Kabanata 36

1.9K 71 13
                                    

Dedicated to MabsMaligaya

"ANON SINASABI MO? KONG AYAW MONG TULUNGAN ANG ANAK NATIN WAG KANG GUMAWA NG KWENTO.. UMALIS KAYO.. HINDI KO KAYO KAILANGAN.. LAYAS." galit na sigaw ko sakanila.

Mas masakit saakin tong ginawa nya, kong ayaw nya saakin ay wag na nyang paabutin pa sa puntong magsasabi sya ng kong ano anong walamg kabuluhang bagay.

Lumapit ako sakanya saka sya pinaghahampas habang umiiyak.

"Ang tagal tagal kitang tinatanong kong ano bang problema sa ating dalawa pero hindi ka nagsasalita ngayong kailangang kailangan ko ang tulong mo magsasabi ka ng ganyang bagay? Anak mo rin naman si Gratt kaya paano mo nagagawa ang ganito?" puno ng hinanakit na tanong ko sakanya.

Mabilis nya akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko din ang pagyugyog ng mga balikat nya.

"Im sorry.. Ayaw kong masaktan ka.. Pero wala na akong magagawa.." marahang usal nya saakin kaya hindi ako makapaniwalang tinitigan sya.

"Ma'am hindi po pwede ang pag iingay sa area na ito.. Pasensya napo." sinamaan ko ng tingin amg isang nurse.

"Call the doctor.. Tell him that i am a blood donor.."
Mahinang usal ni Ross saka ako nilingon.

"His my son.. Wether you accept it or not.. I have the full rights to my son." matigas na sabi nito kaya nginisihan ko sya.

"Sinong niluluko mo? Maayos ang buhay namin tapos bigla bigla kang susulpot at aastang ganyan?" galit na asik ko sakanya pero hindi ako nito pinansin at matalim lang ang tingin.

Nanginginig ang kamay ko sa galit at napasapo nalang sa noo ko.

"Aze.."

"Bitawan mo ako.. Wag mo kong hawakan.. Galit ako sayo!" winaksi ko ang kamay ni Lawrence ng hawakan ako nito.

"You are not allowed to shout in this area."
Nilingon ko ang doctor na may kasamang dalawang nurse.

"Who's the blood donor?"

"I am.."

"Come with us Sir... We have to test your blood if it's compatible to the child and also the posible disease you have."
Malakas na nagbuntong hininga si Ross saka sumunod sa mga doctor.

Hindi ko inansin si Lawrence at agad nalang akong sumilip sa saamin kong nasaan ang anak ko.

Wag naman po sana.. Bata pa po sya..

"Aze.." marahan tawag saakin ni Lawrence kaya nilingon ko sya saka inilingan.

"Wag ngayon Lawrence.. Ayaw kong makarinig ng kong ano ano man.. Gulong gulo ako ngayon at gusto kong ibigay ang buong atensyong ko sa anak ko.. Naging pabayaan ako kaya nangyari sakanya to.. Paki usap..."
Naupo ako sa upuan sa tabi at napasapo sa mukha at doon naiiyak, ayaw kong mag isip.

Naramdaman ko ang paglapit nya saka umupo sa harap ko marahan nya akong niyakap.

"Ito ang sitwasyon kong saan ayaw kong mangyari sayo Aze.. Mahal ko ang anak natin alam mo yon.. Pero may mga bagay na kailangan isakripisyo para makita mo ang totoong daan.. Wag ka ng umiyak.. Malaki ang tiwala ko kay Ross alam kong hindi nya pkababayaan si Gratt." marahang sabi nya.

Ilang oras pa kaming naghintay sa Doctor.

"Gutom kaba?" umiling ako dahil ni hindi ko maramdamang ang gutom, nalaman kong nag diretso na pauwi si kuya dahil may emergency daw na nangyari.

Mabilis kaming tumayo ng makita namin ang papalapit na Doctor, nurse at si Ross.

"Compatible ang dugo nila.. Pwede sya as a donor." inabot saakin ng Doctor ang ilang papel nanaglalaman ng medical report ni Ross pati narin ang tppe ng dugo nya parehong pareho kay Gratt.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin