Chapter 6

94 1 0
                                    

HIMALA kung maituturing ang pagkakaligtas ng  buhay ni Micheal, dahil mula sa critical nitong kalagayan. Makalipas ang dalawang buwang pananatili nito  sa Intensive Care Unit nailabas na rin siya mula roon at inilipat na ito sa private room.
   Good news ito para sa pamilyang Sandoval. Lalo na kay Angelie na halos gabi-gabi siyang nagdadasal at heto pinakinggan na ng Poong Maykapal ang mga dalangin niya dahil sabi ng doktor, malaki na ang improvement sa kalagayan ng kanyang asawa at  anytime magigising na ito mula sa kanyang ppagka-comatose.
   “Angelie, anak. Magpahinga ka naman minsan. Ako muna ang magbabantay kay Michael,” saad ng kanyang ina na si Florencia. Napasugod din ito sa hospital matapos nabalitaan ang nangyari. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga magulang dahil  sila ang kanyang kinakapitan sa oras ng kanyang kahinaan.
   Ngunit sobrang naawa rin siya sa kanyang ina dahil nakailang insultong salita rin ang natanggap nito mula kay Donya Clemente, sa tuwing dumalaw ito kay Michael. At hindi maikakatwa kung saan nagmana ang kabaitan ni Angelie dahil katulad din niya, malawak ang pang-unawa ni Aling Florencia. Hindi na nito pinapatulan pa ang patutsada ng matandang donya sa kanila.
   “Huwag na po, Mama. Kaya ko naman po. Puwede na rin kayong umuwi sa atin.  Alam kong mas kailangan ninyo ng pahinga kaysa sa akin,” tanggi niya sa kanyang ina. Nag-aalala rin siya dahil hindi na maganda sa edad nito ang palaging puyat. Ito ang naghahatid sa kanya ng pagkain at damit dahil halos ginawang bahay na ni Angelie ang hospital. Hindi niya nais na umalis sa tabi ng kanyang kabiyak.
   “Na hala sige, anak. Ikaw ang bahala. Kailangan ko na rin munang umuwi sa atin dahil alam mo naman ang Papa mo. May dinaramdam na rin ito, paniguradong naghihintay na iyon sa akin. Pero huwag kang mag-aalala babalik ako sa makalawa.”
   “Salamat mama, kayo po ang nagbibigay lakas sa akin.”
   “Walang ano man, Anak. Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo lang. Nag-iisang anak ka namin kay hindi ka namin pababayaan. Mahal na mahal ka namin ng papa mo.” Hindi niya mapigilan ang sarili na mapaluha. Mas hinigpitan ang pagkakayakap niya kay Aling Florencia. Na tila bumalik siya sa pagiging musmos hindi nais mawalay sa bisig ng kanyang mga magulang.
   “Alam ko naman ’yan, Mama. Kaya nagpapasalamat ako sa Dios na kayo ni Papa ang binigay sa akin na mga magulang.”
   “Akala ko ipinagpalit mo na kami sa biyenan mo. Hindi ka na kasi dumadalaw sa atin,” tila may hinanampong tinig ng kanyang ina.
   “Hmp. . . puwede ba ’yon, Mama? Mahal na mahal ko kayo ni Papa. Hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit na sino. Pero sadyang naging busy lang po ako kaya hindi ako nakadalaw sa atin.  Pasensiya na po, Mama.”
   “Oh, siya. Huwag na tayong magdrama baka magising pa si Michael sa mga iyak natin.”
   “Eh, ’di mainam, Mama. Para hindi na ako mag-aalala sa kanya.” 
   “Sige aalis na ako, Anak. Mag-iingat ka rito lalo na sa biyenan mong masama ang ugali.”
   “Huwag po kayong mag-aalala, Mama. Kaya ko naman po ang sarili ko.”
   “Basta mag-iingat ka pa rin, ha. Magsabi ka sa amin ng papa mo kapag may ginawang masama ang biyenan mong pinaglihi ng ampalaya. Ayaw kong inaagabyado anak.”
