Kabanata 11

1.8K 60 13
                                    


"Yan.. Oo yan.. Yong hilaw ang kunin mo." kunot na kunot ang noo ko habang nakatingala sakanya na nangunguha ng mangga.

"Tayka sandali.. Hindi ko maabot." asik din nya pabalik saakin.

Umalis ako sa pwesro ko kong saan hinulog nya ang mga mangga saka ko yon nagmamadaling pinagpupulot at pinqtong sa lamesa sa tabi ng puno.

"Bumaba kana dyan pwede na ito." tiningala ko sya at nakita kong mahigpit ang kapit nya sa puno ng mangga.

"Mag iingat ka sa pagbaba hinay hinay lang baka maputol." paalala ko sakanya saka ko sinimulang balatan ang mangga.

Nagtubig ang bagng ko ng maamoy ko kong gaano yon kaasim.

"Ayos kalang?" marahang tanong ko sakanya ng tumabi sya saakin at nagpunas ng pawis nya.

"Ayos lang ako." pagod na sabi nya saka naupo sa upuan.
Bumaba ang tingin ko sa kamay at braso nyang namumula.

"Gagamutin ko ang mga galos mo mamaya." mahinang usal ko sakanya kaya napatingin sya saakin.

"Ayos lang to.. Sanay naman ako." marahang sabi nya saakin.
Hindi ako nagsalita saka ko inumang ang mangga sa bibig nya, sinawsaw ko yon sa maanghang na sauce na ginawa ko.

Napangiwi sya ng matikman yon at sunod sunod na umubo saka napahawak sa lalamunan nya.

"Bakit? May problema ba?" takang tanong ko sakanya habang patuliy syang umuubo.

Ng tumingin sya saakin ay namumula ang buong mukha nya pati narin ang leeg nya.

"Hoy!" nataranta ako dahil sa hitsura nya pero natigilan ako ng makitang walabg kasing sama ang tingin nya saakin na parang gusto na nya akong sakalin.

"I-ikaw talagamg babae ka!" inis na asik nya kaya kununot ang noo ko.

"Papatayin mo ba ako sa sobrang anghang nyan?" inis na asik nya kaya natawa ako.

"E wala ka pala e, hindi naman maanghang to." pang aasar ko sakanya saka pinakita sakanya kong paano ko yon nginunguya at matamis syang nginitian.

Unti unting nawala ang ngiti ko ng makagat ko ang sili na nilagay ko.
Sunod sunod akong umubo at pakiramdam ko ay nagbubuga ng apoy ang bibig, mata at tainga ko.

"Kayabangan mo kasi." agad syang tumayo at kumuha ng tubig.

"HUWWWAAAHHH... ANG ANGHANG.. ANG ANGHANG... TUBIG.. TUBIG.." nagsisigaw ako habang pinapaypayan ang bibig ko.

Inabot nya agad saakin ang tubig pero hindi yon nakabawas sa anghang non.
Nakita kong napakamot sya sa kilay saka nagmadaling pumasok sa bahay namin.

Napaiyak ako sa sobrang anghang ng bibig ko ng makita ko syang dala ang jar ng asukal namin.

"Ito dali... nguyain mo ito at patagalin sa bibig mo para maramdaman mo ang tamis.. Wala kasi tayong siga.. Masmadali sana yon dahil kahit mainit ay nilalabanan naman non ang anghang." nginuya nguya ko ang asukal saka umiiyak na tiningala sya.

"Tahan na.. Kong ano ano kasing naiisipan mong kainin e, mag iingat kanga sa mga bagay na ginagawa mo." marahan pero mariing pananaway nya kaya napanguso ako.
Pinahid nya ang nga luha sa mukha ko.

"Your too young and innocent.. Arrg." nararamdaman ko ang pamromroblema nya kaya napailing nalang sya.

"Azelya! Ross.."

Sabay kaming napalingon sa humahangos na kasamahan nya sa trabaho kaya agad kong pinunasan ang mukha ko saka binalik ang postura ko.

"Ano yon pareng Dino?" kunot noong tanong sakanya ni Ross ng makalapit ito.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now