𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒

48 4 0
                                    

Maxileigh's pov

I'm currently laying in my bed. Still thinking about what happen earlier in the restroom.

Diko makalimutan nangyari kanina naknang tokwa.

Kakauwi ko lang. Di naman masyado nagklase yung ibang subject kanina tapos pinauwi na rin kami agad. Di na rin ako pinapunta nung pinaglihi sa yelo kong guro sa office nya. Mabuti nga un e.

Baka kasi sapian na naman ako ng kalandian.

Pero nakauwi nako lahat lahat yung utak ko nastuck parin dun sa scene sa cr kanina. Sa tuwing naaalala ko un, bumibilis tibok ng puso ko. Tapos nagiinit mukha ko. Letche naman oh.

Harot kasi max!

Busy ako tumunganga dito when I heard someone knocked on my door.

"Baby Leigh, baba kana jan we're going to eat na." Wika ng taong kumakatok.

Oh baka isipin nyo syota ko yun ah. Wala ako nun. Si mommy yun.

Nilapitan ko yung pinto at binuksan ito. Bumungad sakin ang anghel kong ina. Kahit na nasa 40's na ito di parin talaga nawawala taglay nitong kagandahan. Sakaniya talaga ako nagmana hays.

Meet my mommy, Archilla Nicole Monteverde. Her name fits her well. just like what I said she still looks young.

"Ganda ng ngiti natin mom ah." Nangaasar na turan ko dito pagkalabas ko ng kwarto.

"Why? I'm always like this naman ah." She answered but she still have those smiles.

Ganda ng ngiti. Kala mo teenager na kinikilig sa crush nya eh.

"Weh? Baka dahil yan kay mommy Maxi eh. Sus mom sabihin mo lang na kinikilig ka." Pagpapatuloy ko sa pangaasar sakaniya.

Yes I have two mommies. Mommy Nics and mommy Maxi. Maxine Ashlee Gulliver-Monteverde. Kay mommy Nics gamit naming apilyedo.

She's beautiful too, halos magkamukha na nga sila ni mommy Nics ganun daw talaga paglaging magkasama. Pero si mommy Maxi talaga ang kamukha ko, galit na galit ba naman daw sakaniya si mommy Nics nung pinagbubuntis ako.

"Oo na dahil na sa mommy Maxi mo. Kasi naman yung mommy mo inaya ako magdate. Yieee." Kinikilig na wika nito na may patili tili pa. Susme.

"Loh si mommy oh. Kala mo naman di inaaya ng date ni mommy noon." Pangaasar ko ulit.

Bigla sumimangot mukha niya, pinigilan ko matawa dahil ang cute lang ni mommy maasar.

"Heh! Hayaan mo na'ko kiligin no. It's been awhile since we have a date. Alam mo naman na naging busy kami pareho sa kompanya." Nakasimangot parin nitong tugon. Hinampas panga ako e. Pero tinawanan ko lang sya.

"Joke lang naman mommy eh. Di ka naman mabiro." Natatawa kong sabi sabay yakap sakaniya.

"Oh sya sige na manang mana ka talaga sa mommy mo. Ginagamit yung charm para mapatawad agad tsk tsk." Tinapik nito likod ko kaya kumalas nako sa yakap at nginitian sya ng napakatamis.

"Love mo kasi kami mommy." Sagot ko na lamang dito at pumasok na ng kitchen.

Nadatnan namin si mommy Maxi na naghahanda ng pagkain. At si Archie na naglalagay ng tubig sa pitchel.

Lumapit ako kay mommy maxi ng may matamis na ngiti.

"Hi mommy. I missed you po." Sabay halik ko sa kaniyang pisngi.

Gaya ng sabi ni mommy Nics kanina. Naging busy sila sa company namin kaya dina kami nagkakaabutan sa bahay. Pagpapasok ako nakaalis na sila tapos paguwi ko wala pa sila. Kaya kapag nakauwi na sila tulog nako nun. pareho lang kami ng kapatid ko.

UnexpectedWhere stories live. Discover now