   “Opo, Mama. Ikaw rin mag-iingat sa pag-uwi mo.”
    Ngunit nasa pintuan pa lamang ang kanyang ina nang dumating si Donya Clemente, bitbit ang mamahalin nitong luxury bag kasama ang mga body guards. Nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila mula ulo hanggang paa na tila nandidiri sa kanilang presensiya.  Kumuha pa ito ng alcohol at pinag-spray sa paligid at  sa kanila mismo, na tila mga mikrobyo sila sa paningin ng donya. Napapikit nang mata si Aling Florencia nang tumama ang alcohol sa kanyang mukha.
    “Why are you still here? Para kayong mga linta na kahit ano’ng tanggal didikit at didikit pa rin! Bakit? Pinagplanohan ba ninyong patayin ang anak ko? Para mapasa inyo ang kanyang mga kayamanan?” Walang preno ang bibig nito habang sinasabi ang mga katagang ’yon. Nahihiya siya sa kanyang ina. Hindi na sana bale kung siya na lang ang minamaliit, hindi na lamang sana nito dinamay si Aling Florencia. Kaya niyang magtiis kahit ano’ng gawin ng matanda sa kanya.
   “Mga hampaslupa kayo! Mga gold digger! Social Climber! Gagawin ninyo talaga ang lahat para makasamsam sa kayamaman ng anak ko!” hindi pa rin tumigil ang donya sa pamamahiya sa kanila. Nais niyang ipagtanggol ang kanyang  magulang ngunit walang lakas si Angelie para gawin ’yon. Nagsimulang uminit ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa pamamata nito sa kanyang pamilya.
   “Tayo na po, Mama. Ihahatid ko na po kita sa labas.” Hinila niya palabas ng silid ang kanyang ina para umiwas na lamang sa gulo. Ngunit nagmatigas at  nakipagsukatan pa ng tingin sa kanyang biyenan si Aling Florencia. Sabi nga nila malalim man ang salop ngunit napupuno rin. Hindi na nakatiis ang kanyang ina sa pagiging matapobre ni Donya Clemente.
   “Hindi anak. Kahit mahirap tayo hindi ako papayag na pagsalitaan tayo ng kung anu-ano sa kahit na sino. Hindi kita pinapalaki para insultuhin lamang ng ibang tao!” Matapang ulit itong humarap sa ina ni Michael.
   “Mawalang galang na po, Donya Clemente. Pero sumusobra na po kayo sa mga pinagsasabi ninyo laban sa anak ko at sa amin. Maaring mahirap lamang kami, pero wala po kayong karapatan na maliitin kami ng ganito. Namuhay po kami ng marangal na walang inaargabyado at inaapakan na tao. Kahit mahirap lang kami marunong kaming matakot sa Panginoon.  At huwag po kayong mag-aalala hindi po namin pangarap na maging mayaman. Marunong po kaming makuntento kung ano man ang mayroon kami. Sapat na sa amin ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Aanhin mo nga naman ang yaman kung kasing sahol naman ng aso ang iyong ugali. Tandaan mo, kahit ano’ng dami ng iyong mga kayamanan dito sa lupa, hindi mo pa rin ’yan madadala sa iyong libingan!” Maanghang na sagot ng kanyang ina. Marahil na pupuno na rin ito sa labis na pamamahiya ng matanda sa kanila.
   Nakita niyang sandaling natigilan si Donya Clemente. Ngunit kaagad din itong nakabawi, lalong tumaas ang kilay at umuusok ng ilong dahil sa matinding galit. Na mas lalong pinagsamantala ni Aling Florencia.
   “Kaya huwag po sana kayong mapangmataas at mapangmata sa kapwa dahil kung ano man ang mayroon kayo ngayon. Pinapahiram lang ’yan sa ’yo ng Panginoon!”
