Chapter 21

182K 9.9K 7.4K
                                    


Chapter 21

May parte sa akin ang ayaw pumayag. Parang hindi ko kayang lunukin ang realidad ko. I mean, how could I endure punches from someone I was jealous of? Isa pa, hindi pa rin ako nakakabawi sa pamimintang niya sa akin. Ni hindi manlang siya humingi ng paumanhin sa abalang ginawa niya.

I clenched my fists as I put on my protective gears. Wala na akong magagawa. Kailangan ko ang pera niya at kailangan niya naman ng mapaglalabasan ng galit... lalo't madami siyang pasa.

Sa likod ko ay rinig ko ang malalalim niyang paghinga na parang nagpipigil siya ng halo-halong emosyon. Binilisan ko ang paglalagay ng gears at saka humarap ulit sa kanya.

Without saying a word, I handed her the gloves she should wear. Dali-dali niyang isinuot iyon, at nang matapos, puno ng poot ang mga matang tumingin sa akin.

"I fucking hate you," she said under her breath, her eyes bloodshot.

Huminga ako nang malalim at pumikit hanggang sa marinig ko ang paghakbang niya palapit sa akin. I heard her stifle a scream as she punched me in the face. Agad na tumagilid ang mukha ko.

Bumalik ako sa maayos na pagtayo, at muli kong naramdaman ang suntok niya. Mas malakas iyon kumpara sa una kaya bahagya akong napaigik. Laglag na laglag na ang katawan ko ngayon dahil tatlong kliyente na ang napuntahan ko. Kahit pa hindi siya kasinglakas ng ilang na-handle ko, iba pa rin ang epekto kapag alam mong nanghihina ka na.

"Die!" sigaw niya bago buong lakas na pinaulanan ako ng suntok sa panga, braso, at sikmura.

Nagmulat ako at sumalubong sa akin ang namumula ngunit lumuluha niyang mga mata. She was hysterical. Nanginginig sa galit habang patuloy na nagpapaulan ng suntok sa akin.

I put my hands in front of my face to protect myself as she kept hitting me. Sumisigaw siya at tumatangis, tila hindi importante sa kanya na kilala namin ang isa't isa.

Hindi ko maiwasang maramdaman ang sakit sa hinagpis niya.

She was assaulted... I was sure of that. Noong ginamot ni Juancho ang mga sugat niya, noong nakitaan ko siya ng pasa habang pinagsasalitaan niya ako, at ngayong bugbog-sarado siya, alam kong iisang tao ang gumawa noon sa kanya.

I never saw her in this light. For me, she had the polar opposite of the life I had led. May kumpletong pamilya, may pera sa bulsa, at may bahay na tinitirahan. She was influential because of her fame, intimidating demeanor, and knack for getting what she wanted. She was even on par with the guy I loved. 'Yong babaeng hindi na kukwestyunin kung bakit mamahalin.

She also had this place she could go to when everything was falling apart. She had the money to pay me to take her anger away. She had everything I could only imagine.

Pero ngayon, kahit na taglay niya ang lahat ng materyal na bagay at impluwensyang dala ng pangalan, wala akong ibang makita kung hindi isang babaeng takot at minaltrato.

Patuloy ang pagtanggap ko sa mga suntok niya. Minsan, napapaatras ako sa puwersa. Minsan naman, tinitibayan ko ang dikit ng paa sa sahig para tuloy-tuloy niyang mailabas ang galit.

She was hitting me in places where I already had bruises, but I didn't care. This was my job, and she was my client. This was the only thing I could do for her.

Iyon na ang pinakamahabang dalawampung minuto ng buhay ko. Nang matapos siya ay pinalis niya ang mga luha sa mukha at tumayo nang maayos na parang walang nangyari. She took off the gloves, her face emotionless. Parang ang pagsuntok sa akin ang tuluyang nakapagpakalma sa kanya.

"Don't tell this to anyone," she said while still removing her gloves.

Tumalikod ako at nagsimula na ring tanggalin ang protective gears ko. "Wala akong plano."

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon