Chapter 14

29 3 0
                                    

Maxileigh's pov

"Ma'am."

Tawag pansin ko sa propesor na nasa harap ko ngayon, andito kasi ako sa office niya.

Matapos nung event balik pangungulit nang muli ako sakaniya, mahirap na at baka icorner ako ulit tapos iirapan lang din.

Hindi niya ako pinatawag kundi ako yung nambulabog, pinapaalis niya ako kanina pero dahil mabait ako hindi ko sinunod tapos siya na din yung tumigil at hinayaan na lang ako.

Ang kaso hindi naman ako pinapansin, galing din nito e.

"Psst, hoy ma'amm." Paguulit ko ngunit hindi pa rin niya ako nililingon.

Mabuti pa yung papel napagtutuunan niya ng pansin, pano naman ako?

Nahulog na sayo~

"Hoyyyy." Lumingon niya kaya ngumiti ako pero sinamaan lang ako ng tingin saka ibinalik yung atensyon sa mga papel.

Bwakanangsheyt na papel yan dre.

"Hoy, Maia Zane-" nagulat ako nang bigla niyang binato yung pouche bag niya at tumama ito sa poganda kong mukha.

Ang sakit gago.

"Ma'am naman, masakit." Pagiinarte ko habang pinupunas yung mukha ko, kinuha ko yung pouche bag niya at inilayo sakaniya.

Baka kasi ihagis na naman.

"Watch your mouth, Monteverde. I'm still your professor." Seryosong saad nito pero nginitian ko lang siya.

Immune na ko sa paganiyan niya mga dre.
"Ma'am, ikagagalit ba ni Moira kung magiging ikaw at ako?" Tanong ko sakaniya at hindi na pinansin yung mga sinabi niya.

Pero itong si ma'am tinaasan lang ako ng kilay at bumaling ulit sa mga papel na yon.

"Ma'am advice lang, kung pipili ka ng damit dapat parang ako. Simple lang pero bagay sayo." Siyempre di ako titigil ano akala niya diyan.

Hindi na naman ako pinansin, okay lang. Sige.

"Bute pa yung mga papel pinagtutuunan ng pansin, tapon ko pa yan e." Bulong bulong ko dito sa gilid habang masamang nakatingin sa mga hawak niya.

"Tapos hawak pa, mas malambot naman kamay ko diyan." Bulong ko pa habang nakabusangot pero napatingin ako sakaniya ng makarinig ako ng mahihinang tawa.

Pero wala naman nagbago sa itsura niya, liban na lang sa pagkagat niya sa ibabang labi niya bago siya nagangat ng tingin sakin.

"Were you saying something, Monteverde?" Tanong nito na at tinaasan pa ako ng kilay.

"Wala po ma'am, sige lang diyan ka na lang po sa mga papel. Take your time." Sagot ko nang hindi iniisip yung word na ginamit ko.

Tinitigan niya ako ng ilang minuto pero umiwas ako ng tingin na agad ding napabaling sakaniya dahil narinig ko siyang tumawa ng mahina.

And I was right, she's chuckling while looking at me.

Ang ganda pucha.

"You should smile often Aia, just like the first time we met. You were smiling softly that time." I said that made her shocked.

Ay tanga..

"Y-you remembered that time?" Tanong niya na nakapagpataka sakin.

Base sa tanong niya parang may alam siya sa nangyari sakin.

Pero paano?

"Of course, kahit naman bata pa ako nun maaalala ko pa rin yun. Matalas memorya ko ma'am." Sagot ko na nagtaas noo pa na tila ba proud.

UnexpectedWhere stories live. Discover now