Prologue

380K 11.7K 12.7K
                                    


Prologue

I had always believed that second chances were a load of bullshit. A waste of time. A rock you picked up again to hit yourself in the head with.

Hindi ko lang talaga maintindihan. Why do people choose to keep doing something that has hurt them before? Why do they get back together with someone who broke their heart? Naghihintay ba sila ng ibang resulta? Umaasa ba silang mangyayari na ang gusto nila? Isang buhay lang ang mayroon tayo. Why throw it away on pain?

Bachelor of Arts in Journalism
Opinion and Commentary
Midterm Examination

Name: Millicent Rae F. Velasco
Year/Section: 4A
Score: 17/60

Putangina, iyon lang.

"Lahat daw ng lower than 20, pumunta sa faculty room mamaya."

"Meron ba sa'tin?"

"Hindi ko alam. May dalawa sa kabilang section, eh."

"Hindi mo tinanong kung ano'ng gagawin?"

"Lowest na yata si Chua."

"Hoy, 22 ako!"

Hindi ako makasabay sa ingay ng mga kaklase ko. Natulala lang ako sa test paper na nakalatag sa armrest ng upuan ko, nagtataka kung talaga bang aking papel 'to.

Ako ba talaga si Millicent Rae F. Velasco? Wala ba akong kapangalan sa room namin? O siguro typo lang ang score ko? Baka 57 talaga 'to. Nalito lang ang nag-check.

"1, 2, 3, 4, 5, 6..." tahimik kong bilang sa correct answers ko. "14, 15, 16, 17."

Binasa ko ang pang-ibabang labi. Hindi, Mill. Hindi ka maniniwalang wala nang kasunod ang 17. Ulitin mo.

"1, 2, 3, 4..."

Nagbutil-butil ang pawis sa noo ko nang hanggang 17 lang ulit ang nabilang ko.

"Chua, 22. May mas mababa ba?"

Hindi ako makapaniwala. Isang oras akong nag-review sa subject na 'to! Bakit hindi manlang umabot sa 1/3 ang score ko?! Nasagutan ko naman lahat ng tanong! Hindi tama, pero nasagutan ko! Wala bang points ang effort?!

Napasabunot ako sa buhok ko. I never gave a hoot about my grades. Or honors. Pumasa lang ako, okay na. I wouldn't beat myself up for being in the last class standing.

Hindi ako katulad ng mga kaibigan ko na seryoso sa kolehiyo. If Karsen didn't face a lot of bullshit this year, I knew there was a chance she'd graduate with honors. Si Mari naman, given na 'yon. She was the smartest girl I had ever known. Ganoon din si Kat. Although she didn't graduate with flying colors, she was one of the top students in her class.

Kahit kailan ay hindi naging importante sa akin ang medalya o matataas na marka. After all, I didn't want to submit to a system that placed more value on meeting deadlines than learning new skills.

Isa lang naman ang gusto ko—ang maging mamamahayag ng katotohanan. I wanted to write and report on current events without bias, be the voice of the unheard, expose political corruption, and drag the filth of the wealthy into the light.

It was my greatest drive, my life's mission. The reason I was born.

Pero alam kong bago ko makamtan 'yon, kailangan kong dumaan sa proseso.

And well, that shithole process included the midterm.

"Tangina," tanging nasabi ko. Parang biglang nagsink-in sa akin ang katotohanang bagsak ako.

Narinig ko ang paghalakhak ni Sadie, ang nag-iisang "ka-close" ko sa room. Wala naman kaming choice. Velasco ako at Velecina siya. Mag-aapat na taon na kaming seatmates.

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon