PROLOGUE

5.2K 87 4
                                    


"Gusto kong ihambalos sa mukha nya ang puwet ng kaldero, ginawa nya akong utusan imbis na asawa." inis na inis akong sinasabon ang mga damit nya at wala akong pakialam kahit pa mapunit yon.

Naglalaba ako sa ilog habang iniimagine ang mukha nyang nginungudngod ko sa tubig.

"Kong hindi lang dahil kay Lola nungkang susundin ko sya..ang sarap nyang tadyakan." pagtatalak ko.

Ewan ko ba kong bakit tinulungan yon ni Lola kahit pa nawawala yong lalaking yon tama ba namang ipakasal ako ng sapilitan sa babaerong iyon?

Bakit kasi hindi nalang sya pinabayaan ni Lola na magpalaboy ako tuloy ang nadedehado, gustong gusto ko ng tirisin ang pagmumukha nya.

"Nakakagalit..." inis na utas ko ng maalala kong paano nya ako inaalila pag nasa bahay si Lola, napakababaero ng walang hiya at talagang nginingisihan pa ako.

Ang nakakainis nyang mukha ang nakikita ko sa bawat hampas ko sa tubig.

"Habang naghihirap ako kakalaba ng mga damit nya, pagluluto ng makakain nya siya doon ay nakikipaglandian sa kong sinong babae humanda talaga sya saakin mamaya pag hindi sya nakapag igib sa balon at wala syang nakuhang panggatong." galit na kausap ko sa damit habang lumusong sa ilog para magbanlaw.

"Sya talaga ang iihawin at ipanggagatong ko.. Arrgg." nangigigil na sabi ko saka matatalim ang mga matang tumingin sa daan pauwi.

Naging bantog sya sa bayan dahil sa pagiging babaero nya at talagang nakahihiyang madawit ang pangalan ko sakanya.

Ayaw ko naman talaga ang maikasal sa kahit na sino kong hindi lang dahil kay lola, bakit kasi sa lalaking yon pa? Mukha palang non hindi na mapagkakatiwalaan e.

Mukhang pagod na si lola sa akin kaya pinarurusahan ako.

Pero sa kabila non nararamdaman ko naman ang respeto nya saakin at mabait din naman kong minsan, madalas nakakainis.

"AZELYA..AZELYA..YONG ASAWA MO, YONG ASAWA MO!" tamad kong nilingon ang isang batang sumisigaw habang nasa daan palang.

Palagi nalang ganito ang eksena sa buhay ko at hindi na talaga ako natutuwa.

Ano na naman kayang ginawa nya?

Agad ko nang tinapos ang paglalaba saka ko tinahak ang daan pauwi.

Ng makarating sa bahay ay nakita kong may ilang babae ang nasa labas kaya taka ko silang tinignan.

"Anong nangyari?" tanong ko kaya naman takot silang napatingin saakin at bahagyang lumayo.

"Yong a-asawa mo kasi Aze... Hindi naniniwalang may mga engkanto dito sa bayan ng Alumna kaya nagsisigaw sya kanina sa pinakamalaking talon dito." agad akong napapikit at napahilot sa sintido.

"E sa talon nayon may pinakamaraming nakatayong balete na pinamumugaran ng mga engkanto diba?" napapangiwing usal ni Pia.

"Hindi daw kasi totoo yon at ilang sandali panga ay bigla nalang syang natumba at namamaga ang ilang bahagi ng katawan mukang nagalit ang mga engkanto." napahilamos ako sa mukha ko at agad na pumasok sa loob.

Nakita kong may albularyong sumusuri sakanya at tama nga sila namamaga ang ilang parte ng katawan nya, ano ba naman kasing kabliwan ang pumasok sa utak nya at nagsisigaw sya doon.

Binalaan ko na sya pero hindi nakikinig.

Tinignan ako ng albularyo saka tinitigan ito ulit.

"Delikado ang lagay ng asawa mo." bigla din akong nag alala dahil namumutla narin ang buong katawan nya.

"Kailangan mo syang ihingi ng tawad sa mga engkanto sa talon buong gabi at wag kang aalis doon hanggat hindi nag uumaga hindi ito malulunasan ng kahit anong gamot at yon lang ang tanging paraan, baka hindi na sya abutan ng araw bukas." seryosong saad nito kaya napamaang ako

Diyos ko po!

°°°

N/A:

Hello Guys ang BALETE na nabanggit sa storya ay iyong mga hindi pangkaraniwang malalaking puno na pinaniniwalaang may mga nakatirang engkanto...

Yon kasi ang alam kong pangalan non...

"Maligayang pagdating sa bayan ng Alumna💓"

ENJOY READING GUYS❤️

-Shadow_Lady04

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now