Chapter 13

191K 11.2K 19.6K
                                    


Chapter 13

"Millicent!" Humangos si Mari sa akin nang makarating ako sa backstage. "Everyone's almost lined up! What the fuck are you on?!"

Hinigit niya ako papunta sa tapat ng salamin at pinaupo roon. Hindi ako makapagsalita o reklamo. My mind was still trying to digest Juancho and his words. It was almost like he gave me a subtle push to keep going and do my best in a competition I had no chance of winning. Hindi ko sigurado kung hinanap niya ba talaga ako para sabihin 'yon, pero sigurado akong nabago niya ang pananaw ko sa pageant na 'to.

"Nakaka-stress ka na! Sinabi ko nang 'wag kang umalis! Tingnan mo, ang pula ng mukha mo! Hindi ko napansin na napakapal ang blush on mo!" dire-diretsong litanya ni Mari habang inaayusan ako. "If you were only not my friend, I swear to god, lalayasan kita!"

Pumikit ako at huminga nang malalim bago tinignan ang sarili sa salamin. Walang gaanong ilaw sa backstage kaya ang tanging nakikita ko lang ay ang bahagyang madilim na repleksyon ko.

Patuloy lang si Mari sa pagbubunganga habang abala ako sa paninitig sa salamin, ang puso ay nagsisimula nang magwala. Kung kanina ay wala akong pakialam sa mananalo o matatalo, ngayon, parang nabigyan ako ng bagong trabaho dahil kailangan kong baguhin ang estado ng utak ko. I had to win, or at least do the best I could.

Sininagan ni Mari ng flashlight ng telepono niya ang tuktok ng ulo ko, parang sinusuring mabuti ang kabuuan ko. At dahil nakaharap kami sa salamin ay malinaw kong naaninag ang mukha ko.

With dazzling synthetic eyelashes and eyeshadows in neutral tones, my hazel-green eyes appeared to be deadly. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Mari, pero tila buhay na buhay ang mga mata ko. My cheeks and jaws were also sculpted to perfection as if God had labored over my face for hours and paid meticulous attention to every detail.

"I did a good job," mas kalmado nang saad ni Mari, nakangiti at kumikislap ang mga mata. "Your luscious pixie cut and nude lipstick are spot on."

Tumikhim ako. I kind of agree.

"Hindi ba parang umitim ako tingnan?" tanong ko.

She shook her head. "Gan'yan talaga. In pageants, your foundation should be a shade darker than usual. Maliwanag sa stage at magmumukha kang maputla kapag sobra kang maputi."

Dahan-dahan akong tumango, kinakabahan at nanlalamig. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na manonood si Juancho kahit pa hindi naman na ito sakop ng trabaho niya bilang presidente ng student council. May mga organizer kami at sariling officer na nag-aayos ng event. He wasn't needed here, but he literally told me he'd watch me... and that he'd consider the interview if I kept my confidence.

"Kinakabahan ka?" untag ni Mari.

My lips quivered. "Yeah..."

"Oh my god," she muttered excitedly. "That's how you know you're in it!"

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ba puwedeng kalmahin mo na lang ako?"

Inilagay niya ang dalawang kamay sa balikat ko. "You don't need that. I trust your adrenaline. Mas kinakabahan ako no'ng wala kang pakialam, pero ngayon? Huh!" Sumupil ang mayabang na ngiti sa labi niya. "I know you'll be in survival mode."

I squeezed my eyes shut and let out another deep sigh to slow my racing heart. "Amari..."

"Yes?"

I opened my eyes and stared at her directly. "How do you win this thing again?"

Her brow furrowed slightly, but still, she bent down to my left shoulder and said, "Carry yourself like a queen, walk like you rule the room, answer like you know everything, and show them who you are. Only then will you be crowned."

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon