𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟑

38 3 1
                                    

Maxileigh's pov

Sobrang bilis ng araw at August na, hanggang ngayon iniiwasan ko pa rin siya. Tinupad ko yung huli kong desisyon nung gabing yon, nilayuan ko siya.

Naging mahirap dahil propesor ko siya pero kinaya ko naman, sa loob ng room hindi na ako palagi nakatingin sakaniya paminsan minsan na lang pero nakikinig pa rin ako, pero trip ata ako nun dahil sa tuwing magiiba ng direksyon mata ko bigla ako tatawagin.

Dumami din yung mga projects na pinagawa sa amin mostly reporting talaga, pero pabor din sakin dahil nagkaroon ako ng dahilan upang layuan siya nang hindi niya nahahalata.

Pero sa loob ng isang buwan na yun lagi ko din sila nakikitang magkasama, mula pagpasok ng school, hanggang lunch break, maging sa room eh hinahatid pa siya, sa hallway din, kahit sa library, maging sa uwian, kahit saang sulok ng school nakikita ko pa rin sila!

Unti na lang talaga sasaksakin ko na si tadhana.

Nananadya na e.

Sa totoo lang, Hindi ko na kaya. Nakakaumay na, para akong tanga na iiwas tapos pagmakikita ko sila masasaktan lang din ng palihim. Nakakagago na, pwede na lang bang ibenta yung puso para naman mawala na tong feelings ko sakaniya?

Pero alam niyo, gaga din tong si Ryeo.

Bumalik na kami sa pagiging best friend at kasali na ulit siya sa squad ang kaso balik na din kami sa pagiging aso't pusa, walang araw na di kami nagbangayan o asaran.

Pero ang gaga bigla lalandi kapag nasa paligid si ma'am Zane, talagang pinagseselos niya as if naman magseselos.

"Babe, say ah." Gaya ngayon sinusubuan niya ako.

Nasa cafeteria kami at kanina nagaasaran lang kami napipikon na nga siya eh pero nung nakita niyang pumasok sila ma'am Zane kasama ang ibang professor bigla humarot.

She's always acting as my girlfriend whenever ma'am Zane is around, dahil nga sa kagagahan niya nagkaissue pa na girlfriend ko na nga daw siya, yung ibang may alam na ex ko siya masaya na 'nagkabalikan' na daw kami.

Hindi na lang namin sila pinapansin, may mga gusto magkumpirma pero hindi kami sumasagot, bahala sila magisip.

Pake naman kasi nila eh buhay ko'to.

"Babe." Tawag pansin muli sakin nitong little bean nato, nakatapat pa rin pala yung kutsara niyang may pagkain sa bibig ko.

"Maxileigh, nangangalay na'ko." Gigil na yern, sinabi ko ba kasing subuan niya ako? Tapos maiinis siya ngayon. Lakas din nito e.

Ngumiti ako dahil nakaisip naman ako ng kalokohan, kanina pa kasing nakatingin yung ibang students samin. I mean, lahat sila kanina pa kami pinapanood.

Pati ata mga professor nakikinood na din paminsan minsan, kasama na 𝘴𝘪𝘺𝘢.

Unti unti akong lumapit kay Ryeo habang titig na titig sa mata niya na sinalubong niya din, hinawakan ko yung kamay niyang may hawak ng kutsara at dahan dahan itong inilapit sa bibig ko, dahan dahan ko ring isinubo iyon habang nakatitig pa din sakaniya.

Nagsitilian yung mga nakikichismis kaya alam kong lahat na ng tao dito nasa amin yung atensyon, mga marites nga naman.

Pagkasubo ko nung lasagna binigyan ko si Ryeo ng nakakalokong ngiti na ginantihan din niya ng ngisi at saka itinaas yung kaliwang kamay niya, hawak ko pa rin kasi yung kanan niya.

She gently wiped the side of my lips and I was so shocked when she seductively licked her thumb, gosh this girl. I didn't expect that.

Kasabay nang paghiyawan ng mga tao ang pagngiti niya ng nakakaloko saka siya lumapit sa may tainga ko.

UnexpectedWhere stories live. Discover now