Kabanata 38

2.1K 63 16
                                    

Dedicated to ArianahCallo


Mabilis na lumipas ang mga taon na hindi ko namamalayan.

"Aling bebang ito nalang po ang bilhin nyo.. Sampong piso nalang po." nakangiting usap ko sa suki ko sa palengke.

"Bago paba ito Aze?" tanong nya saka sinipat ang mga gulay.

"Opo.. Ako po mismo ang nanguha dyan sa mga tanim kong gulay."

"Segi.. Bigyan mo ako nito ng tatlong bigkis." mabilis kong binalot ang tatlong bigkis ng gulay at binigay iyon sakanya.

"Maraming salamat po."

Marahan nya akong nginitian.

"Kamusta kana ngayon Azelya?" marahang tanong nya.

"Maayos napo ako kahit papaano ay medyo may mga natatandaan narin po ako pero hindi pa po buo pero para saakin ay sapat na iyon."

Nang gabing umalis ako ng syudad ay hinatid ako ng isa sa mga tauhan nila kuya.
Nakapagtatakang sobrang layo nito sa syudad, ang iba pa nga ay na gulat na nandito na ako sa bayan nanginglag ang Ilan saakin kaya nagattaka din ako.

May ibang parang Naiilang akong batiin kapag nginitian ko sila atng malaman nila ang totoong kalagayan ko ay saka ko sila nakalagayang loob at nakisimpatya masasabi kong naging masaya ang pannatili ko dito dahil ng mismong makarating ako ng bayan ay sa mansyon ng mga Sanchez ako hinatid ng nag dala saakin sa bayan.

Inaksyunan agad ni Lawrence ang pag dating namin sa bayan ng Alumna at labis labis na nag alaala dahil nga sa ilang araw ding nagkasakit si Gratt, kahit namna hindi sya ang tunay na Ama ni Gratt ay halos sya narin naman ang nagpalaki sakanya. Magkatuwang silang mag asawa na inasikaso ako ng mga panahon nasa mansyon nila ako at masasabi kong napakabuti ni Grace na asawa nya masaya ding binalita nito saakin na ilang linggo na pala itong nagdadalang tao noon kahit pa kamakailan lang ng kasal sila ni Lawrence, masaya naman si Lawrence sa sa buhay may asawa nito at ilang taon narin ng simulant nyang pamunuan ang bayan ng Alumna at mas binago pa iyon katuwang ang kabiyak nya.

Minsan ay wala sila sa bayan para bumisita sa bayan ng Gracia at kapag dumating naman sila ay nagpaapahatidsiiila ng imbitasyon saakin sa mansyon dahil sa mga pasaluong tinuring narin ni Grace na anak si Gratt dahil nga sa pagmamahal na ibinubuhos ni Lawrence sa bata hindi ko kailanman nakitaan ng disgusto o kahigptan si Grace bagay marahil na minahal ng asawa sakanya.

"Yong anak mong si Gray ay pagsabihan mo madalas itong makipag away.. Ayon sa ilang kabataan ay napapasaway daw nito."
Nahihiya akong ngumiti at pinunas ang kamay sa basahan.

"Segi po.. Pasensya na.. Hindi ko talaga alam kong bakit nagkaganyan ang Batang iyan." napapailingna usal ko kaya bahagya itong natawa.

"Sayo lang magmamana ang Batang iyon.."

"Ho?" nginitian nya ako saka umiling.

"Wala segi aalis na ako."

Lumingon langon ako sa palengke at napangti sa kawalan. Pnahalagahan ko ang mga bagay na mayroon ako at ang anak ko ngayon, hindi naging madaling saakin ang mamuhay dito dahil nga walang mag aalaga kay Gratt.

Malungkot ding naibalita saakin ng ilan na apat na taon na daw mula ng pumanaw si Aling Maria na sinundan daw ng aking Lola.
Aaminin kong masakit ang nagyari dahil wala ako sa tabi nya noo at tanging ang mga kamag anak ni nanay sa nayon ng Trinidad ang nag asikaso sakanya.
Ilang beses din silang bumababa sa bayan lalo na si kuya Jano dahil nag aaral na nga ang anak nito. At dahil nga nahihirapan sya sa pagpapabalik balik dito ay naisip kong ibigay nalang sakanya ang lupa ni Lola na nasa centro para narin mapatayuan nya ng konting negosyo lalo at mayaman ang Nayon ng Trinidad sa kahit anong bungang lupa.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now