𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟎

37 5 1
                                    

Maxileigh's pov

1..

2..

3-

"Ginagawa mo dre?"

Napatingin ako sa taong biglang nagsalita, si Kai pala.

"Ah wala, nagbibilang lang." Sagot ko lang.

"Binibilang mo yung langgam?" Tanong nito ulit na may halong pagtataka na may pangaasar sa boses.

Oo, tama siya binibilang ko yung mga langgam dito sa bintana. Bakit ba, gusto ko lang sila bilangin.

"Oo, pakialam mo." Inirapan ko siya ng makita kong nagpipigil siya ng tawa.

Nandito kami sa room inaantay namin yung iba maging ang propesor namin. 6:30 pa lang at andito na kami, may nilakad kasi kaming dalawa kanina bago dumeretso ng skwela.

"Alam mo kanina ka pa, ay hindi kahapon pa. Kung ano ano pinagdidiskitahan mo, akala ko nga bored ka lang pero tamo pati langgam trip mo din." Naiiling na turan ni Kai.

"Bakit ba, wala lang ako magawa e. Mind your own business young lady." Masungit kong tugon dito.

"Oh sorry, young master." Pabalang na sagot nito na tinaasan ko lang ng kilay.

"Bahala ka diyan." Aga aga binibwiset agad ako.

"Max, yung totoo okay ka lang ba? May problema ka ba? May bumabagabag na naman sa isip mo ano? I know you, Maxileigh." Tanong nito ulit habang tinitignan ako na may pagaalala at panunuri sa kaniyang mata.

Lakas talaga makaramdam nito.

Tama siya, there's something bothering me, but then I don't want her, them, to worry. Akin na lang muna to.

I shooked my head and give her an assuring smile before answering.

"It's nothing dre, don't worry. I'm fine, I'm just bored antagal kasi nila." Sagot ko na lang sakaniya.

Ilang minuto muna niya ako tinitigan bago siya bumuntong hininga. Alam ko naman na hindi siya naniniwala sa dahilan ko pero nirerepesto nila lagi yung desisyon ko.

"Sige, hindi na muna kita tatanungin. Pero kung handa ka na magsabi andito lang ako ha? Kami, handa kaming makinig at tumulong sayo Max." She said softly.

I'm really lucky to have her, them, as my best friends and sisters at the same time.

"I will, promise." I said and smiled at her before tapping her shoulders assuringly.

Ngumiti din siya at nawala na yung pagaalala sa kaniyang mga mata. She knows me, I hate making promises, once in a blue moon lang ako mangako.

But whenever I did, I will definitely do it wholeheartedly. I'm a woman of my words.

"Good, maghihintay ako pero ngayon pwede tigilan mo nang bilangin yung mga langgam? Weird mo tignan e. Ngingiti ka tapos bigla din sisimangot, yung totoo? Nakahithit ka ata eh." Mapangasar na aniya kaya binatukan ko siya.

Pangit talaga kabonding nito, panira moment. Okay na e. Maka-nakahithit eh siya tong ngingisi ngisi kanina pa.

Porke nakaisa ng halik sa pisngi doon kay Elle ganiyan na siya.

Nakita ko sila kanina sa may hagdan dahil nagcr muna ako bago dumeretso dito sa room ang akala ko nga nauna na tong kupal pero nakipagharutan pa pala.

"Sabi ng kanina pa pangisi ngisi na mukhang nauulol." Rebat ko naman na ikinasimangot niya agad.

"Pangit mo." Sagot niya na lang na ikinangisi ko lalo.

"Look at the mirror and say that again." Sagot ko rin dahilan upang umismid siya at di na sumagot.

UnexpectedOn viuen les histories. Descobreix ara