Kabanata 37

2K 63 15
                                    

Dedicated to Kris_tine22

"Welcome home my son."
Bahagya akong lumingon kay Ross na buhat buhat ang anak ko.

Namamangha ako sa bahay niya, sobrang laki at ang theme non ay black, gray and white.
Ang ilang parte non ay made of Glass kaya sobrang attractive sa mga magazine ko lang nakita ang mga ganitong bahay, hindi ito bahay kundi mansyon.

Gusto ko tuloy manliit sa sarili ko saka sya tinitigan.

Kaharap nya ang anak nya habang nginingitian ito at hinahalikan sa pisngi.

Paanong ang kagaya nya ay nakilala ko, naging asawa at nagka anak pa? Parang sobrang imposibleng isipin. Gayon alam ko sa sarili kong malayo ang estado ng buhay ko sakanya.

Nagitla ako ng lumingon sya saakin kaya napaiwas ako agad ng tingin at hinawi ang buhok ko dahil sa marahang hangin.

"Let's go inside." suminyas sya.

"Ha?" mariin akong napapikit.

"I-i mean segi.." bahagya kong nilingon ang paligid ng mansyon.

Mukang mahilig sya sa iba ibang klase ng mga sasakyan dahil sobrang dami nyang sasakyan sa garahe na sa tingin ko ay koleksyon nya ng mga bagong labas non.

Tama nga ako sobrang yaman nya.

Sobrang liwanag din ng buong mansyon pati sa bawat poste sa labas non at hindi lang yon basta ilaw dahil mikang iyon yong mga high class na ilaw may swimming pool sa gilid ng mansyon kong saan bawat parte yata non ay may armadong tauhan nya, nag uusa ang ilan at may mga nakalagay sa tainga nilang kong ano samantalang ang iba ay nagmamasid sa palid at nagpapalakad lakad.

Napalunok ako akala ko sa  mga palabas ko lang makikita ang mga ganito.

Agad narin akong pumasok at tinitignan pa ang sahig dahil sobrang kinis non sobeang kintab at pakiramdam ko ay nakatapak ako sa mga ulap dahil ibang klase ang kulay non parang gray na may mga abo sa paligid habang kumikintab sa sobrang linis.

"Let's go to my son's room."

Umakyat kami sa magarang hagdan nakikita ko ang labis na saya sa mga mata nya habangbuhat si Gratt.

Ako naman ay naguguluhan parin hanggang ngayon kong paanong nakatagpo ako ng kagaya nya, kung saan ba kami nagsimula? Paano kami namuhay bilang mag asawa? Paano namin binuo ang pamilya na ito? Kong minahal ba namin ang isa't-isa nong mga panahong magkatuwang pa kami? At higit sa lahat ay kong paano at bakit kami humantong sa ganito.

Masakit sa parte ko oo.. Parang may kulang na may butas.

Hindi mapunan ang kakulangan sa puso ko sa katutuhanang...

Wala akong maramdamang pagmamahal sakanya ngayon. Naawa ako dahil hindi nya rin naman deserve na mawalay sa anak nya, anong tamnag katwiran ko?
Muka naman syang mabait at matinong tao hindi ko lang maintindihan ag sarili ko at hindi ako mapanatag sa kong anong dahilan.

"This will be his room and this is your bed right here." bahagya akong tumango pagsang ayon sa sinabi nya nakita kong nakatitig sya sa reaksyon ko saka nagbuntong hininga.

"That door is connected to my room if you ever need anything just ask me." nanatili akong nakatungo.

"Ross..." nag angat ako ng tingin sakanya.

"Mahal mo pa ba ako?" mahinang tanong ko sakanya, ilang segundo pa nya akong tinitigan bago nag iwas ng tingin.

"Hindi dapat yan ang pinag uusapan natin ilang taon din ang lumipas at marami ding nagbago Aze.. Sa ngayon ay ibigay muna natin ang buong atensyon natin kay Gray.."

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now