Kabanata 16

1.6K 48 2
                                    


"What are you doing here Azelya?" nilingon ko si Ross na wala na ang gulat sa mga mata nya at nakakunot noo na ngayon.

Hindi ko sya sinagot at masama syang tinignan.

"Tanungin mo ang sarili mo! Anong ginagawa ko dito? Tinatanong mo talaga yan? Bakit? Akala mo ba ay nasa bahay lang ako?" galit na asik ko.
Nawawalan na ako ng galang alam ko iyon pero dahil siguro sa pagkahilo ay hindi kona rin mapigilan ang sarili ko.

"Hija.. Huminahon ka.. Mapag uusapan ito." hindi ko nilingon ang mayora ng bayan at mangiyakngiyak na nakatingala kay Ross na hindi makapagsalita at napahilot nalang sa sintido.

"H-hinihintay kita gabi gabi kasi akala ko nasa trabaho ka... Hindi maayos ang relasyon natin Oo pero hindi sapat yon para gawin mo ito."

Napaiwas ako ng tingin ng magbagsakan ulit ang mga luha ko na agad ko ding pinahid.

"Hear me out first Aze.." natatawa na naiiyak ko syang nilingon.

"Kagaya ng hindi mo pakikinig saakin noon... Kamusta? Naiintindihan muna ba ngayon kong anong pakiramdam?"

"Take her home.. She's drunk."

Nakita ko ang matalim na tingin ni Ross kay Lawrence kaya napahawak ako sa upuan sa tabi.

"She's what? What have you done?"

"Tsk! I didnt do anything.."

"Hijo... Iuwi muna ang asawa mo.. Pagpahingahin mo at mukang hindi maganda ang pakiramdam nya.. Kong ano mang problema ninyo ay mapag uusapan iyon.. Segi na.."

"My apology Mayor..."

"Wala iyon.. Naiintindihan namin."

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong bumuhat saakin kaya nagkawag ako.

"Tsk.. Ang kulit."

Pipikit pikit akong sumimangot at hinampas sya.

"Pangit!"

"Alagaan mo sya hijo."

"I will Madam.. Thank you."

Tahimik kaming dalawa na tinatahak ang daan sa bahay.
Nakita kong bahagya nya akong sinusulyapan sa balikat nya.

"Are you okay? Nahihilo kaba?"

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kong saan.

"Why are you there and why the heck are you drunk."

Ilang minuto ang nilakad namin na hindi ako nagsasalita at tahimik lang lasing ako pero nilalamon ako ng emosyon ko.

"Hubarin muna natin ang sapatos mo."

Lumuhod sya sa harap ko ng maipasok ako sa bahay namin, sinindihan nya ang lampara namin saka sinara ang ointo ng bahay.

"Ross..."
Mahinang tawag ko sakanya kaya napaangat sya nakangiti akong hinawakan ang mga braso nya saka sya pinatayo.

Sinipat nya ako ng tingin.

"Why? May masakit ba sayo?" nabakas ko ang pag aalala sa mukha nya kaya agad na akong napaiyak.

"Sh*t! Why? Why are you crying?" pinahid nya ang mga luha ko saka ako tinitigan.

"Miss na miss na kita... Hindi mo ako pinapansin kaya nasasaktan ako... Alam mo bang hinihintay kong bumalik tayo sa dati... Nangulila ako ng labis sa iyo.. Mas gusto kong nagbabangayan tayong dalawa kaysa hindi tayo nagpapansinan.." ngumawa ako ng ngumawa sa harap nya saka ko sya niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ko ulit ang pamilyar na kapayapaan sa puso ko dahil yakap ko sya na madalas kong maramdaman kapag nasa tabi ko sya.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now