Chapter 19

215K 9.4K 6.4K
                                    


Chapter 19

Hello, inks! If you haven't noticed, our characters tend to be intense and aggressive, so prepare yourselves to read a lot of swearing and other vulgar languages as the story develops. Please skip this book if you are not comfortable. Thank you!

***

Matapos magtapat sa isa't isa tungkol sa tunay naming nararamdaman, binitawan na ni Juancho ang mga pag-aalinlangan niya at naging komportable na sa pagpapahayag ng adorasyon niya sa'kin.

He became more transparent and outspoken. He made me feel like he couldn't wait to be with me, that he missed me a lot, and that he didn't want to let me go every time we were together.

He had many sides I kept discovering every day. He was clingy without denial, blunt about his hunger for me, gentlemanly but also really flirty, and authoritative but prepared to break the rules for a kiss.

He knew when to take control. He knew how to hold me down.

Para siyang magnet na nakadikit sa akin kapag magkasama kami. Kahit magkausap lang, ang mga mata niya ay tutok na tutok sa akin habang ang isang kamay ay nakapalibot sa baywang ko. Kapag naman may ginagawa ako at hindi siya pinapansin, ramdam ko ang maya't mayang pagtingin niya na para bang hinihintay akong matapos.

Hindi ko alam pero tila ang pag-amin sa isa't isa ang tuluyang nag-alis ng pagpipigil niya para maipakita sa akin ang lahat. And so, even though I was stunned by his vulgarity and dirty jokes, I found myself drawn to his strong masculinity.

From: Juancho

Are you busy?

Nag-e-edit ako ng thesis nang ma-receive iyon sa kanya. It was almost 1 in the morning. Hindi pa ako natutulog dahil hinihintay ko pang makauwi si Mari.

To: Juancho

Nag-aayos lang ng thesis. Bakit?

I placed the laptop on the center table and slumped onto the sofa to give my full attention to him.

From: Juancho

I'm off. Can I stop by?

To: Juancho

Bakit ngayon ka lang natapos? Umuwi ka na at magpahinga.

I was expecting a reply, but he called me instead after a few seconds. I didn't wait for anything; I just answered the call.

"Hey," his baritone greeted me.

Binasa ko ang labi, medyo napangiti. I could imagine him parking on the side of the road while talking to me.

Humiga ako sa sofa. "Ang late mo yatang natapos? Akala ko ba hanggang alas dose ka lang ngayon?"

Natahimik siya saglit bago malumanay na nagbuntong-hininga.

"Tough day..."

Napanguso ako. "Bakit? I-kwento mo."

"Your thesis?"

Umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Saka na 'yon. Ano munang problema?"

Muli siyang nagbuntong-hininga kaya napaawa ako. Sa dalas ng pagsasama namin tuwing lunch break ko sa gym dahil sinusundo niya ako para magtanghalian kami sa bahay niya, alam kong limitado ang oras ng pagpapahinga niya. He could only sleep for a maximum of 5 hours. Swerte na siya kapag ganoon.

"Na-scam ako..."

Naikuyom ko ang kamao, hindi agad nakapagsalita.

"Bulk order worth 3,000. Ako 'yong tumanggap ng order kaya walang pananagutan ang Food Town."

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon