𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟔

53 4 1
                                    

Maxileigh's pov

It's already 3 am but I'm still wide awake.

I mean who wouldn't? Kung katabi mo ay yung taong kinababaliwan mo? Tapos nakayakap pa sayo.

Jusko, hindi ako makatulog. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Sinilip ko ang magandang mukha nito at mukhang malalim naman na ang tulog niya kaya dahan dahan kong tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa ulo ko at ang legs niya na nakatanday pa sa bewang ko.

Naimagine niyo ba posisyon namin kanina? Oh diba, sino makakatulog pagganun?

I successfully leave the bed and with one last glance I quietly leave the room.

Pumunta muna akong kitchen at nadatnan ko duon si mommy Maxi na nagtitimpla ng gatas.

Herbal milk, her favorite drink.

"Mommy." Tawag pansin ko at agad naman itong lumingon ng may ngiti sa labi.

"Hi hon, can't sleep?" Malambing na tanong nito nang makalapit ako, tumango ako at ngumiti ng nakakaloko.

"Yes po, how about you mommy? Hindi ka rin po ba makatulog? o baka naman.." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin sabay tawa nang pansin kong pinamulahan ito.

"Ayieeeee, you're blushing mommyy!" Panunukso ko pa at tumawa ng malakas.

Wala naman problema yun dahil malayo ang kitchen sa mga kwarto sa taas.

"H-hey! Shut up young lady, para kang mommy Nics mo." Namumula pa ring aniya nito, kinukunutan pa ako ng noo eh halata namang nahihiya siya.

"Namumula pa rin siya yiee." Dagdag ko pa at agad na umatras dahil kita kong itataas na nito ang kamay niya.

Kaya ang ending hangin sa hampas niya.

"You!-"

"What's happening here?"

Sabay kaming napalingon ni mommy Maxi sa pinanggalingan ng boses, and it's mommy Nics.

Uyyy, maaasar ko silang dalawa.

"Hi mom, tignan mo si mommy oh, namumula." Hagalpak na sabi ko at tumakbo sa kabilang side ng kitchen dahil baka mabatukan ako.

"Hey! I'm not kaya! Ikaw Archilla ha, tantanan mo nga kakaturo ng kung ano ano diyan sa anak mo." Aguy, nadamay pa nga.

Napahagalpak ako lalo ng tawa dahil ang itsura ni mommy Nics nakangiwi habang nakatitig kay mommy Maxi na namumula na sa inis tapos ang sama ng tingin sakaniya.

Gagu, yung nagtatanong ka lang kung ano nangyari pero biglang manunuyo ka.

"Huh? Hoy Maxileigh Ash, ano ginawa mo dito sa mommy mo at ako na naman pinagiinitan?" Nakabusangot na tanong sakin ni mom.

"Eh tinanong ko lang naman po kung hindi rin ba si mommy makatulog o baka ano.. you know HAHAHAHAHAHA." Pasensya ang laughtrip talaga kaya hindi ko maiwasang tumawa.

Mukhang na-gets naman iyon ni mom kaya napalingon siya kay mommy na ako naman sinamaan ng tingin, napatawa ng mahina si mom kaya napabaling naman sakaniya si mommy.

"What?" Sungit yern.

"Love, nagtatanong lang pala anak mo eh. Nagagalit ka agad diyan." Sabi nito at niyakap sa bewang si mommy.

Ako naman napabusangot ngayon.

"Puro kayo anak mo anak mo, eh pareho niyo naman akong anak. Baka anak talaga ako ng kapitbahay ha." Sabat ko at suminghot singhot.

UnexpectedWhere stories live. Discover now