Kabanata 24

1.5K 61 10
                                    

Dedicated to prettycelyn8


"Hey please.. Ayaw kong umalis na nakasimangot at malungkot ka..." marahang alo nito saakin habang iniimpaki nya sa itim na bagpack niya ang ilan sa mga damit nya.
Nakasuot ito ng itim na damit na bagong bili ko sa bayan pati narin ang maong na suot nya kaya mas bumagay sakanya para tuloy syang modelo at hindi konstraktor.

Kagabi nya pa ako inaaliw dahil nga ngayong umaga ang alis nila.

Bakit pakiramdam ko ay hindi na nya ako babalikan.

"Baby..." marahang tawag nya saakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ako malungkot... segi na baka mahuli kapa." mahinang sabi ko habang pilit na ginagawang natural ang boses.

Aaminin ko sa sarli kong natatakot ako, ito ang unang beses na malalayo sya saakin ng ganito kalayo. Takot akong baka hindi na nya ako balikan, hindi ko maintindihan ang sarili ko kong saan ba ako totoong natatakot sa isipin bang matagal syang aalis o baka sa naiisip kong hindi na nya ako balikan.

"I know what your thinking..." malakas syang nagbuntong hininga saka iniwana ang mga gamit nya at lumapit saakin. Tiningala ko sua saka tinitigan ang mukha nya.

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin.

"Wife.." marahang tawag nya saakin kaya nagpilit ako ng ngiti.

"Naturallang naman sigurong malumbay ako sa pagalis mo lalo pat ito ang unang beses na magkakalayo tayo na mga bayan ang pagitan.. Gayon paman ibig kong umalis kang panatag ang isip.. Wag mo akong alalahanin.. Nangako ka namang babalik ka kaya maghihintay ako." marahang paliwanag ko sakanya.

"How am i suppose to be at ease if i know that your sad." agad kumunot ang noo ko at sinamaan sya ng tingin kaya natigilan sya at napatitig saakin at nagtatanong ang mga tingin nya.

"O- okkkayy... What did i say?" takang tanong nya.

"Nakakainis ah! Paulit ulit, sinabi ng natural lang yon kasi nga ay paalis ka ng bayan.. Alangan naman matuwa ako diba? Isipin mo nga.. Ang hirap mong paliwanagan." inis na sabi ko.
Nakita kong napakurap kurap ito at ilang sandali pa ay natawa ng sobra na para bang nakakatawa ang sinabi ko.
Napatakip pa sya ng mata nya gamit ang isang palad pero nakikita ko ang pagkikibutan ng mapula nya labi.

"Anong nakakatawa?" banta ko sakanya pero nakangisi lang syang umiling iling saka ako niyakap ng mahigpit.

"I love you.. I love you wife.. You know that right?" malambing na tanong nya kaya muling bumalik ang lungkot sa puso ko at niyakap din sya.

"Mahal din kita.. Mag iingat ka doon, wala ako para asikasuhin ka.. Wag kang kakain ng hinanda ng ibang babae baka pala may gayuma.. Umuwi ka agad.. Hihintayin kita." sunod sunod na paalala ko.

"Tang*na para namang mangingibang bansa ako e.." natatawang usal nya saka sya kumalas at tinitigan ako.
Paulit ulit nyang hinaplos ng kamayangmagkabilang bahagi ng buhok ko.

"Ang ganda ganda talaga ng dragon ko.. Ikaw ang katumbas ng lahat ng babaeng madadaanan ng mga mata ko.." malambing sabi nya kqya nakangiti akong nakatingala sakanya saka hinawakan ang kamay nya.

"Siguraduhin mo lang ah?" tumango tango sya kaya naman napabuntong hininga ako.

"O sya halikana ihahatid na kita sa bayan.." sininyasan ko sya na kunin na ang bagpack nya.

Sandali akong pumunta sa kusina at kinuha ang dalawang baunan na ginawa ko pati narin ng dessert na kakainin nya sa byahe.

Nilagay ko yon sa isang maliit na basket at binitbit.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now