CHAPTER 19

123 0 0
                                    

  DAHIL sa maselan ang kalagayan ni Angelie, nanatili si Aling Florencia sa bahay nilang mag-asawa para makasigurong maalagan siyang mabuti. Pumasok na kasi sa kompanya si Michael dahil masyado na nitong napabayaan simula nang naaksidenti ito. Hindi na kinaya ng kanyang ina ang pamamahala ng kanilang kompaya. Nais ni Donya Clemente na bumalik sila sa mansiyon ng ina ngunit tinanggihan nila iyon. 

    Nahihirapan si Angelie lalo na sa kanyang paglilihi. Masyado siyang pihikan sa pagkain at maya’t maya ang mood swing. Madaling magtampo at iiyak na lamang bigla. Ngunit kahit na busy sa kompanya sinisiguro ni Michael na maaalagan din niya ang kanyang mag-ina. Ingat na ingat ito sa bawat kilos ng kanyang asawa. Halos hindi na nga nito pagalawin si Angelie. Maging sa pagkain sinusubuan siya nito. Hindi rin siya hinahayaan ng lalaki na pumunta ng banyo mag-isa. Natatakot kasi ito na baka madulas pa siya. Maging sa pagpapaligo inaalalayan din ni Michael.

   Ang lalaki rin, ang nagpapainom sa kanya ng gatas, vitamins at gamot. Lahat ng demand niya sinusunod nito. Kahit mahirap gagawan nito ng paraan. Kagaya na lamang na naglilihi siya ng hilaw na mangga na may bagoong. Ngunit nagalit siya dahil mas gusto niyang si Michael ang aakyat sa puno ng mangga. May fear of height si Michael ngunit nilakasan nito ang loob na umakyat sa punong mangga para makakuha at maibigay sa naglilihing asawa.

   Pagkatapos ng tatlong buwan na pagbe-bed resr nito naging routine na nilang mag-asawa ' ang paglilibot dito sa loob ng village  nila tuwing umaga. Si Michael ang maghahanada sa kanyang mga kakailanganin. He want everything easy to her.

   Ayaw ni Michael na iasa sa mga katulong at sa kay Aling Florencia ang pag- aalaga sa kanyang mag-ina. Kaya kahit pagod at busy, laging naka monitor pa rin ito sa kanya. Bagay na ipinagpasalamat ni Angelie. Napaka swerte niya dahil alagang-alaga siya nito. Minsan bigla na lamang siyang naiiyak kapag naisip ang mga pagsubok na kanilang pinagdadaanang mag-asawa lalo na ang kanyang paghihirap. Ngunit ang lahat nang ’yon ay itinuturing na lamang ni Angelie na isang masamang panaginip.

   "Good morning, honey. Good morning little buddy,” ginising siya nito sa pamamagitan ng pagpapaligo ng halik nito sa buo niyang mukha. At kasunod ang paghaplos sa malaking umbok ng kanyang tiyan.

   "Hmp, Michael, tinatamad yata ako ngayon,” namamaos niyang tugon habang ang mga mata ay mapupungay na tumitingin sa lalaki.

  "Hmp, don't look at me like that, honey.  Baka makalimutan kong buntis ka. At maaangkin kita ng wala sa oras,"  mapanuksong tugon ni Michael sabay haplos sa kanyang tagiliran.

  “You looks more prettier when you gaining your weight, honey,” dugtong pa niya.

   "Ako? Wala naman akong ginagawa, ah. Ikaw  talaga Michael, napakahilig mo," natatawang tugon niya. Ngunit napatigil siya sa pagtawa ng biglang kumikirot ang kanyang tiyan. Ipinagsawalang bahala lamang niya iyon baka nalamigan lamang siya at mawala na ito mamaya.

    Ngunit bigla silang na alarma dahil akma na sana siyang babangon ngunit namilipit na si Angelie sa sakit.

   “Ah! M-Michael, ang sakit!” biglang sigaw niya dahil hindi niya kinaya. Magkahalong hapdi at sakit ang kanyang nadarama.

   "Angelie, honey,  what’s wrong? What happened? Asan ang masakit, tell me," puno ng pag-aalalang tanong lalaki.

   "M-Michael ang na talaga ng tiyan ko!. Ma-manganganak na yata ako!” nahihirapang sambit ni Angelie.

   "What? Sandali lang, what should I do?” natataranta si Michael hindi niya alam kung q ang gagawi.

   "Ano ba, Michael. Dadalhin na natin ang anak ko sa hospital!” sigaw ng kanyang ina sa kabiyak na natataranta nagpaikot-ikot lamang ito sa kanilang silid. Nagpapanic ito, sa nakikita. Mas malakas pa ang kalabig sa dibdib nito kaysa sa kanya na manganganak.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora