Chapter 20

153K 6.8K 2.2K
                                    


Chapter 20

From: Juancho

Okay, baby. Take your time. Hit me up when you're ready.

Iyon ang bumungad sa'kin nang magising ako kinabukasan. It was sent in the middle of the night, and I was sure he was taking a break from work at the time.

Nakonsensya akong hindi mag-reply lalo't ang hindi ko pagpaparamdam ang una naming hindi pinagkaunawaan noon. Kaya lang, kilala ko siya. Pagagalitan niya ako kapag nalaman niya ang likas ng pinag-a-applyan kong trabaho.

Dahil mabilis ang process ng hiring sa pagiging stress coach, naka-receive agad ako ng email sa kanila. They told me that the work would be physically taxing, even with protective gears. I also looked into the company and saw that there were a lot of part-time workers there. Hindi kilala ang ganitong linya ng trabaho dahil sa risk na dala nito, pero iba ang nagagawa ng pera.

"Work ka na?" tanong ni Mari, kalalabas lang sa kwarto.

Tahimik akong tumango. Wala ako sa mood makipag-asaran.

Mukhang nakuha niya naman ang nais kong mangyari dahil hindi na siya nangusisa. Sa bulsa ay bitbit ko ang kalahati ng ipon para iabot kay Coach. Kailangan kong unti-untiin ang pagbabayad. Tatagal ako ng tatlo hanggang apat na buwan na walang suweldo kapag hinayaan ko.

Ibang-iba ang ambience ng gym nang pumasok ako. Dahil maaga pa, si Coach pa lang ang nandoon. Naglilinis siya ng mats at ibang equipment.

Kahit nahihiya sa nangyari, naglakas-loob akong lumapit sa kanya.

"Good morning, Coach," bati ko.

Napatingin siya sa'kin. Ganoon pa rin ang tapang ng mga mata niya, at hindi ako tanga para hindi maunawaang may galit pa rin siya sa akin. Kung hindi man, dismayado. Madalas niya akong pagalitan noon bilang athlete, pero hindi ko kailanman naranasan ang pumalpak nang ganoon sa trabaho. I always gave my all at work because I felt lucky to be there.

"Nakapag-isip-isip ka na?" mariing tanong niya.

Tumango ako. "Pasensya na po ulit."

Nagbuntong-hininga siya. "Ayokong magalit sa'yo, Mill. Ikaw ang isa sa mga pinakauna kong empleyado, at kung hindi ko lang alam na mas gusto mong maging journalist, na-i-train na kita para maging licensed instructor."

Yumuko ako, lalong tinamaan ng hiya. He had been so good to me. Mabilis niya akong pinapayagan kapag nagpapaalam akong hindi makakapasok. Minsan pa, kahit anim na oras lang akong nagtrabaho, pang-walong oras ang ibinibigay niya sa aking suweldo.

"You messed up, and we both know why. Hindi puwedeng laging gan'yan, Mill." Umiling siya. "Kung gan'yan ang mangyayari sa'yo kapag nagtatalo kayo ni Montero, hangga't maaga tumigil ka na. Nawawalan ka ng focus."

Pilit kong nilunok ang sinabi niya. He had a point. I kept thinking about my dispute with Juancho that I spaced out during work. Hindi magandang tingnan lalo't siya ang employer ko. Malaking bagay na nga na hinahayaan niya ako kahit pa estudyante niya si Juancho.

I lifted my gaze. "Aayusin ko, Coach."

"You should."

Kinuha ko ang nakatiklop at magkakayapos na pera. Puro isang daan, singkwenta, bente, at apat na limang daan iyon kaya may kakapalan. Kita ko ang pagbaba ng mata roon ni Coach, tila nagtataka sa pag-aabot ko.

"Limang libo pa lang po 'yan..." saad ko. "Kumuha rin ako ng isa pang part-time job para makapag-unti-unti ako ng hulog. Hindi kasi kayang naka-tengga ako, Coach. Pasensya na."

Tumaas ang dalawang kilay niya pero tinanggap din naman ang pera. "Saan ka magtatrabaho?" tanong niya habang isinisilid iyon sa bulsa.

I pursed my lips, not wanting to answer but knowing I had to. "Hindi pa po sigurado. May interview ako mamayang hapon. Kapag umayos, makakapagsimula rin agad ako."

Words Written in Water (Loser #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon