CHAPTER 17

114 1 0
                                    


ONE MONTH LATER

   Naging magaan ang kalooban ni Angelie, dahil may basbas na sa kanyang biyenan ang pag-alis nila sa puder nito. Muling bumalik ang saya at sigla ng kanyang katawan lalo na ang kanyang puso. Sinikap naman ni Michael na punan ang lahat ng kanyang pagkukulang kay Angelie.

   Muling nanumbalik ang tamis at init ng kanilang pagmamahalan. Hindi pa man nakahanap ng eye donor ngunit naging positibo pa rin ang pananaw nila sa isa't- isa. Maririnig na rin nila ang malutong nilang mga halakhak na kay tagal nilang hindi naririnig.

   Unti-unti na rin bumalik ang dating Michael na minahal niya. Hindi man maiwasan ng lalaki ang malungkot dahil sa sinapit ngunit sinisiguro ni Angelie na nandiyan siya sa oras ng kalungkutan para damayan ang kabiyak. Naging makulay muli ang minsan naging madalim niyang buhay. Si Michael naman nagsisikap na hindi maging pabigat sa kanyang asawa. Pinag-aralan niya lahat ng pasikot-sikot sa kanilang bahay kahit na wala siyang makita.

   Malaki na ang improvement ni Michael. Nakabawas sa kanyang anxiety ang paglilibang sa mga gawain. Sinikap niyang ibalik ang interest sa mga bagay nakinahihumalingan niya noon. Kahit nasa simpleng pagkain at pagpaligo nakakaya na nitong gawin. Hindi katulad dati na si Angelie lahat ang gumagawa.

   “Honey, sabihin mo nga sa akin kung ano ang nakikita mo?" biglang saad ni Michael sa kanya. Nandito sila ngayon sa may veranda. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat. Naipikit niya ang mga mata upang damhin ang init nang katawan ni Michael na yumakap sa kanyang likuran nang napansin nito na giniginaw siya.

   “Maaliwalas ang kalangitan. Half moon kaya hindi masyadong maliwanag ang buwan ngunit napakaraming mga talang nagniningning sa kalawakan. May nakikita akong hugis singsing na mga bituin, Michael. Napakagandang tingnan,” masayang larawan ni Angelie sa kanyang nakikita.

   “Really? May mas kikinang pa ba kaysa mga butuin na 'yan, honey?" Napaisip tuloy si Angelie.

   “Hmmp, ewan. Pero siguro wala na," kaagad na tugon niya.

   “And do you want to wear that ring, honey?" seryosong tanong ni Michael. Naikinatawa ni Angelie. Mas hinigpitan ni Michael ang pagkakayakap sa kanya sabay halik ng kanyang buhok.
   “How could I wear that ring? E, hindi naman totoong singsing 'yan.”

   “Sino ang nagsabi na 'yan ang isusuot mo?" wika ng lalaki na ikinalingon ni Angelie. Gayon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang nakitang nakaluhod si Michael bitbit ang kumikinang na bagay. Michael is proposing her again.  Napatakip siya sa bibig para pigilin ang paghikbi. Biglang bumuhos ang kanyang emosyon.

   “Angelie, honey. Alam kung hindi naging madali ang buhay mo kasama ako. But I want to ask you this, will you marry me, again? This time I want you to walk down the aisle wearing a beautiful white dress.”
Napakagat siya sa kanyang ibabang labi para pigilin ang paglakas ng kanyang paghikbi. Ngunit hindi dahil sa sakit kundi dahil sa labis na kaligayahan.

   “Y-yes, I will marry you again, Michael.” Magkahalong iyak at tawa ang lumabas sa kanyang bibig.

   “T-thank you, for choosing me again, Angelie. Kahit na sa aking mga ginawang pagkakamali ako pa rin ang pinili mong makasama habambuhay.” Umiiyak na ring saad ni Michael habang dahan-dahang isinuot nito sa kanyang daliri ang singsing na may malaking dyamante sa ibabaw. Bagay na bagay ito sa kanyang mala-kandilang palasing-singan.

   “Kahit ano man ang mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin. Walang iba akong ibang mamahalin kundi ikaw lamang mahal ko. Mahal na mahal kita, Michael.”

   Sinilyohan nito ng mainit na halik ang mga labi ni Angelie. Malugod namang tinatanggap niya ang nag-aalab na halik ng kanyang asawa. Dahan-dahan siyang inihiga sa couch. Hanggang sa naging palalim nang palalim ang kanilang pinagsasaluhan. Ninanam ang bawat sandali. Napatingala si Angelie nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Ekspertong paulit-ulit na dinidilaan ni Michael ang kanyang na nakalantad na balat na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa kanya.

   “Hmmp, M-Michael,” tila hibang na tawag niya sa pangalan ng lalaki. Mas lalo namang pinagbuti nito ang ginagawa. Nakadagdag ng pagnanasa nito ang kanyang seksing tinig.

