Chapter 16

195K 11.5K 12K
                                    




Chapter 16

"May I see the questions first?" he asked as I finished setting up the camera.

I forced down a gulp, hoping to relieve the pain in my gut. Hindi ko alam kung paano ako aarte na parang wala lang sa akin ang sinabi niya. We sure had a great time; I wouldn't feel attached to him if we hadn't. I just couldn't bring myself to treat him casually after ignoring him for weeks.

"Sigurado ka? Kapag hindi ka komportable sa tanong, puwede mo namang hindi sagutin. I-e-edit ko naman 'to." Sinulyapan ko siya, pero umiwas din agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Narinig ko ang pagtikhim niya. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko pang umayos siya ng upo.

"At least give me the highlights?"

Huminga ako nang malalim at isang beses na tumango. Mula sa likod ng camera ay buong-tapang akong naglakad papunta sa bag ko na nakalagay sa tabi niya. Yumukod ako roon para kunin ang notepad ko, at dahil sa lapit niya, amoy ko ang bango niya.

I was certain I'd miss that distinct scent—masculine and upscale. Iyong tipong kahit pagpawisan ay kumakapit pa rin sa damit ang pinaghalong amoy ng pabango niya at natural na samyo ng katawan.

"Oh," saad ko, hindi makatingin sa kanya, habang inaabot ang bukas na notepad. "Hindi pa lahat 'yan. Puwedeng magkaroon ako ng follow-up questions."

Bumalik ako sa likod ng camera, at mula roon ay tiningnan ko ang paggalaw ng mga mata niya, binabasa ang nakasulat sa notepad ko. Magkasalubong ang mga kilay niya at pinaglalaruan ng daliri ang pang-ibabang labi na para bang mataman siyang nag-iisip.

He had a fatal allure—the type of man you'd spend sleepless hours dreaming about even though you knew you could never have him.

Kung bakit ako nag-isip na may pag-asa kami, hindi ko alam. Anak siya ng nasusuhulan na pulitiko at kahit baligtarin ang mundo, hindi ko kayang pakisamahan ang tatay niya. Unlike Psyche, I don't think I could hold my tongue and dine with him. I would have to ask him straight out if the rumors of corruption were true and why he was taking so much money from his people.

Nasa magkabilang panig kami ni Juancho. Tama lang na sila ni Psyche ang magsama dahil sila ang makakaunawa sa isa't isa. Their fathers worked in the same field, while I was among those who would always criticize them. Hindi kami puwedeng ilagay sa iisang lugar.

I could still remember the first time I saw him—he was standing in front of the crowd, looking all authoritative as he read off the school's core mission, objectives, and list of policies and guidelines. He spoke in a way that commanded respect and attention.

I just stood there in awe, knowing that something about him captivated me. Guwapo siya at lalaking-lalaki. The kind you knew you could play the damsel in distress in front of.

Hindi ako madalas humanga sa itsura ng isang tao. I could appreciate good visuals, but I was never sucked in by them just for that reason. Para sa akin, ang tunay na kagandahan ay namamalagi sa kalooban. One could be downright attractive while harboring absurd thoughts and attitudes. Some might even resort to exploiting their appearance alone to manipulate others.

Kaya nang malaman kong anak siya ng pulitikong marumi ang kamay, kahit gaano niya nakuha ang atensyon ko, hindi ko na ulit siya tiningnan sa parehong paraan.

Para sa akin, hindi ang kagaya niya ang babali sa prinsipyo kong pulaan ang mga nakaupong magnanakaw sa gobyerno at ang mga pamilya nitong sunod nang sunod sa kanila na parang mga taong walang sariling prinsipyo.

Pero nang makita ko mismo ang daan na tinatahak niya, nawala ang nag-iisang rason kung bakit ko siya inayawan.

He was perfect for me. He was studying law and could be a ray of hope for the people. He could be the backbone of our impartial movement, and I could be the rallying cry. We shared common values, and as strange as it may sound, our personalities actually complement each other.

Words Written in Water (Loser #3)Where stories live. Discover now