𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟔

32 2 0
                                    

Maxileigh's pov

"Let's complete the puzzle."

𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘶𝘻𝘻𝘭𝘦..

𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦..

𝘛𝘩𝘦 𝘱𝘶𝘻𝘻𝘭𝘦..

𝘓𝘦𝘵'𝘴-

"Naknampucha naman oh!" Napasabunot na lang ako sa buhok ko at sabay pabagsak na humiga sa kama ko.

Nasa kwarto na ako at ang mga salitang yan ay kanina pa paulit paulit sa isip ko.

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Matapos niyang sabihin iyon bumalik na din siya agad sa upan niya habang ako lutang na naupo sa upuan ko, nakipaglaro pa rin ako sakanila ngunit hindi ko maiwasan na matulala na lang bigla kaya panay ang kantyaw sakin ng mga kaibigan ko.

Ang huling naabutan ko lang doon ay yung sa tatlo, kamalas malasan pa ngang napunta kay Zev yung truth kaya napaamin bigla si acla dahil ang nabunot niya ay 'tell someone that you love her without actually saying it.' pero ang gaga may baon din, tinitigan niya ng deretso si ma'am Aza tapos yung isa naman seryoso lang na nakatingin din sakaniya.

Tapos ang sabi niya "You carry my heart and my soul. There's nowhere else I'd rather be than in your arms." Sobrang lambing ng boses niya habang sinasabi iyon habang nakatitig pa rin siya kay ma'am, kaya yung isa bigla na lang umiwas ng tingin na ikinangiti ni Zev.

Mga haliparot.

Tapos isa pa yung obey ni Kai 'eat a newly cooked hotdog then compliment someone by shouting it.' tapos ang sinigaw niya "Nakakahumaling ang iyong kagandahan binibining Brielle!" Then humagalpak kami ng tawa kasi bigla siyang namula nung ngumiti si Brielle, jusko.

Naging makatang bigla si gaga.

Tapos kay Pj naman kinaldagan si Sydney, yung tugtog pa nga wet the bed, juice colored sobrang nangalay panga ko kanina kakatawa.

Pero nawala din yung ngiti ko nun nang mapatingin ako kay ma'am Zane na nakatingin na pala sakin mula pa kanina, bigla ko kasi naalala yung sinabi niya kaya bumalik din yung pangamba sa dibdib ko.

May boyfriend siya kaya bakit niya sinabi yun?

Completing the puzzle means risking and sacrificing just like what she have said before, and now she's the one who's insisting to complete it with me. Again, why would she even do that?

"Inangyan oh, gusto ko lang naman matulog." Inis na turan ko at padabog na tumayo.

Iniwan ko sila dun kanina dahil sinabi kong matutulog na ako pero 11:30 na at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog.

Kumuha ako ng jacket sa maleta at isinuot ito dahil naka pajamas lang ako, lalabas na lang ako at magpapahangin baka sakaling marelax pa isip ko.

Nang makababa ako sa lobby dumaan muna ako sa café na nasa bukana lang ng entrance para bumili ng kape, aba malamang alangan namang bumili ako ng alak dito?

Tapos nang makabili ako edi umalis nako, bakit pako magsstay e nakabili na nga ako?

Char lang, baka sabihin niyo namimilosopo ako kahit ganun na nga.

Anyways, heto na ako ngayon naglalakad sa gilid ng dagat kasi hindi naman ako gumagapang.

Lakad lang ako ng lakad habang umiinom ng kape at seryosong pinagmamasdan ang karagatan hanggang sa mapagdesisyonan kong umupo sa may bato.

Alangan namang sa tubig?

Di ako pilosopo, medjo lang.

I looked at the sky, the stars is shining so bright, The moon is beautiful and mesmerizing.

UnexpectedWhere stories live. Discover now