PROLOUGE

8K 81 1
                                    

Nasa mall kami ngayon ni Jasper, ngayon lang kasi ang day off ko at gusto ko mag bonding lang kami buong araw.


"Jasper? You okay?" Tanong ko sa anak ko nang napansin kong tahimik siya.


"I want ice cream po mama" Tumingin ito at ang lungkot lungkot mukha niya.


"Ice cream ba mag papangiti sa pogi kong anak?" He smiled and nodded.

"Okay, wait me here okay? order lang kita ng ice cream mo, what flavor baby? Strawberry parin ba?"  I asked him.


"Opo! peyborit ko po iyun!!" Masayang sagot naman niya.


"Okay, wait lang ha" Hinalikan ko sa noo ang anak ko at naglakad na sa katapat lang namin na nagbebenta ng ice cream. 



"Strawberry ice cream po in cup, isa lang po" Sabi ko sa nagbebenta, inabot ko na rin ang bayad at napangiti ako nang makita ko ang anak kong tahimik lang na nakaupo, hinihintay ako.


"Ito na po miss, salamat po" Sabi ng babae sakin.


Nang lumingon ako kung saan ko iniwan ang anak ko, Wala ito. Wala siya sa pwesto niya. Dali dalian akong tumakbo at inikot ang aking paningin sa buong mall ngunit maraming tao ngayon. 


"Anak naman eh, nasan ka…" bulong ko habang hinahanap ko si jasper. He is just 4 years old walang pang alam masyado sa mundo. 



Nakasuot siya ng Brooklyn light blue t-shirt naka board short na white at naka converse low cut na white.


Hingal na hingal na ako pero hindi ko pa siya nakikita. Nang mapalingon ko sa likuran ko. Mula sa hindi kalayuan nakita ko ang anak kong nabungo niya ang lalaking ayaw na akong makita. Gusto ko lumapit para kunin ang anak ko pero hindi ko mahakbang ang mga paa ko.


"Shorry po kuya sir," paghihingi nito ng tawad sa lalaki.


"It's okay buddy. Wala ka bang kasama?" He asked my son. Halata rin sa bihis niya na kakagaling lang niya sa opisina sa headquarter ng mall na ito. 


Tanga na sa tanga pero gusto pumunta ng anak ko sa mall at ito lang ang mall na malapit sa amin. Ang mall na pagmamay-ari ng ama niya.


"Si mama po kuya sir, peyo  hindi ko alam nasan na po siya- mama! " sigaw nitong si jasper nang makita ako. Agad naman akong lumapit para yakapin ito. Lumuhod ako kapantay ng height ni Jasper.



"Jasper naman, hindi ba sabi ko sayo hintayin mo ako don… pinag alala mo ako." naluluha akong nakatingin sa anak ko.



"Shorry po mama," yakap naman nito sakin. Pinunasan ko ang luha ko nang mag tanong si jasper


"Where's my ice cream po mama? Wait… are you crying na naman po mama?" 


"No baby, I'm just worried. Please sa susunod pag sinabi ko hintayin mo ko don, hintayin mo ako don. Wag ka aalis, okay?" 


"Opo mama shorry po, stop crying na po mama kong maganda…" he said


I chuckled pero agad rin yung nawala  ng may nakita tawa samin. He's here, the man I love the most yet gives me an unplaceable pain in my heart. Nakita kong nakatayo siya at may galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin at sa anak ko. I stood up at hindi na siya tinapunan ng tingin.


"Let's go baby yung ice cream mo…" pag aaya ko.


"Yet's go mama! bye po kuya sir" he let go of his one hand on his pocket and waved to the man who was still standing and intensely looking at me and my son. Hahakbang na sana ako at ang anak ko ng magsalita ito. 


"Wait," he said.


"Bakit po kuya sir?" Tanong naman nitong si jasper.


"Nice to meet you buddy, can I ask buddy?" Lumuhod ito kapantay ng anak ko. Nakatayo ako at hawak ang isang kamay ng anak ko at hindi nakatingin sa kanila.


Jasper looked at me at hinihintay ang signal ko na pwedeng kausapin ang lalaking ito. I told Jasper not to talk to strangers.



"ano po yon?" Sagot naman ni Jasper.




"What's your name? And how old are you?" The man I hated the most asked.

No..

No…

No… 

Don't answer Jasper. Please, No.

"I am Jasper Kiel Mandi po, and I am 4 years old po." My son proudly said.


Nakita kong umigtig ang panga nito dahil sa sagot ni Jasper pero nakuha niya paring ngitian ang anak ko.


"What a handsome name like you. I am Kiel too. Nice to meet you little Kiel…" Sabi nito sa anak ko at nakipag kamay.


"Nice to meet you po kuya sir Kiel!" Paglalahad naman ng anak ko sa kamay niya. I don't want the atmosphere here, I need some air. 


"Let's go Kiel-  yung ice cream mo and bibili pa tayo ng toys diba?" Ani ko.


"Okay po mama, bye po kuya sir!"  Hahakbang na sana ako ng hawakan ng lalaking ito ang palapuspusan ko.



"Kiel, huh?  You named him so awesome.  It's fucking finally nice to see you, again Samantha" I looked at him. Ang mga mata niya ay may bahid ng gulat, galit. Nagsimula na kaming umalis doon.







Chasing your loveWhere stories live. Discover now