Kabanata 8

1.7K 71 8
                                    


Buong linggo akong binulabog ng walanghiya at talagang hindi na nahiya ang ibang kababaihan at napaghahalataan namang may gusto sila sa asawa ko.

Hmmppp....
At ang walanghiya naman ay mukhang natutuwa pa sa mga atensyong nakukuha nya sa mga kababaihan sa bayan.

Nakasimangot ako habang nagluluto ng makakain namin.
Pinadala ko sakanya sa bayan sa pwesto nila lola ang mga dinikdik kong halamang  gamot para maibenta.

Samantalang ako naman ay minsan kong maghanap ng trabaho na pweding pagkakitaan at minsan naman ay nasa kabundukan para maghanap ng gamot.

Ito yong sinasabi ko, ang hirap talagang magkaroon ng asawa sa murang edad.

"Si Lola kasi e...."

Inayos kona ang mga pagkaing niluto ko sa isang maliit na baunan para maihatid sakanya.
Alam kong nasa isang konstraksyon site sya sa bayan at doon pansamantalang nagtratrabaho para makaipon kami sa pagpapagawa sa bahay.

Napabuntong hininga ako saka nagmadaling bumaba.

Mataas na ang sikat ng araw, ganon paman ay hindi naman iyon masakit sa balat dahil sa banayad na simoy ng hangin.
Tinatangay noon ang alon kong buhok.

Buong paglalakad ko ay nakasimangot ako at tinataasan ng kikay ang mga taong napapatingin saakin pag dumadaan ako agad naman ang pangingilag nila kapag napapatingin ako sakanila.

Napairap nalang ako sa hangin.

"Maganda sana, pangit lang ang ugali."

"Wala naman ng bago."

"Hindi naman masama ang ugali nya e... Palibhasa kasi ay iniwan ng nanay nya."

Agad akong natigilan at matalim na tinitigan ang isang babae na nagpapaypay habang kausap ang mga amiga nya.

Agad naman syang natigilan at natahimik ng makitang nakatingin ako sakanila ng matalim, tumikhim ito saka bahagyang tumalikod.

Maski ang mga kaibigan nya ay napaiwas nalang din ng tingin.
Tumuloy na ako sa paglalakad habang masama ang loob.

Sino ba ang hindi may alam ng bagay nayon?

Na kaya ako nagkakaganito dahil bukod sa wala akong kinagisnang mga magulang ay iniwan naman talaga ako ng tunay kong ina.

Adella Fererra, ang aking ina na nang maipanganak ako ay iniwan nalang si Tatay pati narin ako.
Sanggol palang ako at kailangan ng aruga kaya naman kinailangan ni Tatay na mag asawa ulit para maging maayos amg kalagayan ko.
At yon ang kinilala kong in a mula ng mamukat ako sa mundo kaya kinalimutan kona ang mga sinasabi ng iba na hindi sya ang nanay ko dahil sya lang ang nanay ko na nagmahal saamin ng lubos ni Tatay.

Sya ay ang kaibigan ni Nanay na dito narin lumaki sa bayan pero sa ibang nayon lang nakatira noon bago maging maybahay ni Tatay.

Ayon sa sabi sabi ay hindi naman malapit si Tatay at si Mama ko noon nagulat nalang daw sila at nagpunta ito sa nayon nila mama habang dala ako at nagmakaawang pakasalan sya.

Mabait ang mama ko pati narin ang buong pamilya dahil naawa sila at inunawa ang sitwasyon ni Tatay.
Alinman sa lahat ng yon ay nagsama sila at hindi naglaon ay minahal ang isa't-isa hanggang sa sabay na nagwakas ang mga buhay nila.

Kahit na ganon ay minahal naman ako ng sobra ni Lola para hindi ko maramdamang maykulang saakin.
Minsan ay gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga bagay bagay na kong hindi ako dumating sa buhay ni Tatay ay malamang masaya sya at hindi nahirapan, alam kong masakit din sakanya na wala akong makagisnang ina at habang nakikita ako ay naaalala nya ang malungkot nilag tadhana ng tunay kong ina.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now