𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟗

24 2 0
                                    

Khaiden's pov

"Let's round of applause for BBGB!"

Pagtawag ng mc sakanila na nagpaingay saming lahat, sinabi namin sa mc na BBGB ang pangalan ng grupo nila kaya ayan. With sama ng loob pa nga na umakyat sa stage yung BBGB kasi BBG lang nga daw dapat pero pinagpilitan namin.

"Go Herakles! wooohooooo!!"

"Zafiraaaaa gilingan este galingan mo!!"

"Go Brie!! Yung with a smile ko ha?!"

"Zein!! ang ganda mo!!"

"Hoy Aphrodite! Kalmahan mo lang sa pagkanta ha? Baka umulan bigla!"

"HAHAHAHAHAHAHA gago ka talaga Seven! Baka batuhin ka ng mic ni ate!"

"Aiaaaa, Show them what you've got Baby!!"

"Hoy! ebarg ka na Max!! HAHAHAHAHAHA call sign ng mga walang label!"

"Gaga! Lahat naman tayo dito mga walang label!"

Ang ingay ng paligid at samu't saring mga komento ang mga audience pero mas malakas pa rin ang boses namin dahil nasa harapan kami mismo ng stage.

Napapailing na nga lang sina Brie sa taas dahil sa pinagsasabi namin, Tapos si ate ang sama ng tingin kay Seven.

"Good evening everyone! Let us serenade you for tonight!" Masiglang bati ni Hera sa lahat, pero parang kanina ang sama pa ng loob na kakanta e.

"Kahit araw arawin niyo pa!" Sa sobrang daming nagsisigawan itong sigaw ng lalaki na nasa likuran ni Seven ang mas nagpantig sa tenga namin.

Sabay sabay kaming napalingon sa lalaki at saka kay Seven bago kami nagtanguan, and as is on cue siniko ni Seven yung lalaki na nakapagpadaing dito.

"Aray! Ano ba-"

"Oh sorry kuya! Namali kasi ako ng tapak." Sarkastikong paghingi ng tawad ni Seven sa lalaki saka ngumiti ng pilit, yung lalaki naman biglang napatitig sa mukha niya at parang natulala.

"Geez." Rinig kong sabi ni Ryeo sa harap ko at nakita ko pang naiiling siya habang tinitignan yung lalaki.

Oo nga pala hindi siya sumali dahil kaya na daw yun nila ma'am, yung siya nagpatalo pero hindi siya sumali. Angas din nito e.

Ang totoo talaga niyan wala kasi dito yung kakantahan niya.. Nasa langit.

"A-ah, o-okay lang." Luh, nautal si acla.

Sino ba namang hindi, ang ganda kasi ni Seven eh. Tapos boys being boys.

Tinignan lang siya ni Seven at tinaasan ng kilay bago pairap na bumaling sa stage, suminghap naman kaming anim saka bumaling na din sa stage.

May marinig pako dun at baka makasapak na ako.

Bigla bumalik mood ko nang makita kong naglalakad si Brie papunta sa stand mic na ginamit ni Hera, they exchanged position. Si Hera na ngayon ang may hawak ng gitara.

Hera is the lead guitar, Ma'am Zafira Acoustic guitar, Thena electric guitar, ma'am Zane the drummer, Sydney piano, then ma'am Azalea and Brielle is the vocalist.

Pero lahat sila may mga mic na nakatapat.
Hera nods then started to strum followed by the two and ma'am Sydney, hindi pa nagdrum si ma'am Zane dahil yung kanta is..

I smiled as I recognized the intro.

𝘞𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦 𝘣𝘺 𝘦𝘳𝘢𝘴𝘦𝘳𝘩𝘦𝘢𝘥.

She was looking at me while the intro continues to play.

"𝘓𝘪𝘧𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘢𝘥,"

UnexpectedWhere stories live. Discover now