CHAPTER 16

124 1 0
                                    

   NAGISING si Angelie dahil sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Iminulat niya ang mga mata. Inuunat niya magkabilang  kamay. Nakapikit na napapangiti siya nang naalala ang huling tagpo nila Michael. Napakasarap at napakagaan ng kanyang pakiramdam.
  ‘Thank you, Lord for answering my prayers.’
  Hindi siya nakalimot na magpapasalamat sa Poong Maykapal.
   Akmang yayakapin niya si Michael ngunit wala na siyang natagpuan na tao sa kanyang tabi.  Muli siyang napamulat kaagad at inilibot niya ang paningin sa paligid ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Napabalikwas siya ng bangon nang napadako ang tingin  sa malaking wall clock. Alas-diyes na pala ng umaga.
   Matamis siyang napapangiti nang makita ang kanyang kahubdan. Ibig sabihin lamang pala hindi panaginip ang lahat na nangyari sa pagitan nila ni Michael. Kumuha siya nang masusuot sa walk in closet at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Mabilisang ligo lamang ang kanyang ginawa dahil baka nagugutom na ang kanyang asawa, hindi pa siya nakapagluto.
   Nakalabas na siya galing banyo ngunit hindi pa rin bumabalik sa silid si Michael. Hindi na siya nag-abalang magsuklay pa sa kanyang basang buhok tanging mga daliri na lamang ang kanayang ginamit sa pag-ayos sa mahaba niyang buhok. Halos patakbo siyang bumaba ng hagdan.
   “Gweneth, nakita mo ba ang senyorito, Michael mo?” tanong niya sa katulong nang nakasalubong niya ito sa may hagdan.
   “Magandang umaga po, Ma’am Angelie. Ang kakaiba naman ang ngiti mo ngayon, Ma’am. Masaya akong nakikita ang geniune mong ngiti na umabot hanggang iyong mga mata.” Nakangiting tugon ng kasambahay.
   “Thank you, Gwen. Nakita mo ba ang senyorito Michael mo?” tanong niya ulit.
   “Ay, oo nga pala, ma’am. Ang tabil talaga ng aking dila nakalimutan ko ang iyong tanong. Nandoon po si senyorito sa hardin. May kausap po na babae. Actually magkahawig kayo.” Napakunot ang kanyang noo sa narinig.
   “Sige salamat. Pupuntahan ko lamang siya.”
   Hindi na tumuloy si Angelie sa kusina. Mamaya na lamang niya ipaghanda ng pagkain ang asawa. Nagmamadali siyang pumunta sa hardin. Malayo pa lamang siya nakilala na niya ang kausap ng asawa. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan.
   “Mama?” puno ng pagtatakang niyang sambit.
   Malaki ang mga hakbang na papalapit sa dalawang taong nag-uusap. Hindi pa man siya nakaabot sa dalawa, narinig na niya ang tinig ni Aling Florencia.
   “Babawiin ko na ang anak ko sa inyo. Pinaubaya ko si Angelie sa 'yo dahil sabi mo sa amin ng papa niya, aalagaan mo siya katulad ng pag-aalaga namin sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit kailangan pa na humantong ang lahat ng ’to? Marami na ang kanyang sinasakripisyo  para sa ’yo at para sa relasyon ninyo. Pero ano? Ano’ng ginawa ng magaling mong ina sa anak ko? Sinaktan siya ng iyong ina, pero wala kang ginawa, hinayaan mo lamang na nasasaktan ang anak ko! Alam mo na prinsisa siya para sa amin. Siya ang kaisa-isang anak namin.  Kailanman hindi naman  sinasaktan at pinuno namin ng pagmamahal. Pero dito kinawawa ninyo,” mahabang sumbat ng kanyang ina kay Michael na natiling napatungo ang ulo sa lupa.

