Chapter 1

248K 10.6K 6.4K
                                    




Chapter 1

"Sublimation."

Mariin akong napapikit nang marinig iyon kay Mari.

Nasa sala kami, katatapos lang maghapunan. Si Karsen ay nagpapahinga na sa kwarto namin. Si Kat naman ay kausap namin via video call. Hindi na kasi namin siya kasama. Nang makapagtapos siya ay hindi siya nag-abalang mag-submit ng application form o resume sa mga kumpanya sa syudad. She made it clear that she wanted to work in the province. Hindi naman namin para pagdiskusyonan iyon. It was her life. She had full control over it.

"Defense mechanism."

Pinilit kong hindi pansinin si Mari. Nag-aaral siya sa sahig kaya hindi na naman normal ang mga termenolohiyang lumalabas sa bibig niya.

I kept my eyes on the screen of my phone. Simula noong sinabi ni Capuso na gagawa ako ng article tungkol kay Juancho, inaraw-araw ko na ang pagbisita sa social media accounts niya. It had been a week. Wala namang kwenta. Wala akong makuha kung hindi updates tungkol sa projects ng student council at law department.

"Alam mo ba 'to, Mill?"

I sighed heavily. Mukhang hindi ako patatahimikin ni Mari ngayon.

"Tinanong mo 'to sa'kin no'ng nabasa mo sa reviewer ko no'ng first year. I don't know if you remember."

"Ni hindi ko nga tanda ang lesson namin kahapon. 'Yan pa kaya?"

Napangisi ako nang mukha siyang nairita sa akin. She scoffed before dragging her eyes across her notebook. Ang bahagyang kulot na buhok ay sumunod sa pagyuko niya.

"Bakit? Ano'ng meron?" tanong ni Kat, dahilan para muling mag-angat ng tingin si Mari.

"Wala naman. It's interesting." Her eyes glistened a bit. "Nagbabasa-basa na ako. Magkakaroon kasi kami ng review next sem para sa board exam. I just happened to read it again."

"Tell me about it."

Tumingin ako kay Kat. She was sitting in a hammock outside her place, looking a little more rested than when she was here. Ang mga mata niya ay nakatingin sa screen na para bang interesado siya sa sasabihin ni Mari.

Napasimangot ako. Jusko. Graduate na siya't lahat. Aanhin pa 'yon? Hindi naman magagamit sa totoong buhay.

"Sublimation, healthiest defense mechanism as per Freud."

I sighed loudly, making sure they heard me. Suminghal sa akin si Mari bago muling itinuon ang atensyon kay Kat.

"It involves turning destructive urges into something good."

"Example?" si Kat.

Lintek. Itutuloy ba talaga nila 'yan? At sa harap ko pa?!

"Si Mill."

Amputa. Nandamay pa.

I put my phone away and looked at Mari, waiting for her next words. Subukan niya lang gamitin sa masamang bagay ang pangalan ko. Talagang do-drawingan ko ng tite ang mga notebook niya.

"She had a lot of aggression, so she studied martial arts," Mari said.

Ikinunot ko ang noo. "'Wag kang magdesisyon. Nag-aral ako no'n para may sasapak sa mga mabubwisit sa kaartehan mo."

Hindi niya ako pinansin. Ang atensyon niya ay na kay Kat lang. "Basta gano'n 'yon. Kapag nasasaktan, may mga nagsusulat ng poems, 'di ba? Kapag malungkot, nagbabasa. It's a way to control harmful impulses."

"That's hard," kumento naman ni Kat. "Ang mga tao, kapag may nararamdaman silang hindi maganda, their natural impulse is to get even or find something else to blame. Parang nasa DNA na natin ang magpadala sa emosyon natin. It's okay, but I wouldn't say it's always right. Our feelings are our own. We should know how to handle them."

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now