𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑

57 5 0
                                    

Max's pov

Isa lang masasabi ko.

Nakakainis!

Bakit? Kasi pinapasok nga ako di naman ako tinantanan langya. Puro ako tinawag sa recitation, mabuti na lang talaga kahit papano may alam ako.

"Oh, bakit di na maipinta mukha mo jan?" Tanong ng taong kararating lang, si Kai pala kasama si Pj.

"Pfft.. Ikaw ba naman pinaginitan ng professor tapos first day of class pa." Tatawa tawang turan ni Gav, bwisit talaga to.

"Shut up donkey, ihahampas ko sayo tong cake ko. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sakin." Singhal ko rito habang tinitignan ko ng masama. Tumaas kamay nito na animo'y sumusuko.

Nasa cafeteria na kasi kami, dahil lunch break na. Kasama namin tong dalawa pang impakta. Si Kai at Pj. Yung tatlo? Aba malay ko kung saan nagsusuot.

"Oh oh easy. Sorry na leigh leigh ko wag na magalit, lika kiss kita." Turan nito na may pangaasar na ngiti at akmang lalapit ng sakmalin ko ng palad ko mukha nya upang ilayo.

Ayoko ng hinahalikan, kahit sa pisngi. Maging sina mommy nga pinipigilan ko pero makulit din kase yun kaya no choice ako magpahalik.

Pero sa impakta nato, no way halikan nya yung sahig. Wag ako. Sapakin ko pa nguso niya.

"Layuan mo'ko, hahambalusin kita ng upuan." Akmang tatayo na sana ako pero hinawakan ni Kai kamay ko na tatawa tawa rin.

"Tama na yan. Baka isipin ng mga studyante dito na nagaaway talaga kayo, guidance abot nyo sige. Sino ba yung professor na nakaharap mo max? Kawawa ka naman at pinaginitan ka agad." Turan niya na halatang nagpipigil ng tawa. Maging si Pj ganun din itsura e.

Langya talaga. Tuwang tuwa talaga silang nakikita akong naiinis ah. Mga letche.

"Tumawa na kayo. Baka umutot pa kayo kasalanan kopa." And as if on cue sabay sabay silang nagsitawanan. Nagalingawngaw pa mga boses nila dahil sa sobrang lakas ng tawa tss.

"Yung bagong professor HAHAHAHAHAHA." Hagalpak ni Gav. Ang saya ha.

Nakakahiya. Pinagtitinginan na tuloy kami dito. May ibang nagulat, may mga naghihighikan na animo'y kinikilig, meron ding nakikitawa. Kala nyo naman kasali. May nagvivideo pa jusko.

Ikaw ba naman apat na mga anak ng sikat na business man bigla bigla magiingay tapos anlalakas pa ng boses. Well tatlo lang sila.

"Can you guys please stop na? Pinagtitinginan na kayo. Kakapal ng mukha talaga hindi na nahiya tss." Inis na turan ko. Sasagot pa sana sila pero naputol dahil biglang may sumigaw galing sa entrance ng cafeteria.

"Wassupppp mga tangaaaa!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo.

Naknampucha talaga, anlalaki ng mga bunganga kala mo hindi mga babae.

Nagsitakbuhan sila papunta samin at dali dali umupo. Si seven nasa tabi ko.

"Ang iingay ng bunganga niyo mga lintek!" Singhal ko agad sakanila. Sakit kaya sa tenga.

"Oh hala bakit ang sungit ng walo ko? Hoy! Inaway niyo to?" Baling ni seven kila Gav.

"Hindi kami yung umaway, si Ma'am Zane nangaway jan HAHAHAHAHA" inang gravy to.

"Ay weh? Si ma'am Zane? Awawa abata pala ang walo ko." may pangaasar sa sabi ni Seven.

Paguuntugin ko talaga sila ni Gav.

"Ma'am Zane? Sino?" Kev ask.

"Yung bagong professor." Sagot naman ni Gav.

"The new professor? Oh! That pretty lady who's with max yesterday!" Biglang aniya ni Zev.

UnexpectedWhere stories live. Discover now