   “How dare you to answer me like that! Kahit ano pangsabihin mo mga patay gutom pa rin kayo!” sigaw ng ina ni Michael. Hindi na nila ito pinansin dahil kinaladkad na siya ng kanyang ina palabas ng hospital.
   “Mama, teka lang po. Saan tayo pupunta?”
   “Uuwi na tayo, Angelie. Iiuwi na kita sa atin. Kung alam ko lang na ganyan pala kasama ang ugali ng ina ni Michael hindi ko hahayaan na madikit ka sa kanila. Hindi ko hahayaan na may umaapi sa ’yo na kahit na sino. Mahal na mahal ka namin anak. Kaya ipaglalaban kita sa kahit sa huling hininga ko.” Ramdam niya ang matinding galit ni Aling Florencia. Naiintindihan naman niya ang pinagmulan ng galit sa kanyang ina ngunit hindi niya kayang iwan ang asawa. Nayakap siya ng mahigpit para pakalmahin ang kanyang ina.
    “Ayaw ko pong sumama sa inyo, Mama. Sana maintindihan mo po ang desisyon ko. Hindi ko puweding iwan si Michael, kailangan niya ako ngayon. At isa pa mahal po ako ng asawa ko. Hindi po niya ako sinaktan. Sa ka tunayan ipinagtatanggol niya ako sa kanyang ina. Kapag nagising lamang si Michael paniguradong hindi niya hahayaan na pagsalitaan tayo ng ganoon ni Donya Clemente. At huwag po kayong mag-aalala, mama. Sa bahay naman po namin kami uuwi, pero sa ngayon pakisamahan ko na lamang po ang kanyang ina.”
    Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Aling Florencia. Ayaw nitong maiipit siya sa pagitan ng kanyang mga magulang at asawa dahil paniguradong mahihirapan ito.
    “Naintindihan ko, Anak. Patawarin mo kung naging matapang ako kanina. Pero hindi ko lamang matitiis kung paano ka tratuhin ng iyong biyenan.”
   “Naintindihan ko rin ang saloobin mo mama. Hindi naman po madaling manatili na lamang walang imik lalo na’t pagkatao natin ang hinahamak. Ngunit ’di ba po, mama. Itinataas ng panginoon ang sino man mapagkumbaba?”
   “Tama ka, anak. Ngunit, hindi rin naman tama sa lahat ng panahon hahayaan mong aabusuhin ka ng iba. Pero alam kong matapang kang babae, mag-ingat ka lamang dito, ha.”
   Malaking pasasalamat ni Angelie dahil malawak ang pag-iintindi ng kanyang ina sa kanya. Galit man ito ngunit hindi pinangungunahan ang kanyang desisyon sa buhay. Malakas ang kaba sa kanyang dibdib nang pabalik na siya sa silid ni Michael.
Hindi pa man siya nakapasok sa silid na rinig na niya ang tinig ng kanyang asawa kaya buong pananabik niyang binuksan ang pinto.
   “Salamat Dios ko, nagkamalay tao na ang aking asawa,”
   “Honey, where are you? Angelie, wife! Na saan ka?”
   “Michael, son. Mommy is here.” Niyakap nito ang kanyang asawa.
   “Mom, where’s my wife? I need to see my wife. Bakit wala akong nakita? What happen to me?” Natatarantang tanong ni Michael.
   Luhaang tinakbo ni Angelie ang pagitan nila ni Michael at mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ng kanyang kabiyak habang tahimik na lumuluha. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanang sa lalaki ang nangyari.
   “Nandito lamang ako sa tabi mo, hon. Hindi kita iiwan,” garalgal ang kanyang boses na tumugon. Ilang ulit siyang napakurap-kurap para pigilin ang mga luhang nagsialpasan.
   “Bakit hindi kita makita, honey? Why I can’t see you?” Napatakip siya sa kanyang bibig gamit ang kanyang kamay. Para hindi marinig ni Michael ang kanyang paghikbi.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt