Kabanata 7

1.7K 60 4
                                    

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinapik ang mukha nya sa may tainga ko.
Narinig ko ang pagdaing nya saka ako dali daling naupo at binaklas ang pagkakayakap nya saakin.

"Let's make love... Wife.."

"Let's make love... Wife.."

"Let's make love... Wife.."

Ramdam ko ang sobrang pamumula ng buong mukha ko at nanginginig ang kamay na dinuro sya.

"B-BWESIT KA TALAGANG HUDAS KA!" inis na sigaw ko at agad syang pinaghahampas na agad naman nyang sinasalag.

"What? That's just natural because we're married." natatawang usal nya kaya mas pinag igihan ko pa ang paghampas sakanya.

"Anong m-make love ang sinasabi mo?.. H-hoy! Subukan mo lang talaga at tatadyakan kita." galit na usal ko sakanya kaya napataas ang kikay nya.

"Okay baby dragon.. But how are we going to have a baby? Baby dragon like you? You know if we make love we can have a - - - -" hinampas ko sya ng unan habang napapaypay ako sa sarili dahil sa sobrang hiya at gigil sa bwesit na ungas na lalaking ito.

"Tumahimik ka... Bwesit ka! Argg malalim na ang gabi at ngayon mo pa talaga naisipang pag initin ang ulo kong hudas kang matanda ka?" galit na asik ko sakanya.

Lukot na lukot ang buong mukha ko habang natatawa naman syang pjnagmamasdan ang itsura ko habang nakataas ang dalawang kamay nya.

"You know what baby dragon? I'm living my life like a prince and i can easily get a woman to warm my bed so bear with me for my sex life is active." nakangising usal nya kaya galit akong natawa.

"Kong nagagawa mo yan noon... Wag mong gawin saakin yan at wag mo akong igagaya sa mga babae mo kong ayaw mong mahiga sa labas ng bahay!" inis na sigaw ko kaya kunot ang noo nya.

"Aren't you my wife? Isn't a wife provide her husband needs especially his need in sex?" galit kona talaga syang hinampas.

"Bwesit ka talagang matanda ka! Bata pa ako! Talagang ipaglalaban mo ang bagay na yan? Ano kong asawa kita? Hindi ba tayo mabubuhay ng wala yon?" galit na tanong ko kaya agad syang umiling.

"I can't live without it." kibit balikat nyang usal kaya inambaan ko sya ng suntok.

"May kamay ka diba? Hala yan ang gamitin mo... Bwesit nato!" galit nasabi ko saka kinuha ang unan.

Nakasimangot sya at masama ang tingin saakin na ginantihan ko naman agad..

Manyakis pala ang lintek na matandang to!

"Baby Drago---" hinarap ko sya ng kamao.

"Tumahimik kana at matulog dyan hmmp!" nahiga ako saka sya tinalikuran.

"Ang damot!" asik nya.

Bwesit nato!

Buong gabi yata ay bumubulong sya ng sumpa saakin kaya minsan ay sinisipa ko ang paa nya para manahimik sya pero ang bwesit talagang hindi ako pinatulog at pinipilit ang gusto..

Tumigil lang ng tadyakan ko ang kanya.

Kinaumagahan ay nagising akong wala sya sa tabi ko kaya naman bumangon ako saka inayos ang sarili.

Ng makalabas ako ay nakuta kong nagpapakulo na sya ng tubig at nakatulalang nakaupo sa upuan kaharap ng mesa.

"Magandang umaga---bakit gayanyan ang itsura mo?" gulat na tanong ko ng makitang masamang masama ang tingin nya saakin.
Malaki ang eyebags nya at gulo gulo ang buhok.

"Nagtatanong kapa talagang abnormal kang babae ka? Kasalanan mo to!" inis na sabi nya kaya natatawa akong nagtimpla ng kape naming dalawa.

Mukang sa pagkakataong ito ay sya ang mainiti ang ulo at hindi ako.
Napapakagat labi ako sa pagpipigil ng tawa dahil hindi nya talaga ako nilulubayan ng masamang tingin.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now