   “I will do everything just to satisfied your needs, honey. Hindi maging rason ang aking kakulangan para ibigay sa 'yo ang ibayong sarap," saad nito habang hindi tumigil sa pagpapaligaya sa kanya. Walang siyang naging tugon sa sinasabi ng kabiyak dahil nagsimula nang sumisindi ang apoy ng kanilang pagmamahalan. Nakakalunod at nakakadarang ang bawat haplos ni Michael sa kanyang kahubdan.

   “Uhm,” hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang ulo nang hindi pa rin tumitigil si Michael sa pag-aararo sa kanyang maisan. Naging mainit ang malamig na gabi. Maging ang buwan at mga tala ay saksi sa sa kanilang pag-iisang katawan. Hanggang sa nararing na nila ang sukdulan ng langit.

EVERYTHING goes well, napalitan ng saya ang puso ni Angelie na ilang buwan rin nakabalot ng sakit at kalungkutan. Maging ang kanyang inang si Aling Florencia at si Donya Clemente, nagkausap na rin ng masinsinan at nagkakapatawaran. Wala na ang lahat ng mga agam-agam sa kanyang puso dahil nagkakasundo at nagkakaisa ang mga taong nakapalibot sa kanya.

   Nagsisimula na silang gumagawa ng bonding nilang dalawa. Every weekend pupunta sa kanila si Donya Clemente para magkaroon din sila ng alalang dalawa. Ngayon lamang na diskubri ng matanda na marami pala silang similarities ni Angelie. Parehas silang libangan ang pagluluto. Magkatulad din sila ng mga hilig. bulaklak at halaman.

   Pagkatapos ng pagsubok ng kanyang buhay bumubuhos naman ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Bagong araw, pinabagong answered prayer ang dumating sa buhay mag-asawa.

NGAYON ang araw para sa eye transplant ni Michael. Nakahanap sila ng eye donor, isa itong cancer patient na isang buwan na lamang ang taning ng buhay. Nais nitong may pakinabang siya sa kanyang pamilya, bago pa man ito mawala sa mundong ibabaw. Kusang nag-message ang nasabing donor sa Facebook page na ginawa ni Angelie para makahanap ng eye donor kay Michael. Naging malungkot si Angelie dahil tila nawawalan na sila ng pag-asa.

   Ngunit may kondisyones itong inilatag sa kanyang pagiging eye donor. Kabilang na ang financial assistance para sa maiwan nitong pamilya at Educational plan para sa dalawang anak ni Mang Hener. Walang pag-alinlangan na pumayag si Donya Clemente dahil sa kagustuhang makakita ng muli ang kanyang anak.

   “Honey, kinakabahan ako. What if hindi maging successful ang eye transplant ko? What if hindi na akong makakitang muli?” nahintatakutang saad ni Michael. Mayamaya lamang dadalhin na ito sa operating room kasama si Mang Hener.

   “Huwag mong sabihin 'yan, Michael. Alam kong ibibigay ng Panginoon ang ating mga hiling. Let's think positive, okay? Maging maayos din ang lahat.”

   Tila batang marahang tumango ito sa kanya. Halos hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap.

   “Sir Michael, huwag po kayong mawalan ng pag-aasa. Ang Panginoon ang nakatakda nito kaya alam kong maging successful ang operasyon mo. Marami ka pang purpose rito sa mundo. Marami ka pang mga bagay na mga bagay na magagawa. Ako ilang oras na lamang ang natitira sa sa akin. Kaya masaya ako na kahit na huling sandali ng aking buhay makapagpasaya ako," si Mang Hener.

   “Angelie and Mang Hener is right, son. Let's just pray for your successful operation.”

   “Mrs. Sandoval, ipapasok na po namin sila sa loob ng operating room.”

HINDI mapakali habang naghihintay si Angelie sa labas ng OR. Hindi na mabilang kung makailang ulit siyang nagpapabalik-balik sa kanyang lakad upo na ginawa. Hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan para sa kanyang asawa. Natatakot siya na  mabigo si Michael at hindi maging successful ang operasyon. Kahit sabihin na positibo ang kanyang iniisip ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang mag-aalala.

   “Anak, ako ang nahihilo katitingin sa 'yo. Huwag kang mag-aalala, maging ayos din ang lahat.,” sita ni Aling Florencia sa kanya.

   Ilang oras din ang itinagal sa operasyon. Kaagad na sinalubong ni Angelie nang makita ang doktor na papalabas ng Operating Room.

  “Dr. kumusta ang asawa ko?"

   “How's my son? How' s the operation doktor?"
   “Hindi ko pa masabi kung succesful ang operasyon ni Governor. Kailangan pa nating maghintay ng isang linggo para tanggalin ang kanyang bendahe.”










THE GOVERNOR'S WIFE SACRIFICEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora