𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟓

34 4 0
                                    

Maxileigh's pov

Nagising ako sa ingay ng bagay sa gilid ko kaya naman inabot ko iyon at hinampas.

Napalakas ata hampas ko dahil nahulog ito at may narinig akong nabasag.

Hala, nabasag ko?

Napabalikwas agad ako ng higa pero agad na napahawak sa ulo ko dahil kumirot ito.

Hangover pa nga.

Manhattan pa kasi Maxileigh.

"You ruined my clock.-"

"Ay put-o puto! Masarap yun hehe. Hi ma'am, anjan ka pala." Mapapamura sana ako dahil sa gulat pero ang sama ng tingin niya kaya hindi ko tinuloy.

"Drink this." Inabot niya sakin yung baso na agad kong kinuha at ininom, sobrang sakit na din talaga ng ulo ko.

Hindi niya naman siguro ako lalasunin e.

"Thank you ma'am, nga po pala pano ka nakapasok sa kwarto ko?" Tanong ko habang hinihilot sentido ko.

"Unfortunately, this is my room." Sagot niya na nakapagpagulat sakin at agad na inilibot ang mata sa paligid.

"Oh, sayo pala yung clock na nasira ko. Sorry ma'am, palitan ko na lang po." Sabi ko sabay kamot ulo.

"It's okay. Take a shower now, but I don't have a unused clothes with me." Sabi niya habang hinahalungkat yung maleta niya.

Nakalimutan kong sabihin, magsstay kami dito ng 5 days and 4 nights.

"Okay lang ma'am, hindi po ba ganun naman ang magasawa?" Malokong tanong ko.

"What?" Masungit niyang tanong.

"Hindi po ba kapag magasawa naghihiraman ng damit? Tapos sabay din sila naliligo, kung gusto mo ma'am sabay tay- oh ma'am! Wag yan, masakit yan!" Agad na pigil ko dahil babatuhin niya na naman ako pero this time yung base ang hawak niya.

Barag ulo ko diyan panigurado.

"If you don't shut that dirty mouth of yours, I'll smash you with this." Pagbabanta niya na ikinalabi ko saka tumayo para pumuntang banyo.

"Makasabi ng dirty mouth parang noon kung makahalik kala mo lollipop lang." Bulong ko at sinadya itong lakasan para marinig niya.

"What did you say?" Galit na siya mga chong.

"Wala po! Hehe." Sagot ko sabay takbo papasok sa banyo, baka kasi batuhin nako.

Hindi ko pa nga siya girlfriend, binubugbog nako.

____

Paglabas ko ng cr may damit na nakalagay duon sa kama kaya nakangiti ko itong nilapitan, pero agad ding nabura dahil yung damit trouser tapos crop top. Pucha.

Exposed tiyan ko dito e.

"Monteverde- the hell?!" Tong si ma'am bubuksan yung pinto ng walang katok katok tapos siya din naman magugulat.

"Ma'am! Bakit naman po ito yung damit?" Reklamo ko at tinignan yung side face niya.

Ayaw tumingin sakin kahit nakatowel naman ako.

"Wear that, it's your punishment for talking nonsense." Push, nonsense daw.

"Ayaw ko ma'am, pupunta na lang ako sa kwarto ko at dun na lang magbibihis." Confident kong sagot pero tinignan ako nito sa mata ng deretso.

Sa mata ko lang talaga par.

"Your room is far from mine, just wear that. Wag kang maarte." Maawtoridad niyang turan at sinara ang pinto.

UnexpectedWhere stories live. Discover now