Kabanata 9

1.7K 72 10
                                    

"Ano ba! Ayusin mo naman.. Baka hindi matibay ang pagmamartilyo mo dyan at matibag, paniguradong sabay tayong papanaw." inis na asik ko sakanya habang nakapamaywang na sinusuri kong matibay ba ang ginagawa nyang pagmamartilyo.

Maaga pa pero pareho na kaming pawisan dahil nakabili kami ng ilang materyales na iaayos namin sa bahay namin.
Plano naming uunti untiin nalang ang pag aayos ng bahay namin hanggang sa mabuo na iyon.

Nilingon nya ako at bakas ang inis sa pawisan nyang mukha.

"Pwede ba! Naririndi na ako sa bunganga mo... Nakatunganga kana nga lang dyan ay puro dada kapa.. Alam ko ang ginagawa ko kaya tumahimik kana." asik din nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Siguraduhin mo lang at bilisan mo narin dahil baka abutin tayo ng tanghali pag ganon ay hindi na ako magluluto bahala na kong sinong unang pumanaw saatin sa gutom." masamang masama ang tingin nya saakin kaya inismiran ko sya saka ako lumapit sa upuang nakasilong sa puno.

Pinagmamasdan ko sya habang nakatayo, hubang ang oang itaas nyang damit dahil sa pawis at kahit pa lagi ito sa init ay hindi sya nangingitim namumula lang ang balat nya.
Nakikita kong sinusukat nya ang pako at nilalagari ang mgs materyales, pulido naman ang mga galaw nya.

Nang mapansing pagod sya ay tumayo ako saka nilagyan ng tubig ang baso at dinala ang maliit na face towel.

"Uminom ka muna ng tubig.. Sumilong kana muna at kainin yong suman doon." masungit na sabi ko sakanya habang inaabot sakanya ang baso ng tubig at ang face towel.
Tinaasan nya ako ng kilay saka nilagpasan at nagtuloy tuloy na sa upuan.

Sinipat ko ang ginagawa nya at hinaplos yon, maayos naman ang gawa nya kaya napanguso ako.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko saka sya pinagmasdan, malaki ang pagkakabuka ng mga tuhod nya habang kumakain ng suman mukhang malalim ang iniisip nya dahil hindi manlang nya ako nilingon.

Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa pawisan nyang katawan lalo na ang makinis at maputi nyang leeg.

Sobrang gwapo ng lalaking to...

"Tsk! Bata pala ha... Hoy.. May usapan tayo sa 22 birthday mo pa kita aangkinin kaya iiwas mo yang manyak mong tingin sa katawan ko dahil sumusunod ako sa usap... Manyak na baby drago - - *pak*" masama ang tingin ko sakanya.

"Pinalalaki mo na naman yang ulo mo." asik ko sakanya.

Napansin kong natahimik sya saka ako tinitigan kaya nailang ako.

"H-hoy.. Anong tingin yan." kunwaring pagtataray ko sakanya.
Nagitla ako ng marahan nyang hinawakan ang kamay ko saka ako mariing tinitigan.

"Wife.." napatitig din ako sakanya saka napatikhim.

"Did you ever dream living in the city?" mahinang tanong nya kaya natigilan ako.

"Pangarap kong makatapak sa syudad pero hindi ang tumira doon.. Bakit? May balak ka nabang umalis?" taas kilay kong tanong.

"Aray ah... Lintik ka talaga!" naiinis na usal ko saka sya hinampas.

"Masakit ah." hinimas ko ang noo kong pinitik nya.

"Bakit ba sobrang excuted kang umalis ako? gusto mo bang maging isang biyuda?" natigilan ako sa tanong nya saka napatitig sa mga mata nya.

Yon ang nangyari kay tatay.

Agad na nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ko at ramdam ko ang kawalan ng gana dahil sa sinabi nya.

"Kong gusto mo ang umalis... Bahala ka." mahinang sabi ko.

Mabuti na din yon, wala pa naman kaming anak na ipag aalala kong palakihin na walang ama kong saka sakali.

"I was just thinking and asked you." mahinang usal nya kaya malakas akong napabuntong hininga.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now