Chapter 18

239K 10.7K 21.1K
                                    




Chapter 18

Para akong nalalasing, natutunaw sa mariin at malalim na paghalik niya sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko lalo't rinig ko ang mahihinang niyang pagdaing tuwing nakakagat ko ang pang-ibabang labi niya. Parehong mabigat ang paghinga namin—humihingal—ngunit wala sa amin ang tumitigil.

It was sensual; it was almost physically impossible for me to stop wanting it.

His lips were warm and silky against mine. They made a little opening in the roof of my mouth, letting him stick his tongue in. I could feel the rhythm of our hearts pounding in unison and taste the breath we shared. Ang mga kamay namin ay nasa isa't isa—ang kanya ay nasa balakang ko, pinananatili ako sa puwesto, at ang akin ay nasa mga balikat niya, nagmamakaawang suportahan niya ang panghihina ko.

"Juancho..." My voice faltered as I gasped, breathless.

He grunted, slowing down in protest, before pulling away. Inilagay niya ang noo sa akin, ang paghinga ay mababaw at tila kapos.

"Galit ka pa?" he asked, his voice low and strained as if our kisses had sapped his vitality.

Hindi ako makasagot. Gaya niya, pakiramdam ko ay naubos nang tuluyan ang lakas ko. Paghinga lang nang malalim ang tanging naisukli ko.

"I thought you were working on your stamina." He kissed me again, briefly. "Why are you so out of breath?"

Rinig ko ang aliw at panunudyo sa tinig niya ngunit wala akong kakayanang makipagsabayan. I was still trying to catch my breath, for Christ's sake!

He pulled my hips closer to him, and with a gasp, he buried his face in my neck.

"Bango mo," bulong niya habang marahang humahalik doon.

My chest heaved. "Stop..."

"Why?" he asked, chuckling.

He broke away from kissing me on the neck and returned his attention to my face.

Half-awake, we stared at each other, still in the euphoric haze of our kisses.

Pulang-pula ang mga labi niya, ang buhok ay magulo, at ang mga mata ay namumungay. Nakahawak pa rin siya sa balakang ko at nakakapit pa rin ako sa balikat niya.

I'd always considered myself powerful and self-sufficient, yet in his hands, I was melting, helpless. Para bang kilala siya ng katawan ko. Parang puwedeng maging maliit at mahina kapag nasa kanya ako.

"You didn't like it?" napapaos na tanong niya.

Lumunok ako bago umiling. "Gusto."

Napangiti siya. "Me too."

Iniangat niya ang kamay sa labi ko at maingat na hinaplos iyon.

"You only wanted the interview," he remarked, staring directly at me. "Kaya no'ng pumayag ako, hindi mo na 'ko pinansin." Frustration sunk into his eyes. "God, if you only knew how much I regretted agreeing to that shit for weeks..."

I scrunched up my mouth, racking my brain for the right words to say. "Nalaman ko lang 'yong sa inyo ni Psyche..."

"And you didn't bother telling me."

"Para saan?" tanong ko. "Wala namang namamagitan sa'tin."

"You felt our connection. What lies have you been telling yourself?" He let out a cynical chuckle. "Even without words, you know our thing is more than just friendship."

My lips quivered. "Malay ko ba? I don't know how you treat your friends. Malay ko kung kaibigan ang tingin mo sa'kin."

Umirap siya. "A friend doesn't give me a hard-on."

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon