𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟐

22 1 0
                                    

Maxileigh's pov

"So kamusta ang pagiging batang ina?"
Bungad na tanong ni Gavian na tinawanan ng iba, inis ko siyang binato ng panyo ko at inirapan.

Kahapon pa sila ganiyan, simula kasi nung araw na naging momma ako ni Xia ay tuling lunch time nandito yung batang yun at lagi na rin naming kasama. Mapa lunch break o class break pa yan.

Pero wala ngayon si Xia dito dahil may pasok na daw siya sa eskwela sabi ni ma'am Aza.
May chismis nga na kumalat tungkol samin ni ma'am Aza e, nalaman nilang anak ni ma'am si Xia at narinig din nila na tinatawag ako nitong momma so ang usap usapan ay magasawa kami ni ma'am.

Secretly married ganun, jusko.

Si Zev unti na lang makakapatay na ng mga tao e, sa tuwing may mga marites eh kulang na lang barilin niya gamit ang mata yung mga taong yun.

"Batang ina pa nga." Tumatawang turan ni Pj habang nakasandal sa balikat ni Kai.

"Yung kakain ka lang naman sa garden pero nakakita ka ng bata tapos tinawag kang daddy then boom! Batang ina ka na HAHAHAHAHAHA." Dagdag pa ni Kai na nagpasama lalo ng mukha ko.

"Layuan niyo nga ako at baka dumapo tong kamao ko sa mga mukha niyo." Banta ko at sabay sabay silang nagtaasan ng kamay at nagsitawanan.

Mga kupal.

"Good morning class!"

Agad na nagulat ang lahat sa biglang bati ni sir Joseph at nagsitayo, itong mga kaibigan ko din ay biglang natahimik.

"Good morning sir Joseph!" Bati naming lahat at ngumiti naman siya saka nagsign na umupo na kami.

"Nagulat ba kayo? I'm sorry I had to do that so I can get your attention. Anyway, before we start, you have a new student so please be quiet as she introduce herself. Do you guys hear me?" Aniya at tumayo sa gitna ng room.

"Yes sir!" Tugon naming lahat.

Ganiyan talaga yan si sir, masigla siya at sobrang bait, sobrang gwapo pa at tangkad siguro nasa 5'8 5'9. Father material siya sa amin, lalo na saming magkakaibigan.

"Good!" Tugon naman ni sir at lumapit sa pintuan. "Iha, you may enter now and please introduce yourself." Turan ni sir at saka umatras upang pagbigyang daan yung new student daw.

Sino naman kaya? Bute at nakapasok pa siya, second sem na eh.

Tahimik ang lahat na hinihintay makapasok yung new student at nang makapasok ito ay samo't saring bulungan ang narinig sa mga kaklase ko.

Habang ako napatulala sa mukha nung new student dahil sa pagpasok niya ay parang nakita ko siya sakaniya.

Hawig lang pala, pero yung mata nila parehong pareho. The fuck? No Max! It's not her, she's dead.

But those brown doe eyes..

"Good morning everyone, I'm from Thailand but a Filipino in heart kaya alam ko kung paano magtagalog. It's nice to meet you all, I hope to be friends with you, please take good care of me." Nginiting turan nito at bahagyang naptawa nang may maalala siya.

Pati yung tawa.. Naknampucha, ganto ko na ba siya kamiss at pati sa ibang tao ay nakikita ko siya?

"Oh I forgot to say my name, I'm sorry, I'm Pranpriya Manoban." Yumuko siya at binigyan kami ng isang magandang ngiti.

Pranpriya Manoban.. Eh? Parang sa Blackpink yon ah. Anyway, maganda siya ha at pogi din gaya ko.

"Nice to meet you too Pranpriya, now take a seat. Oh wait, just seat beside Sevien. Kayo na bahala sakaniya ha, keep her in touch." Paalala samin ni sir na tinanguan naming magkakaibigan.

UnexpectedWhere stories live. Discover now