   Napaluha siya nang marinig ang katagang ’yon mula sa bibig ng kanyang ina. Hindi niya inaasahan na mapasugod ito sa bahay ng kanyang biyenan. Nang napadako ang tingin niya kay Michael nanatiling wala itong imik at tahimik na nakikinig sa bawat sumbat ng kanyang ina.
    “Ipinagkatiwala ko sa ’yo si Angelie.  Pero ikaw mismo ang sumira sa tiwalang ibinigay namin. Kung hindi mo man lamang kayang respestuhin at mahalin.  Mas mabuti pa na ibigay mo  na lang siya ulit sa amin.” Napasinghap si Angelie nang makita ang pagtulo ng luha ng kanyang ina. Ito ang unang pagkakataon na nakitang umiiyak ito.
   Mga luha dahil sa hinagpis ng isang ina malaman na ang anak na minahal at inaaalagan ng matagal na panahon. Sasaktan lamang ng taong kailan lamang nito nakilala.
   “Patawarin mo ako, Mama. Binigo ko kayo. Pero hindi ko ibibigay sa inyo ang aking asawa. I admit I was wrong for hurting her. But, now I can assure you that I will love her for the rest of my life. Just give me another chance to prove myself that I am worthy enough for the trust that you gave me.”
   “Tama na po, Mama. Huwag na po kayong magalit kay Michael. Wala naman siyang kasalanan,” pagtatanggol niya sa kanyang asawa. Kaagad siyang lumapit sa kanyang ina para pakalmahin ito. Niyakap niya ito nang mahigpit. Ayaw niya magkaroon ng hindi pagkauunawaan ang dalawa.
   “Angelie, anak. Bakit hindi ka man lang nagsabi sa amin tungkol sa kalagayan mo rito? Kung hindi pa nagsabi sa akin ni Daisy sa tunay mong kalagayan. Wala kaming kaalam-alam sa sitwasyon mo ngayon. Bakit mas pinili mong paglihiman kami ng iyong ama?” saad ni Aling Florencia sa kanya na puno ng tinig ng paghihinampo.
   Nanlaki ang mata ni Angelie sa mga narinig. Pamangkin pala ni Aling Daisy na ka- barangay nila.  Ang isa sa mga katulong ni Donya Clemente.
   “P-pasensiya na po, Mama. Ayaw kong guluhin pa kayo ni Papa. Kaya ko naman ang sarili ko,” tugon niya sa kanyang ina.  Ayaw niyang madamay ito sa gulo ng kanyang buhay.
   “Anak, kahit ano pa ang sabihin mo mga magulang mo pa rin kami. At hindi mo kami mapigilan kung labis ang pag-aalala namin  sa ’yo.” Napaiyak na si Angelie dahil sa tinuran ng kanyang ina. Napakaswerte niya at mayroon siyang mapagmahal na mga magulang.
    “Mama Florencia, don’t worry. Aalis na kami rito sa mansiyon ni mommy. At ngayong araw rin, babalik na kami sa aming bahay. Sa pangalawang pagkakataon mangangako akong aalagaan at mamahalin na higit pa aking buhay si Angelie. At hindi ninyo pagsisihan ang muling ipagkatiwala sa akin ang inyong prinsisa,” seryoso at madamdaming saad ni Michael sa kanyang biyenan. Nakikiusap ang mga mata ni Angelie na tumingin kay Aling Florencia.
    “Alang-alang sa aking anak. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Kaya papayag ako. Ipagkatiwala ko sa iyong muli si Angelie. Pero tandaan mo, ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa ’yo, Michael. Pero kapag nalaman ko na sinasaktan mo ulit ang anak ko. Hindi ako mangingiming bawiin ko siya sa ’yo.”
    Walang humpay ang pasasalamat ni Michael kay Aling Florencia. Maging si Angelie lubos na nagpapasalamat dahil   sa pang-uunawa sa kanyang nararamdaman. Nagpapaalam na siya sa ina at nangangakong bibisitahin nila ang kanyang mga magulang.

