Kabanata 10

1.8K 63 4
                                    

"Sasampalin kita dyan! Wag ka ngang magulo dyan." saway ko sakanya saka inambaan sya ng sampal.

Inaayos ko ang dahon ng saging na paglalagyan ng ginagawa kong suman habang hawak nya ang kutsara at paulit ulit yong tinitikman.

"Mauubos mo na yan e.. Paano ko pa yan ibibinta?" inis na asik ko sakanya.

"Ang damot mo naman... Ang liit lang ng nakain ko e" inambaan ko sya ng hampas dahil sa sinabi nya.

"Naubos mo ang isang buong platong suman tapos maliit pa yon sayo? Napakatakaw mo! Nag iipon nga tayo dahil ipapagawa pa natin yang bubong tapos ikaw hindi kapa marunong magtipid." inis na asik ko sakanya saka inaayos ang pagkakarolyo ng suman sa  dahon ng saging.

"Yan lang oh.." nginuso nya ang maliit na suman kaya inis ko na iyong nilapag sa harap nya.

"Ayan! Pagkatapos mong kumain ay mag igib ka doon sa balon dahil wala na tayong tubig, baka umulan mamayang gabi dahil sa iba ang kalamidad ngayon sa bayan ng Alumna." napailing nalang ako ng makitang dinalawang subo nya lang yon.

Napakaisip bata nya!

Tinali ko ng tigdadalawa ang mga suman saka inayos sa tupperware.

"Halikana dalhin muna natin to sa pwesto nila Lola- - ay ano bayan! Nakalimutan ko pala yong didikdikin kong halamang gamot." napasabunot ako sa buhok ko sa katangahan ko.

"Hey.. Stop hurting yourself." magaan nyang inalis ang kamay ko sa buhok ko na para bang takot syang sumabit yon sa kamay ko at masaktan ako.

"Tigilan moko! Akala mo ba hindi ko alam na nakikipag usap ka sa Rosario nayon? Nakita ko kayo, ang landi mo.. Kapag talaga nasagad mo ang galit ko patutulugin kita sa labas!" galit na asik ko sakanya saka malakas na nagbuga ng hangin.

"Oh D*amn.. Akala ko bubugahan nya ako ng apoy." rinig kong bulong nya habang sinisilip ako.

"Nakakainis kana talaga! Akala mo ba ay nakikipaglukuha ako sayo? Kalalaki mong tao at may asawa ka rin, KONG HINDI MO MAGAWANG HINDI MANGBABAE AY MAGHIWALAY NA TAYO!" galit na sabi ko sakanya kaya napamaang sya saka ako hinarap.

"Okay? What's wrong with you today? I'm not even doing anything! Is it because of that d*amn suman? Fine! D*mn it! It's all yours." nabakas kong naubos narin ang pasensya nya saka padarag na tumayo at umalis ng bahay.

Imbis na matuwang wala na sya sa bahay ay tahimik akong umiiyak.

Nakakagalit kasi! Noong isang araw ay sobrang lambing nya tapos ay makikita kong may nakayakap sa braso nya habang nagtatawanan sila sa bayan!

Ano ba ako? Asawa nya ako at ang lakas ng loob ng hiyain ako sa harap ng mga tao sa ginagawa nya.

Usap usapan ang pagiging babaero nya sa bayan at imbis na kainisan yon ng ilan ay mukhang maraming kababaihan ang naengganyo ng malaman yon.

Tapos kahit masama ang loob ko kapag gabi na nagtatabi kami ay hindi nya yon napapansin at kong hindi hahalikan ay yayakapin ako ng mahigpit, nakakasama ng kalooban kasi akala nya ay hindi ko alam ang mga nangyayari sakanya sa bayan kapag pumapasok sya sa tabaho.

Hindi nya sinasaalang alang ang nararamdaman ko.

Napahikbi ako dahil sa naisip, kaya ayaw kong pumasok sa ganitong sitwasyon habang bata pa ako ako dahil bukod sa naninibago ay mahirap ding ilugar ang sarili mo lalo na kong ang taong yon ay hindi ka maintindihan.

Buong maghapon syang hindi umuwi kaya malungkot akong naglilinis ng buong bahay.

Napabuntong hininga nalang ako saka kinuha ang malaking Drum at ako ag nagpabalik balik mag igib sa balon at dahil sa hindi ko maayos na mabuhat ang maliit na balde ay dumulas ako pababa.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat