CHAPTER 15

3.6K 45 0
                                    

Ngayon ang araw ng laro ni Ezekiel. Tinawagan ko si Ellie ang sabi niya binigyan rin siya ng VIP Ticket ng Isa sa barkada ni Ezekiel kaya magkikita na lang kami doon. 

Tinapos ko na lahat ng nga activities ko kahapon. Nakabihis na ako nag suot ako ng white square neck top at pinares ko sa black high waist short at ang Vans kong sapatos. Naghihintay lang ako ng tawag kay Ellie para alam ko kung aalis na ba ako dahil malapit lang naman siya doon. Nag scroll ako sa Instagram ko at nakita ko ang story ni Keith. Ito ang babaeng kasama namin noon sa bar. Ang ka fling ni Ezekiel.

Keith Watson

Goodluck taft!💚🏹 Goodluck my kiel! @kielhux_grayson

Mukhang magsisimula na ang laban base sa story ni Keith

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mukhang magsisimula na ang laban base sa story ni Keith. Nandoon si Keith ibig sabihin binigyan nya rin ng ticket? Or bumili si Keith? Tangina naman ano nanamang tumatakbo sa utak ko! Inis kong inalis ang Instagram ko sakto naman ng pag tawag ni Ellie. Papunta na raw siya kaya umalis na raw ako sa Condo ko.

Mabuti nalang at wala masyadong traffic kaya mabilis lang kami nag dating. 

"Alam ba ni Ezekiel na pupunta ka? Diba sabi mo binigyan ka lang niya ng ticket?" Tanong ni Ellie.

"Hindi niya alam. Mukhang galit kasi siya noong huling pag uusap namin," sagot ko naman.

"Sabagay, tara na! 3rd quarter na raw nag chat sakin ni Iñigo!" Sabi ni Ellie sabay hatak sakin papasok.

Halos malula ako sa dami ng tao. Ateneo ang kalaban nila. Championship na kaya ganito kadami ang tao. Sumunod lang ako kay Ellie hanggang sa makarating kami sa VIP chairs. Mula dito ay tanaw na ang mga players.

Nakita ko agad ni Ezekiel, kung tutuosin mukha siyang modelo kesa basketball player dahil sa aura niya! mukha nanaman siyang galit. Kitang kita ko ang professional na Ezekiel. A Professional Captain. Nawala ang focus ko sa mga nag lalaro nang marinig ko ang sinasabi ng mga kasamahan namin sa VIP.

"Diba si Samantha yan?" Rinig kong Sabi ng babae.

"Yung taga UST?" 

"Mukhang siya nga! Tignan niyo likod palang!" Sabi naman ng lalaki. 

"Bakit siya nandito? May boyfriend ba siya sa mga plyer ng Las salle?"tanong naman ng babae sa tabi nito.

"Mukhang may boyfriend dito! Kasi kung boyfriend niyan taga Ateneo edi sana doon siya umupo!" Sabi ng babae sabay turo Ang VIP seats ng mga taga suporta ng Ateneo.

"Sino kaya ang boyfriend niya? Si Ezekiel my love ba?" Sabi ng babae.

"No! Hindi pwede nandito Kaya si Keith! Diba, sila yung rumor na nakita sa starbs kahapon diba?"

"Oo nga! Nandito si Keith nakita ko Instagram story niya!" 

"Kung siya man si Samantha, baka kabit siya. Nandito si Keith eh, the original." Sabi naman ng babae sabay pa silang tumawa.

Chasing your loveWhere stories live. Discover now