KATULAD nang ipinangako ni Michael, aalis na sila sa mansiyon ni Donya Clemente at babalik na sila sa kanilang pamamahay. Nasa sala na lahat ng kanilang mga gamit nang  dumating si Donya Clemente kasama si Myrna. Nangunot ang noon nito  nang makita ang kanilang mga bagahe.
  “Michael, son. What’s the meaning of this? Aalis na naman ba kayo? You will leave me again?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Donya Clemente. Ngunit hindi katulad noon na matapang ang awra ng matanda.
   “We need to leave you again, Mom. Masyado ng magulo kapag magtatagal pa kami rito. Para na rin sa ikatatahimik mo. And I need to protect my wife. Hindi lamang sa physically ngunit pati na rin ang kanyang emosyonal at mental health.”
   Nararamdaman niya ang paggapang ng mga kamay Michael patungo sa kanya. Ipinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Natila ba nagsasabing relax ka lamang? Nanginginig kasi siya nang makita muli ang biyenan matapos ang ilang araw. Sariwa pa sa kanyang alaala ang huling mga tagpo nila.
   Ngunit nang mapadako ang tingin niya sa matanda wala siyang naaninag na kunting galit sa mukha. Bagkus, nababanaag niya ang lungkot nasumasalamin sa mata ng matanda.
   “Kung ’yan ang inyong nais. Wala na akong magagawa pa. Ngunit bago pa man kayo aalis. Hayaan mo akong humingi ng tawad kay Angelie,” madamdaming saad ni Donya Clemente sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ng Donya.  Tila natuod si Angelie nang lumapit ito at kinuha ang kanyang mga kamay.
   “Angelie, hija. Alam kong marami na akong nagawang hindi maganda sa ’yo. Please, forgive me. Hindi ako naging mabuting ina. Lalo na sa mga masasakit na salitang ibinabato ko sa ’yo, humihingi ako ng kapatawaran. Sana maiintindihan mong ina lamang din ako. Walang ibang hangad kundi ang ikakabuti ni Michael. Pero mali ako nang tinuturing kitang kaagaw sa kanya. Wala na akong ibang kasama kaya natatakot akong maiwan mag-isa,” tuluyan ng napaluha ang si Donya Clemente. Sa kabila nang malditang anyo nito ngunit hindi pa rin naikukubli ang tunay na emosyon ng matanda.
  Napaluha na rin si Angelie. Mas lalo na niyang naiintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo nito sa kanya. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ng matanda. Ayaw niyang makitang umiiyak din ito. Nasasaktan siya na nakitang nasasaktan din ito.
   “Wala naman po kayong dapat ihingi ng tawad, Donya Clemente. Kahit kailan wala akong sama ng loob at galit sa ’yo. Minahal ko rin kayo bilang ina ni Michael.”
     “S-salamat, hija. Hindi nga nagkakamali ang anak ko sa pagpili sa ’yo. You’re a perfect wife. Nasa sa ’yo na ang lahat na katangian na hinahanap ng lalaki bilang kabiyak. And I’m sorry for not seeing your worth. Masyado akong nag-aalala sa sasabihin ng iba ngunit hindi ko man lamang inaalala ang nararamdaman mo at ng aking anak.”
   Sa dinamiraming hirap na pinangdaanan ni Angelie bilang asawa ni Michael, buo na ang kanyang kasiyahan dahil sa wakas tuluyan na siyang natatanggap ni Donya Clemente. Nagsisisi na ito sa maling pagtrato nito sa kanya. Totoo nga kung ano ang ’yong itinanim ay siya ring aanihin. Katulad na lamang kay Angelie. Kabutihan ang itinanim niya, umani rin siya ng kabutihan dahil sa huli nagkakasundo na rin sila ng kanyang biyenan.
   “And one thing, don’t call me Donya Clemente, again. Just call me, Mommy. You’re also my daughter now.”
   “Sa-salamat din po, M-mommy,” nauutal na tugon niyang tugon.

   “A-Angelie, patawarin mo rin ako. Alam kong hindi naging mabuti ang mga tagpo natin pero sa totoo lamang labag iyon sa aking kalooban. Nagawa ko lamang ’yon dahil sa malaking utang na loob ko kay Donya Clemente. Hindi ko magawang tanggihan ang kanyang pakiusap.” Umiiyak na saad ni Myrna. Hindi man nito sabihin ang lahat ngunit naiintindihan niya ang sinasabi ng babae pero katulad kay Donya Clemente hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa babae.
    “Huwag kang mag-aalala. Hindi ako galit sa ’yo. Huwag mo na iyong alalahanin.”
   Mahigpit na yakap ang iginawad niya kay Myrna at Donya Clemente bago sila umalis.

THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora