Kabanata 21

1.7K 65 3
                                    

"Nako hijo.. Pagpasensyahan muna itong bahay namin at simple lang... Taga Centro kaba? Napakagwapo mo namang bata..." namamanghang usal ji Tiya habang sinusuyod ng tingin si Ross.
Nakangiti naman ito habang magkasalikop ang mga kamay namin.

"Hindi po.. Ang totoo nyan ay ilang buwan lang din ang nilagi ko dito sa bayan ng Alumna.. Dayuhan po ako.." paliwanag nya.

Nangingiti si Tiya habang pinagmamasdan kami at kapag bumababa iyon sa mgakasalikop naming kamay ay naiilang ko syang nginingitian.

"Ganon ba? Nakapagtataka nga at wala talagang ganyang itsura dito sa bayan... Abay paano naman nagsimula ang pag iibigan nyo ni Aze?"

Sinulyapan ko si Kuya Jano na mysa munting ngiti din sa labi habang pinagmamasdan kami, si Lola naman ay sinusuri kaming dalawa mabuti at tulog na si Jiro.

"Mahabang estorya ho.. Basta ang alam ko ay mahal ko po si Azelya.."

Nagulat ako sa sinabi nya sa pamilya ko kaya napaangat ang tingin ko sakanya na nakatingin din saakin at hinihintay ang reaksyon ko.
Nanginig ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sakanya n bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Nakatutuwa naman kayong mag asawa.. Alam mo bang matagal kana naming gustong makilal ngunit abala ka daw kaya masaya kaming makilala ka ng personal... Ako ang kanyang Tiya Rodora.." nakangiting pakilala ni Tiya bakas talaga sa mukha nila ang tuwa dahil nakilala sya.

Tumayo si Ross kaya napatayo din ako tumikhim sya at pormal na tumungo.

"Natutuwa po akong makilala ang pamilya ni Azelya, salamat sa mainit na pagtanggap saakin.. Tatapatin kona kayo kong bakit hindi agad ako nakasunod dahil may hindi lang kami pagkakaunawaang mag asawa pero wag po kayong mag alala at hindi hindi ko naman hahayaang mawala saakin si Aze.."
Tahimik lang akongpinagmamasdan sya.

Kahit na luma na ang maong na pangsaka pa yata nya at ang asul nyang damit na kupas na ay malakas parin ang dating nya dahil sa asal nyang pang malakasan ang dating.

"Ikaw ba ay totoong mahal itong si Aze?" seryusong tanong ni Lola kaya napatingin kami sakanya.
Nilingon ako ni Lola pati narin si Ross saka kami pinagmasdang dalawa.

"Natutuwa kmaing pormal kang nagpakilala saamin dahil matgafaal kana naming gustong makilala.. Hijo sa ilang araw na pamamalagi saamin ni Aze ay alam kong may mga kakaiba sakanya at alam ko namang alam mo iyon.. Pakamahalin mo sya at wag sasaktan dahil malayo kami sakanya at wala syang masasandalan.." marahang sabi ni Lola.

Puno naman ng senseridad ang pakikinig sakanya ni Ross na tumabgo tango.

"Wala ho kayong dapat na ipag alala mahal ko pong tunay ang apo ninyo.. Nandito po ako para patunayan yon... At tungkol naman po sa mga bagay na kakaiba sakanya ay iyon po ang mga bagay na nagustuhan ko.." paliwanag nya kila Lola.

Tumikhim si kuya Jano at nginitian kami.

"Nito ngang mga nakaraan ay pinagsasabihan ko si Azelya tungkol sa pagsasama ninyo at masaya akong isa kang lalaking may paninindigan sa kanyang maybahay.. Ako ang Kuya Jano nya at umaasa akong pakamamahalin mo sya ng wagas dahil karapdapat iyon sakanya."

Tumungo si Ross.

"Makakaasa po kayo na kahit anong mangyari o saan man kami dalhin ng tadhana mananatili ako sa tabi nya."

"Oh sya.. Malalim na ang gabi kailangan ng magpahinga ni Nanay... Azelya ikaw na ang bahala sa iyong asawa.. Jano isara mo ang mga bintana at pinto natin." pagtatapos ni Tiya ng usapin namin.

"Segi... Maaga pa ako bukas sa bukid kaya kailangan ko na ding magpahinga." tumayo si kuya saka tinapik sa balikat si Ross.

"Wag kang mahihiya pare ituring mong bahay mo itong tahanan namin... Azelya ikaw na nag bahaka sa asawa mo."
Sandali akong bumitaw kay Ross at lumapit kaya lola at hinalikan sya sa noo.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now