Kabanata 19

1.6K 46 2
                                    


Nakatunghay ako sa mga kagubatan sa ibaba habang malungkot na nakatingin doon.

Dalawang lingho na akong nasa Nayon ng Trinidad kong saan naipanganak ang aking ina na kaibigan ni Nanay.
Kinaumagahan ng gabing yon ay hindi kona sya naabutan sa bahay kaya naman nag impaki ako ng mga gamit at umalis sa bayan. Nagpaalam naman ako kay Lola na tumatango tango lang saakin animo ay binibigyan din nya ako ng oras para sa sarili ko.

Akala ko kapag nasa malayo ako ay makakapag isip ako ng matino at mahahanap ang tamang solusyon sa problema ko pero gabi gabi yata ako kong bangungutin ng mga alaala namin.
Mas naging malungkot ang buhay ko habang nasa malayo ako at hindi ko sya nakikita.
Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng pag ikot ng oras at sa bawat pag ikot ng oras halos mabaliw baliw ako sa kakaisip kong nao ng ginhawa nya sa bayan?

Totoo kayang hinihintay nya ako? Kumakain ba sya? Pinapagod ba nya ang sarili sa pagtratrabaho? Sobrang dami kong tanong para sakanya at sa huli ay pag iyak na lang ang nagagawa ko. Hindi pala madaling kalimutan ang taong pinag ikutan mo ng mundo mo.

"Aze... Tapos kana dyan?" nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni kuya Jano ang aking pinsan, anak ito ng kapatid ni ina.

Tumnghay ako sa ibaba ng burop na kinaruruunan ko.

"Oo.. Na ani kona pwede ng ikarga yan sa kabayo.. Uuwi naba tayo?" ganting tanong ko saka ko tinaas ang saya ko at nagmadaling bumaba.

"Magdahan dahan kanga.. Baka mahulog ka dyan.." saway nya saakin ng makababa ako.

"Ayos lang ako kuya.. Uuwi naba tayo?" marahang tanong ko sakanya.

Sobrang bait ni kuya Jano.. Matangkad, misteso magandang lalaki din at  batak na batak din ang katawan sa trabaho sa bukid, sya nalang ang inaasahan ng mga magulang nila, may isa syang anak na binubuhay samantalang ang kanyang asawa naman ay matagal ngpumanaw ng maipanganak ang tatlong taon nilang anak.

"Oo uuwi na.. Halikana para makapagluto na ng ube.. Ano sa tingin mo ang masarap na iluto ngayon?" tanong nya saakin saka itinaas ang malaking lalaguan ng mga ube na inani namin.

Pinatong nya iyon sa balikat nya at nagpatiunang maglakad at tinahak namin ang lubak lubak na daan papunta sa kabayo.

"Sa tingin ko ay mas masarap kong magljto nalang ako ng ube, babalatan at sasamahan ng pakal ng saging, sago.. Pinakaimportante ang gatas.. Mayroon ba tayo non kuya?" tanong ko habang sumasabay sa lakad nya.

Hindi kami masyadong close pero dahil sya ang mas matanda saakin at maayos naman ang naging trato nya saakin magmula ng dumating ako ay mabilis naging panatag ang loob ko sakanya.
Iba pa naman sa nayon ng Trinidad dahil sobrang init talaga sa parteng ito pero sa ibaba naman kong nasaan ang mga kubo at mga kabahayan ay may mga talon naman sa malapit.
Sagana sila sa mga tanim na palay, mga mais at kong ano ano pang mga nakakain sa bukid mapa gulay o prutas kaya tudo kain din ako.

"Magpipiga ako sa mga baka mamaya titignan ko kong mayroon.. Ikaw nalang ang magluto mamaya piesta na sa bayan at sasalubungin iyon ng mga kanayunan kaya kailangan din nating maghanda sa pagpunta sa Centro.." Patuloy nya kaya napabuntong hin8nga ako.

Kaugalian na talaga yan na ang mga tao sa bawat panig ng bayan ng Alumna ay pumu0unta sa Centro upang pagdaos ang piesta.

"Sa pagbaba namin nila ina sa bayan ay bibisita kami kay Lola Ara.." tumango tango ako.
Sandali akong nilingon ni kuya.

"Ikaw? Kailang mo balak bumaba sa centro? Baka naman gusto mo ng maniraham dito sa Trinidad?" nakita ko ang pag iling nya.

"Hindi po ah... Uuwi din po ako." agad kong sagot at napanguso.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now