.
   “Kuya Elmer, may mali ba sa akin? Masama ba ako dahil pinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko rito, kahit ayaw nila sa akin? Masama ba akong asawa dahil hindi ko kayang ibigay kay Michael ang hinihingi niya kalayaan?” Tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha ng kanina pa niya pinipigilan. Hindi ganito ang pinapangarap niyang pamilya. Lumaki siya na pinuno ng pagmamahal. Kaya tinitingala niya ang kanyang mga magulang. Noon pa man nakatatak na sa kanyang isipan na kapag nag-aasaa siya maging katulad sila ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng maraming pagsubok, nandiyan sila sa isa’t isa, hindi kailan man nawawala ang tamis ng pagmamahalan.
   “Huwag mong isipin ’yan, Ma’am Angelie. Walang mali sa’yo at higit sa lahat hindi ka masama. Sadyang nagmahal ka lang sa taong walang paninindigan. Kung tutuusin mas swerte sila sa’yo dahil napakabuti mong asawa. Hindi lahat katulad mo na malawak ang pang-uunawa at mataas ang pasensiya.”
   “Masama ba ko kung sumuko na lang ako, Kuya Elmer? Hirap na hirap na akong e-save ang marriage na ito. Napakahirap na ako na lamang ang may gustong makasama siya. Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabuting asawa ako. Pero bakit ganito? Hindi man lang nila magawang ma-appreciate ang aking mga paghihirap. Sukong-suko na ako pero kailangan kong maging matatag alang-alang sa pagmamahal ko kay Michael. Kahit ako na lamang ang may gustong kumapit sa relasyon na ito.” Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak, nawala na ang kaninang pagtitimpi at tuluyang na niyang pinakawalan ang kanyang emosyon.
   Hindi niya lubos maisip na ganoon lamang pala kababaw ang pagmamahal na ipinangako sa kanya ni Michael. Napakadali nitong sumuko at nakalimot sa kanilang sinumpaan sa harap ng altar. Napakadali nitong bumitaw. Nabulag lamang ito pero hindi ito dahilan para sirain ang kanilang pagsasama.
   Pero kahit ilang ulit niyang nais na sumuko, at sundin ang kagustuhan ni Michael na iwan na lamang niya ito pero nanaig ang tawag ng kanyang damdamin. Hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa. Mahal niya ito at hindi niya nais mawalay rito. Ayaw niyang tuluyang masira ang pinagsamahan nilang dalawa. Naniniwala pa rin siya na darating din muli ang pagkakataon na makikita ni Michael ang halaga niya bilang asawa.
   Ngunit sigaw naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak ang tanong kung kailan mangyayari ang pinaghahawakan ni Angelie? Hanggang kailan siya maghihintay? Hanggang kailan siya aasa na muli pangmanumbalik ang matamis nilang pagsasama?
   “Ma’am Angelie, hindi ako expert magbigay ng payo kasi wala pa naman akong asawa. Pero kung nahihirapan ka na, wala namang masama ang sumuko. Pero kung hindi mo kayang iwan si sir Michael, protektahan mo ang iyong sarili. Walang ibang makakatulong sa’yo kundi ikaw lamang. Huwag mong hayaang sasaktan at apak-apakan ka nila. Gamitin mo ang iyong karapatan bilang may bahay ni sir Michael. May pag-asa pa naman na babalik pa ulit ang  matamis na pagmamahalan ninyo ni sir Michael.
   “Siguro nga Kuya, Elmer. Babalik na kami sa dati kapag makahanap na kami ng eye donor. Kung makakita na siya ulit. Mamahalin na niya akong muli,” malungkot niyang tugon.
   Ngunit tila naging mailap sa kanila ang pagkakataon na makahanap sila ng eye donor. Para kay Michael. Limang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa rin silang mahanap. They even went abroad, nagbabakasaling may ibang options ang mga doktor sa ibang bansa na hindi na kailangan pa ng eye transplant but sadly, kaparehas lang ang sinabi ng doktor dito sa ating bansa. Michael need an eye transplant.
   At habang tumatagal tila nawalan na ng pag-asa pa si Michael na makakita muli. Hindi na alam kung ano ang gagawin ni Angelie. Nahihirapan at nasasaktan na siya. Wala naman siyang ibang hangad kundi ang maalagaan lamang niya ang kanyang asawa. Walang gabi na hindi umaagos ang luha ng butihing asawa ni Michael. May parti sa kanyang isipan na gustong sumuko na lamang ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya bilang may bahay.
    Sa mga oras na pinanghihinaan siya ng loob lagi nakatatak sa kanyang isipan ang sinumpaan nila sa harap ng altar. Kahit ilang beses na siyang ipinagtabuyan ni Donya Clemente at Michael hindi pa rin siya sumusuko. Ipinagpasa Diyos na lamang niya ang lahat. Ipinapaubaya niya sa langit ang kanyang lahat na paghihirap sa kamay ng kanyang biyenan at asawa. Ngunit tao lamang din siya. May damdamin, napapagod, kaya minsan hindi pa rin maiwasan na kwestiyunin ang mga lahat na nangyari sa kanilang mag-asawa.
   “Huwag kang mawalan ng pag-asa, Ma’am Angelie. Alam kong darating ang panahon na muli kayong maging masaya ni Sir Michael. Kaawaan ka rin ng Panginoon.”
   Napangiti siya sa sinabi ni Elmer kahit papaano nabuhayan siya ng pag-asa. May nakakaintindi sa mga hinanakit niya.
    “Salamat, Kuya Elmer. Hindi mo alam kung gaano mo napapagaan ang kalooban ko ngayon.”
   “Naku! Huwag kang mag-aalala, Ma’am. Ganito lang kasi ako mahilig magbigay ng mga advice.” Nakangiti rin tugon ni Michael ngunit kapwa sila napalingon nang may narinig silang kaluskos sa likod ng mga bulaklak. At naaninag niya si Myrna papasok na mansiyon. Hindi na lamang nila iyon pinansan at nagpaalam na sa isa’t isa.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWhere stories live. Discover now